Breaking

M3 Cast & Crew Throws Surprise Birthday Party for Aga

King of Romance Aga Muhlach celebrates birthday on the set of Malay Mo Ma-develop (M3).

Kamakailan ay binigyan ng surprise birthday asalto ang nag-iisang King of Romance/Drama na si Aga Muhlach sa mismong set ng well-loved romantic-comedy-drama series ng ABS-CBN tuwing Sabado na “Malay Mo Ma-develop” o M3. Kabilang sa mga special guest sa nasabing sorpresa sina ABS-CBN Entertainment Production head Linggit Tan at ang misis ni Aga na si Charlene Gonzales.

Lagpas hatinggabi sa gitna ng taping ng M3 sa King’s Court, Makati nang naganap ang birthday asalto, kung saan napaniwala si Aga na mag-e-extend sila dahil may dadag pang eksenang kukunan.

Pagkapasok sa inaakala niyang set, ginulat si Aga ng M3 staff and crew sa isang simpleng handaan para sa kanyang birthday. Puno ang kwarto ng makukulay na party designs, balloons at s’yempre pa mga pagkain mula sa mga kaibigan ng King of Romance/Drama.

Hindi naitago ni Aga ang saya sa unexpected birthday celebration niya. Lalo pang naging espesyal ang araw sa hindi niya inaasahang pagdating ni Charlene sa set. Dumating kasama ni Charlene ang staff ng The Buzz na nag-cover naman ng mga naganap sa birthday asalto. May exclusive one-on-one interview rin si Charlene sa asawa na mapapanood ngayong Linggo sa segment niya sa The Buzz.

Tulad ng kanyang birthday, maraming hatid na sorpresa rin para sa mga karakter nina Aga at Comedy Queen AiAi delas Alas sa hit weekend series nilang M3. Sa mala-“opposites attract” na tema ng M3, linggo-linggong tutok na tutok na ang mga manonood sa kakaibang istorya nina JM (Aga) at Kring-Kring (AiAi) na puno ng mga sorpresa, katatawanan at aral.

Abangan at huwag palampasin sa Primetime Sabado ang “Malay Mo Ma-develop” o M3, 9:45 pm, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares