Breaking

Maja and Sam, Crossing the Line as Lovers On-Screen to Off-Screen?

The director of Impostor--Jerome Pobocan--has something to say about the "sweetness" between Maja and Sam on and off cam.

Sa limang linggong pamamayagpag sa ere ng romantic-drama series na Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, parami na nang parami ang napapa-“char” at “over-over” sa magkahalong kilig at sayang hatid ng hit tambalan ng Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador.

Bukod sa papuri ng fans, thumbs up din kina Sam at Maja ang direktor ng PHR presents Impostor na si Jerome Pobocan na kamakailan ay pinarangalan bilang isa sa TV Directors of the Year ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Pagmamalaki ni Direk Jerome, “Malakas ang chemistry ng nina Sam at Maja. Pwede silang magka-loveteam kasi they can be both funny and dramatic at the same time. They complement each other’s performance. Kapag sumasablay si Sam sa Tagalog, Maja would correct it na hindi nao-offend yung isa. In fact, may mga personal jokes pa sila.”

Nag-react din si Direk Jerome sa mga bali-balitang hindi na maawat ang closeness ng Prince of Romance at Drama Sweetheart kahit off-cam, “Pareho silang maalaga sa isa’t isa. Maja would bring food for everyone, alam niya rin ang diet ni Sam. Si Sam ganon din, he would bring healthy food for everyone ‘coz he knows Maja is watching out for her weight. They look after each other.”

Kwento ni Direk Jerome, parehong magaan ka-trabaho ang dalawa sa PHR presents Impostor. “Maja is very professional. I could say that she’s better than some of her ka-batch in terms of performance. Kapag may binigay na project sa kanya ay pinag-aaralan niya at pinaghahandaan. Tulad ng Impostor, nung malaman niya na kailangan niyang mag-portray ng dalawang character, pinag-aaralan niya nang maigi kung paano niya madi-differentiate ang characters nina Mariz at Devin. Willing siyang i-deglamorize ang sarili niya para mabigyan niya ng justice ang role.”

Dagdag pa ni Direk Jerome, “Nagulat naman ako sa attitude ni Sam. I thought he would be someone difficult to work with dahil tahimik siya. He is a very generous with his time. He’s very magalang for somebody who grew up in the states marunong siyang mangupo. Magso-sorry siya pag siya ang nagkamali, and he would acknowledge it. Hindi siya magpapaka-superstar.”

Nang tanungin naman ang direktor ng PHR presents Impostor tungkol sa mga kumakalat na chismis kaugnay ng pagiging extra-close nina Sam at Maja, isang mas nakaiintrigang sagot ang naibahagi niya, “On a professional level, Sam and Maja have bonded as very, very good friends that their intimacy could be misconstrued as lovers na sila. They are very comfortable with each other now. They know each other so well, that they could predict each other’s galaw and performance.”

Bukod sa good working relationship sa kanyang stars, masayang-masaya rin si Direk Jerome sa mainit na suporta ng publiko sa PHR presents Impostor. “One time, nasa Bohol ako and the people were watching Impostor. They told me na kinikilig sila kina Maja at Sam. Sabi ko ‘it works’. Ang sarap pakinggan na pinapanood nila. Alam nila ‘yung characters so hindi ako nagugulat kung malakas yung team-up ng dalawa.”

At kasabay ng mainit na suporta ng mga televiewers ay ang mas papainit na mga eksena sa pagpapatuloy ng kwento ng PHR presents Impostor. Hindi na umalis si Devin (Maja) sa bahay ni Anthony (Sam) matapos mapapayag ang lalaki sa mga kondisyon nito. Kabilang sa mga kondisyon na ito ay ang pababawas ni Anthony ng kanyang kasungitan, bawas-oras sa trabaho, at dagdag-oras para sa kanilang pamilya.

Pakaabangan ngayong linggo ang pagbabalik ni Devin sa San Lorenzo at ang pagsulpot ng isang “multo” mula sa kanyang nakaraan. Dahil dito, makalimutan na kaya niya ang pagiging impostor? Paano guguluhin ng taong ito ang buhay nina Devin at Anthony?

Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares