Breaking

Vice Ganda Says Sorry to Tado Jimenez and Vice Versa

A day after their word war on Showtime, Vice Ganda made an apology to Tado.

Here’s the transcript of his lengthy speech:

“Para po doon sa mga hindi nakapanood, nagkaroon po kami ng mga hindi pagkakaunawaan ni Tado dahil sa kanyang paniniwala o sa kanyang nasabi na, ‘Mabuti pang magnakaw kaysa mamakla,’ na sadyang hindi ko po talaga kayang tanggapin at ikinasama ng loob ko at ng loob ng napakaraming bakla at ng ibang tao sa Pilipinas, bakla man o hindi…”

“Para po sa akin, hanggang ngayon po ay naninindigan ako na kailanman ay hindi magiging tama at hindi magiging mabuti ang pagnanakaw. Gayunpaman, ako rin po ang nakagawa ng isang pagkakamali. Maaaring sa akin po ay kasuklam-suklam ang binitawang pahayag ni Tado, ngunit hindi rin naman kahanga-hanga ang ginawa kong pagpapahayag ng aking damdamin kahapon dahil pinahayag ko ang aking paniniwala nang may kasamang galit at pagkapikon. At ‘yang ugali pong ‘yan ay sadyang kasuklam-suklam din at hindi kapuri-puri…”

“Mga kapamilya, ako po ay marunong manindigan sa mga paniniwalang para sa akin ay tama. Ngunit tanggap ko rin naman po at alam kong tanggapin kung kailan ako nagkamali. Inaamin kong kahapon po ay nagkamali din ako dahil naging mapusok ako at nagpadala ako sa aking emosyon. Kaya hayaan n’yo po akong buong-pusong humingi at buong-pagpapakumbabang humingi ng paumanhin sa lahat ng mga manonood na hindi nagustuhan ang pangyayari kahapon…”

“Sa inyo pong lahat, maaring nakaapekto po siya sa kasiyahan na iyon, patawarin n’yo po ako. At gayundin kay Tado. Tado, nasaktan mo nang malalim ang damdamin ko. Ngunit alam kong nasaktan din naman kita sa mga pahayag ko kaya hayaan mong humingi ako ng paumanhin sa ‘yo…”

“Ang Showtime po ay nilikha para magpasaya ng mga Pilipino. Kaya hindi magandang nakikita na hindi tayo nagkakaunawaan sa telebisyon. Inaamin ko po, at mayroon po kaming natutunan sa pagkakamaling ito. Let us all work from this mistake, from this experience. Peace, peace, peace tayo, Tado. Love, love love.”

“Let’s all welcome and appreciate diversity and love one another. Nagkamali po kami. E, talagang no one and nothing in this world is perfect. Sabi nga ni Ryan Seacrest, ‘That’s why pencils have erasers so that when an error is committed, correction can be made.’ Pasensiya na po kayo.”

Afterwards, Tado Jimenez, also asked for forgiveness. Here’s the transcript of his short speech:

“Ako din naman po, si Tado Jimenez, ako po’y humihingi ng paumanhin sa mga salitang nabitawan ko na maaaring nakasakit ng damdamin at naka-offend sa inyong manonood partikular na sa gay society lalung-lalo na kay Vice Ganda. Muli po, taos-puso po akong humihingi ng paumanhin.”

In one part of the show, Vice Ganda and Tado even danced together in the spirit of comedy. On the other hand, Vhong Navarro and Anne Curtis are somewhat “sweet” to one another.

It’s also interesting to note that on today’s episode of Showtime, kapuso host Raymond Gutierrez was spotted at the audience.

Watch the video here:

1 Comment on Vice Ganda Says Sorry to Tado Jimenez and Vice Versa

  1. im sorryzz

Leave a comment

Your email address will not be published.