Breaking

PHR ‘Impostor’ – Character Profiles

Get to know the characters of Precious Hearts Romances Presents "Impostor."

Lahat nga ba tayo’y mga impostor sa ating mga sariling buhay? Sa iba’t ibang paraan nga ba’y nagbabago tayo ng katauhan para makibagay, matanggap at mahalin ng iba?

Kilalanin si Devin—lumaki sa kahirapan, kapos pa sa kagandahan. Pinangarap n’yang hangaan at mahalin ng karamihan, tulad ng kanyang idolo, ang sikat na modelong si Mariz.

Sa isang malupit na laro ng tadhana, masasangkot sa aksidente sina Mariz at Devin. Masisira ang mukha ni Devin at mapapagkamalan na s’ya ang sikat na modelo. Sa tulong ng siyensiya, mapupunta kay Devin ang mukha ng idolo. Sa pagkakaipit sa mga pagkakataon, mapipilitang akuin naman ni Devin ang buhay ni Mariz.

Taglay na ni Devin ang kagandahang pinapantasya… Paano kung ang mukhang ito’y hindi sa kanya? Paano kung inangkin n’ya ang buhay ng iba? Paano s’yang tatanggapin ni Anthony, ang lalakeng minahal n’ya gayong s’ya’y isang . . . Impostor?

CHARACTER PROFILES

DEVIN VENTURA

Impostor na may pusong di marunong magsinungaling. Gagampanan nina Maja Salvador at Melai Cantiveros.

Artists Profile

MAJA SALVADOR

Drama Sweetheart

Unang nakilala si Maja Salvador nang hinanap n’ya ang nawalay na ama sa programang The Buzz. Di lamang natagpuan ni Maja ang pinangungulilaang ama, naging daan din ang panawagang ito para mapasok \ng dalaga ang mundo ng showbiz.

Mula sa kanyang pag-suporta sa tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa “It Might Be You”, unti-unting nakilala si Maja bilang isa sa pinakamahuhusay na actress sa kanyang henerasyon. Ilan sa mga nakakabilib niyang pagganap ay nang magsama sila ng Star For All Seasons, Vilma Santos sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi lang sa drama hinahangaan si Maja, dahil siya lang ang aktres sa kanyang henerasyon ang may mga markadong pagganap sa mga proyektong horror at comedy. Di rin matatawaran ang galing Maja sa larangan ng pagsayaw.

Matagumpay na natawid ni Maja ang mundo ng pelikula. Nagkaroon na s’ya ng nominasyon sa kategoryang Best Supporting Actress sa 2007 FAMAS Award at tropeo for Best Breakthrough Performance by an Actress sa 2007 Golden Screen Award para sa pelikulang Sukob.

MELAI CANTIVEROS

Prinsesa ng Masa

Lahat ay napatawa at nakatutok kay Melai nang maging housemate siya sa bahay ni Kuya noong PBB Double Up. Marami din ang napabilib sa kanyang pagpapakatotoo kaya naman sa pagtatapos ng season ay hinirang siya bilang Big Winner ng ikatlong major season ng PBB. Pinakatutukan rin ang mga realiseryeng pinagtampukan nila ng fellow housemate at real-life boyfriend na si Jason.

Ito ang unang pagkakataon ni Melai na umarte sa harap ng telebisyon, pero sa Gensan ay matagal nang bumibida si Melai sa mga pagtatanghal sa kanilang paaralan. Tulad na lamang ng pagganap niya bilang bida sa Inidora, ang version nila ng Betty La Fea.

Character Profile

Hindi man ganun nabibiyayaan ng kagandahan pero isang matalinong babae si Devin. Free-spirited at minsan inaatake ng pagka-clumsy, masayahin, at hindi ikinahihiya ang pangit na itsura dahil tanggap siya ng mga kaibigan at kababayan. Mabuting anak, mabait na kaibigan, marunong makisama at isang masayahing tao.

Simple kung manamit at di palaayos. Pero idolo ang modelong si Mariz Florencio. Palakanta at palangiti. Nagtitinda sa talipapa.

Lumaki sa bayan ng San Lorenzo, nag-iisang anak nina Lira at Nestor na salat man sa karangyaan ay isang masayang pamilya at puno na pagmamahal. Lumaki man si Devin na may kapangitan, tanggap nito ang sarili bagkus di niya ito ikinahihiya at di niya tiningnan pabigat o hadlang sa kanyang buhay.

Sa bayan ng San Lorenzo nakilala ang kababatang si Popoy na siya nitong matalik na kaibigan, naging hingahan ng mga sama ng loob at pangarapin sa buhay. At tulad ni Popoy tanggap ng mga taga San Lorenzo si Devin.

Sa kanyang pagdadalaga, naging idolo niya ni Mariz Florencio, isang modelo na sobrang niyang hinahangaan ang angking kagandahan at kaakit-akit na katawan. Minsan siyang nainggit sa swerte ni Mariz dahil naging asawa nito si Anthony Florencio na crush ni Devin.

MARIZ FLORENCIO – Siya ang biktima at ninakawan ng pagkatao

Sa kanya ang nag-iisang mukha at may hawak ng totoo.

Gagampanan ni Maja Salvador.

Character Profile

Isang babaeng nabibiyayaan ng maraming bagay—isang maganda mukha, isang kaakit-akit na katawan, kasikatan sa mundo ng pagmomodelo at asawa ng isang sikat na Presidente ng land developer company na si Anthony Florencio.

Isang asawang mas mahalaga ang kasikatan at career. Halos wala itong panahon sa kanyang pamilya. Ngunit wala man siyang oras sa anak, mahal ni Mariz si Joshua. At maski nanganak na siya, napanatili ni Mariz ang kaseksihan ng katawan nito na pinagnanasaan ng kamihan.

ANTHONY FLORENCIO

Paligid may niya’y nababalot ng kasinungalingan.

Pero kailanma’y di siya sumuko sa pag-unawa at pagmamahal.

Gagampanan ni Sam Milby.

Artist Profile

SAM MILBY

Prince of Romance

Pagpasok pa lang ni Sam Milby sa unang season ng Pinoy Big Brother House, marami na ang napatili sa kanyang kaguwapuhan at nakakatunaw na galing sa pagkanta. Maaga man s’yang napalabas ng bahay, maaga ding nagbukas ang pinto ng oportunidad para sa binatang ito.

Halos sabay pinasok ng Prince of Romance ang mundo ng pelikula at soap opera, dahil in 2006 ay nakasama niya ang bigating tandem nina Bea at John Lloyd sa pelikulang “Close to You” at pinakilig n’ya ang sambayana ng makatambal si Anne Curtis sa teleseryeng “Maging Sino Ka Man”. Kahit sinong leading lady ang ipares kay Sam ay tiyak na patok ang proyekto—mapa-telebisyon (kasama si Angel Locsin sa “Only You” at Anne Curtis sa “Diyosa”) o mapa-pelikula (kasama si Toni Gonzaga sa “You Are The One” at “You Got Me”, Bea Alonzo sa “And I Love You So” at Anne Curtis sa “Babe, I Love You”)

Muli n’ya tayong pakikiligin at pabibilin sa galing n’ya sa pag-arte sa unang tambalan n’ya kay Maja bilang Anthony, ang mayamang negosyante na asawa ni Mariz, at dreamboy ng probinsiyang si Devin.

Character Profile

Guwapo, matipuno, mayaman, matalino, matagumpay.

Si Anthony ang presidente ng isa sa pinakamalaking land developers sa bansa. Kumpanya at posisyon na minana niya sa kanyang mga magulang. Kaya’t si Anthony, palaging may nais patunayan sa sarili at sa ibang tao na nagtutulak sa kanyang maging focused sa trabaho, sa puntong nagiging workaholic siya.

Seryoso, hindi palangiti, may pagka-suplado, mainitin ang ulo, pero pagdating sa kaisa-isang anak na si Joshua ay madaling lumambot ang puso.

MONIQUE BENITEZ

Siya ang may likha, siya ang kumokontrol

Ang tanging nakakaalam sa pagkatao ng Impostor

Gagampanan ni Precious Lara Quigaman

Artist Profile

PRECIOUS LARA QUIGAMAN

Unang nakilala si Lara Quigaman nang manalo siya bilang Ms. International sa Japan nuong (2005), at dahil na rin sa kanyang natatanging Filipina beauty ay marami nang offers sa kanya sa showbiz. Mula sa mga guesting sa iba’t ibang sitcoms ay nagmarka ang pangalan ni Lara bilang host sa Wowowee.

Unti-unti nang pinasok ni Lara ang pag-arte simula nang maging mainstay siya sa “That’s My Doc” at “Princess Sarah”, pero nakilala s’ya bilang mahusay na aktres ng ginampanan n’ya ang papel ni Monique, isang pulis at mapagmahal na asawa, anak, kapatid at ina sa hit series na “May Bukas Pa”.

Mula sa pagiging sweet at submissive, pinapalawig ni Lara ang kanyang talento sa pag-arte sa pagtanggap sa mas matapang at mas palabang papel na na pagganap bilang si Monique, ang scheming sophisticated elder sister ni Mariz. Si Monique ang susi sa katauhan at lihim ng Impostor.

Personal Profile

Isang matalino at determinadong babae. Maganda at nabibiyaaan ng kaakit-akit na katawan. Perpeksyonista. Galit sa madumi at pangit. Tanging nais at kagandahan sa kanyang paligid.

Si Monique ay isang career woman na independent, matapang at kilala na di nagpapatalo sa mga lalaki. Alam ang gusto sa buhay at very focused sa mga gusto niyang gawin at plano para sa mga darating na araw. Matulungin sa mga nagnanais na gumanda.

Dahil sa angking katalinuhan alam n’yang gamitin ang sarili niyang katawan, ang sarili niyang kagandahan, ang kanyang kapatid pati na ang kanyang mga connection para sa kanyang seguridad at sa mga plano.

POPOY CALANTIAO

Isang kaibigan wagas kung umibig

Sa isang mukha na para sa kanya ay natatangi.

Gagampanan ni Jason Francisco.

Artist Profile

JASON FRANCISCO

Prinsipe ng Masa

Kahanga-hanga kay Jason ang pagiging simple at totoo. Sa kabila ng unang pagkaka-kilala sa kanya bilang ‘bad boy’ ay natuklasan ang kanyang pagiging komedyante at romantiko nang maging housemate sa bahay ni Kuya. Ang kanyang pagiging vocal sa nararamdaman kay Melai ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit naluklok siya bilang Third Big Placer sa Big Night ng PBB Double Up.

Ang pagpapakatotoo at natural na pagiging komedyante ni Jason ang ilan lang sa mga sinundan ng tao kay Jason nang pagbidahan niya isang pang-umagang realiserye kasama ang kanyang sweetiepie na si Melai.

Bagama’t Impostor ang kanyang unang pagsubok sa pag-arte sa drama ay marami na agad ang napabilib sa angking galing at sa determinasyong matuto sa pag-arte. Gagampanan ni Jason ang papel ni Popoy, isang mangingisda at ang matalik na kaibigan ni Devin.

Character Profile

Masayahin, mabait na kaibigan, determinado at may matatag na paninindigan.

Si Popoy ang matalik na kaibigan ni Devin. Isang pilyo, palabiro taong nakatungtong ang dalawang paa sa lupa. Kababata na Devin sa bayan ng San Lorenzo. Masayahin at palangiting tao dahil kay Devin. Kaya buhat ng nawala si Devin, walang tigil niya itong hinananap at sa pagdaan ilang taon patuloy ang kanyang paniniwala na buhay si Devin at balang araw ay magkikita uli sila.

Siya ay may lihim na pagtingin kay Devin.

LEO SERRANO

Kilalang mahusay, palaban at pinagkakatiwalaan

Sa tiwala din ba nito pababagsakin ang itunuring na kaibigan?
Gagampanan ni Bobby Andrews.

Character profile

Matalino, Segurista, Palaban ngunit Mapagpanggap

Si Leo ang kinikilalang Senior Vice President ng kumpanya ng mga Florencio. Lumaking kababata ni Anthony. Hawak ang tiwalang pinanday ng kani-kanyang magulang kaya halos magkapatid ang turingan ng dalawa. Supportive at magaling, kilalang mahusay sa maraming larangan. Ngunit kahit na mas matalino ay magaling siya kaysa kay Anthony kailan man ay di siya magiging isang Florencio at magiging Presidente ng kumpanya. Isang bagay na kailan may ay di mapapasa kanya.

At anumang galing at kahusayan ay may kahinaan. At sa pagpasok ni Monique magbabago ang buhay ni Leo. Gamit ang katawan at kapusukan ni Monique, magagamit nito si Leo para pabagsakin ang Florencio at kalabanin ang halos kapatid nito na si Anthony.

DONYA VALERIA FLORENCIO

Isinakrpisyo para ang pamilya ay di mawasak.

Isang ina kinasusuklaman ng anak.

Gagampanan ni Raquel Villavicencio

Character Profile

Matapang, palaban, mayaman at matagumapay.

Si Donya Valeria ang CEO ng isa sa pinakamalaking land developer sa Pilipinas. Isang trabahong iniwan sa kanya ng asawa na naging dahilan para mapabayaan at mawalan ng panahon sa nag-iisang anak na si Anthony.

Sa paglaki ni Anthony kinasuklman siya nito dahil sa pag-aakala na may lalaki siya. Ngunit alam ni Valeria na dahil sa pagmamahal niya sa asawa, anak at pamilya, di niya magagawa ang ibinibintang ng anak. At sa buong buhay niya tanging pag unawa at pagpapatawad ang hangad niya mula ditto.

Kaya nang ipinakilala sa kanya ang kanyang apo na si Joshua, dito siya bumawi at nagkaroon ng pag-asa. Dito niya ibinubuhos ang mga bagay na di niya nagawa para kay Anthony. Naging mapagmahal na Lola kay Joshua at maintindihing ina kay Anthony. Tanging pangarap niya na di maulit sa pamilya ng kanyang anak ang nangyari sa kanyang pamilya.

JULIO

Mukha at katawan ang kanyang puhunan

Tanging kasiyahan, babae at kayamanan.

Gagampanan ni Jon Avila.

Personal Profile

Si Julio ay isang lalaki may angking kakisigan at kagwapuhan, kilala sa mundo ng modeling at malimit na laman ng mga magazine. Babaero, easy go lucky, mahilig sa gimik, gastador, walang sense of time and planning. Para kay Julio, ano man ang gusto niya, nakukuha niya. Di siya pumapayag na matalo o madehado. Aggressive and controlling.

Lumaking may kaya at ayaw niyang ng mga madrama at mga problema. Takot siya sa commitments.

JOSHUA VENTURA

May misteryo mang bumabalot sa kanyang pagkato

Siya pa rin puso ng buong Florencio

Gagampanan ni Izzy Canillo.

Character Profile

Nag-iisang anak nina Mariz at Anthony Florencio. Tulad ng ibang bata si Joshua ay isang pilyo, makulit, mahilig makipaglaro at maingay na bata. Maramdamin lalo pa at laki sa Yaya. Pero laging nagdarasal kay Bro para magkaroon sa kanya ng time ang kanyang Mommy.

Tangi niyang sumbungan ang kanyang Lola Valeria na lagi niyang kakampi.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares