Cristy Fermin Guilty of Libel
Aside from the half-million pesos, the court also ordered the tv host a fine of P6,000.00 in lieu of a prison sentence of 3 months to 1 year.
Fermin was sued for libel by talent manager Annabelle Rama for an article that appeared in her publication “Gossip Tabloid” on June 14, 1995.
Although she admitted that she was the publisher of the tabloid, Fermin denied that she wrote the article about Ruffa Gutierrez saying a team of reporters did coverage on that story.
In an interview with abs-cbnNEWS.com, Fermin said she will file a motion for reconsideration.
According to Fermin’s statement, as aired on her radion program in DZMM Thursday, April 3, 2008, she considers the proceedings as simply legalities.
Fermin’s full statement is as follows:
“Iyon pong kasong isinampa ni Tita Anabelle Rama at Eddie Gutierrez sa inyong lingkod noon pang 1995, labing tatlong taon na po ang nakakalipas ay lumabas na po ang desisyon kanina.
“Ang desisyon nga po ay danyos na tig-P500,000 ang bawat complainant at P6,000 fine sa halip na kulong so wala po itong kulong.
“Ako naman sabi ko nga sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa bawat pagbubukas ng umaga maaring lumabas ang desisyon.
“Walang kaso sa akin iyon sapagkat alam ko naman na may nakasampang kaso sa Supreme Court.
“Pero sa akin sana po ay maintindihan niyo pormalidad na lang po ito sapagkat ang aming puso ay pinalambot na ng panahon sa loob ng 13 taon, kasabay nito ay pag-alis ni Gabby Concepcion, kasabay ng scam, 13 years na po napakahabang panahon na iyon.
“At kapag pumupunta po lagi kong sinasabi ang studio ng The Buzz, ang booth ng dzMM at ano mang lugar na pinagta-trabahuan ko ay parang tahanan ang aking turing. Kapag may pumasok na kaibigan o kahit hindi kaibigan, kahit hindi kaibigan ay binibigyan namin ng respeto.
“Si Ruffa Gutierrez po ay kasama namin ni kuya Boy at Phem sa The Buzz so pumupunta po doon ang kanyang inang si Tita Annabelle at ang kanyang ama si Tito Eddie.
“Mayroon pong pagkakataon na medyo hindi pa po kami kumportable ni Tita Annabelle na makita ako lalo siya pero alam mo naman ako hindi nilalaga ang puso ko para lumambot lagi namang ganoon at kung nasaktan ko man sila natural lang na sila ay umaray.
“Sa mga pagkakataong nagkikita kami ni Tita Anabelle ay nagbibigay respeto ako hindi po niya binibigay ang kanyang pisngi pero hindi niya inaalis kapag humahalik ako.
“At one time po ng kasagsagan ng issue at birthday ni Ruffa Gonzales lumapit ako, ‘Tito Eddie magandang hapon’ po niyakap niya ako ng mahigpit.
“Sabi ko nga sa diaryo natin noon doon pa lang sa hipgit ng yakap sa akin noong ni Tito Eddie parang wala ng hangin sa pagitan namin siguro lahat noon ay napaalis na pormalidad na lamang ito ika nga legalidad na lamang ito ang mahalaga ay natapos, may MR na matatawag, pwede ka pang mag-motion for reconsideration pero para sa akin ang mahalaga ay ang damdamin naming lahat dahil kung galit pa sa akin si Tita Annabelle aalisin niya ang pisngi niya kapag humahalik ako at si Tito Eddie noong nagmagandang hapon ako dapat hindi siya yumakap sa akin pero ramdam ko.
“At ako mula 1995 hanggang ngayon ay hindi ko pinersonal ang kanilang mga anak, hindi ko binibira lalo na si Ruffa mahal na mahal ko at napakabait na bata at lahat ng laban ng bata ay kasama niya ako. Iyon po iyon.”