Breaking

Lolit Solis Nakahanda Na sa Demanda ni Sam Milby

Ipinahayag ni Lolit Solis sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon na nakahanda na siya sa demandang isasampa laban sa kanya ni Sam Milby.


Sa programang The Buzz noong linggo ay live na nagbanta si Sam Milby laban kay Lolit Solis na kung hindi ire-retract ng huli ang mga sinulat sa Pilipino Star Ngayon ay sasampahan siya ng binata ng kasong libel.

Kaugnay pa rin ito sa isinulat ni Lolit sa kanyang column noong nakaraang linggo kung saan ay inilahad niya na nakita niya diumano si Sam Milby at Piolo Pascual sa Treasure Island Coffee Shop ng Sofitel sa Pasay City na nagbubulungan at halos magkadikitan na ang mga pisngi.

Pinabulaanan ng dalawang kampo na pareho silang wala sa nasabing coffee shop noong araw at oras na nandun si Lolit. Nagbigay ng statement ang Timex at pati na rin si Angel Locsin na nasa photoshoot si Piolo Pascual ng mga oras na iyon. Nagbigay din ng statement ang manager ni Sam Milby na nasa salon ang kanyang alaga ng mga oras na iyon.

Sa Startalk noong sabado ay ipinahayag ni Lolit ang sobrang pagka-“defensive” ng kampo nina Sam at Piolo. Wala naman daw sanang malisya sa nangyari kung hindi lamang nagmadaling umalis ang dalawang heartthrob noong nakita siyang papalapit. At iyon din naman ang sinabi niya sa kanyang column, wala siyang binanggit na tahasan niyang pinaparatangan na bading ang dalawang aktor.

Bakit daw sa radio program ni Moe Twister kung saan ilang artista ang sumagot sa katanungang sino ang bakla sa showbiz ay tahasan nilang binanggit ang pangalan nina Piolo at Sam, bakit daw hindi sila nagreklamo.

Kung may mga testigo sina Piolo at Sam ay may testigo rin daw ang talent manager upang suportahan ang kanyang isinulat. Isang empleyado raw ng Sofitel ang tumawag sa kanya at isinalaysay na nakita rin niya ang dalawang aktor noong October 12. Natukoy din ng empleyado na hummer daw diumano ang sasakyang gamit ni Piolo noong araw na iyon.

Ang tanong: itutuloy kaya ni Sam Milby ang bantang pagdedemanda lalo na’t hindi binawi ni Lolit ang kanyang mga isinulat? Subaybayan.

Leave a comment

Your email address will not be published.