Breaking

Philippine Idol Season 2 on GMA 7?

Now this is what i'm talking about, again. Thanks GMA 7 for listening to my rants (as if). GMA 7 is currently rallying to get the Idol franchise from Fremantle Media if ever na hindi na talaga kaya ng ABC 5 magkaroon ng season 2 ang Philippine Idol.


Ayon sa Pinoy Entertainment Portal:

May katotohanan ang nasulat na paglipat ng Fremantle Media ng Season 2 ng Philippine Idol mula sa ABC 5 to GMA-7. Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa GMA-7, may negotiation na sa dalawang kampo. This week malalaman kung malilipat na sa Kapuso network ang local franchise ng American Idol o mananatili ito sa ABC-5.

Ayon sa aming source, ang first option ay sa ABC-5 pa rin. Pero kung hindi raw mami-meet ng grupo ni Mr. Tonyboy Cojuangco ang hinihingi ng Fremantle Media, ang franchise holder ng singing search, malaki ang posibilidad na sa GMA-7 na ito mapanood next year.

Ang tanong ngayon, kung sakaling malipat sa Kapuso network ang Philippine Idol, si Ryan Agoncillo pa rin kaya ang maging host at si Ryan “Mr. C” Cayabyab pa rin kaya ang chairman ng board of judges? Ang nakasama ni Mr. C sa pagdya-judge ng Philippine Idol sa ABC-5 ay sina Pilita Corrales at Francis Magalona.

May program contract pa sa ABS-CBN si Ryan, pero gusto raw ng Freemantle na i-retain siya at si Mr. C.

Wala namang problema sa direktor ng Philippine Idol na si Mark Reyes dahil taga-Siete ito at hindi siya maaapektuhan sa lipatan issue. Ito ay kung siya pa rin ang kukuning direktor, dahil posible ring ibigay ito kay Louie Ignacio na siyang nagdidirek ng musical variety programs ng GMA-7.

Kung matuloy ang paglipat sa GMA-7 ng Philippine Idol, ibig sabihin ay wala na munang Pinoy Pop Superstar habang nasa kanila ang exclusive rights ng very popular singing search. Napag-alaman ng PEP na kung mapupunta nga sa Kapuso network ang franchise ng Philippine Idol, sa timeslot ng Celebrity Duets ito ilalagay every Saturday na siya ring timeslot ng Pinoy Pop Superstar.

Malaki rin ang posibilidad na si Regine Velasquez ang mag-host ng Philippine Idol kapag nasa GMA-7 na ito dahil siya ang host ng Pinoy Pop Superstar at Celebrity Duets (with Ogie Alcasid).

May local version na rin ang “Are You Smarter than a Fifth Grader?” na ipapalabas sa 7.

Leave a comment

Your email address will not be published.