Breaking

Sam Milby & Anne Curtis: 6 Months Nang Mag-On

Hiding your relationship for six months is tough! Who would have thought na 6 months na palang mag-on sina Sam Milby at Anne Curtis? At may pagkakataon pang nakikitulog si Sam sa bahay ni Anne sa Parañaque?! Pero bakit kailangan nilang itago ang relationship nila? At pa'no nangyari 'to? Read on....

TALAGANG buong ningning na naitago nina Anne Curtis at Sam Milby ang tunay na relasyon.

Six months na palang mag-on ang dalawa nang wala tayong kamalay-malay.

Bago pala sila naging mag-on, naging malinaw ang kanilang usapan: Walang aamin no matter what.

At ganu’n nga ang nangyari.

Ayon sa aming very reliable source, may mga pagkakataong sa bahay na ni Anne natutulog si Sam. May sarili nang bahay ang aktres sa Parañaque at bumukod na ito sa ina.

Dahil kay Sam, napilitang mag-aral magluto si Anne, pero madalas na clubhouse sandwich lang, solved na ang matinee idol.

Pero bakit nga ba inililihim ng dalawa ang tunay na relasyon? May kinalaman kaya rito ang isang actor na malapit sa puso ni Papa Sam?

Ayaw n’ya kaya itong masaktan? Ano sa palagay n’yo? Just asking…

By Roland Lerum
Source: Journal

Leave a comment

Your email address will not be published.