Breaking

Sexbomb Rochelle Endorses Leni Robredo

Kahit halukayin mo ng todo, wala ng bawian ‘to! SEXBOMB ROCHELLE, LUMABAN SA PAG-ENDORSO KAY LENI ROBREDO.

Source: Instagram (@rochellepangilinan)

Ginulat ng Kapuso actress at dating lider ng sikat na grupong Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan ang sambayanan sa inilabas niyang video kung saan ipinapahayag niya ang pag-endorso niya sa kandidatura para sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

“Hindi kayo pinalaki para bumawi,” bungad ni Rochelle sa kanyang video na ipinost ng Team Leni Robredo. Base ito sa kanilang pinasikat na kantang “Laban o Bawi.”

Paliwanag niya nag-research siya ng maigi, nakinig at nagbasa bago nagpasya na piliin si Robredo na para sa kanya ay “maka-Diyos, marami ng nagawa, at palaban.”

Dagdag pa niya, ayaw niya sa mga bumabawi sa mga binitawang salita at sa mga posibleng bumawi ng mga nagasta nila ngayong eleksyon.

“Laban! Laban! Ipanalo natin yung lumalaban at lalaban para sa atin. Iboto natin si Leni Robredo!” paghikayat ni Rochelle.

Tinapos niya ang kanyang mensahe at sinabi ang tanyag na linya ng Sexbomb Girls na “get get awww!”

Agad naman na nagreact ang netizens lalo na ang mga millenial na lumaking napapanood siya sa TV.

Sumikat si Rochelle at ang grupo niyang Sexbomb Girls taong 2000 at araw-araw na napapanood sa noontime show na “Eat Bulaga.”

Namayagpag ang grupo sa loob ng isang dekada at kinilalang best selling girl group dala ng kaliwa’t kanan nilang hit songs at dance crazes. Top rater naman ang kanilang afternoon show na “Daisy Siete” na tumagal ng 26 seasons.

1 Comment on Sexbomb Rochelle Endorses Leni Robredo

  1. justin adam bunnell // May 7, 2022 at 3:40 am //

    dear dude shut up to justin adam bunnell shut up do you hear me retard shut up shut up shut up shut up shut up are you going 2 cry,ect deal with it’s mother’s day stop staring at your hands
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up
    shut up shut up
    shut up
    shut up

Leave a comment

Your email address will not be published.