Breaking

Top 10 Programs Nationwide in January 2019

Patuloy na nanguna ang mga palabas ng Kapamilya network sa top 10 list ng pinakapinanood na mga programa noong nakaraan na buwan, kung saan namamayagpag pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (39.1%).

Kabilang din sa top 10 ang bagong Kapamilya shows tulad ng “The General’s Daughter” (32.8%) ni Angel Locsin at ang “World of Dance Philippines” (30.8%), ang bagong reality talent show na sinundan ng flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” (30.2%). Matagumpay din ang pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman” (28.7%), habang patuloy na tinatangkilik tuwing Sabado ang “Maalaala Mo Kaya” (24.3%). Patok pa rin sa viewers ang “Halik” (23.2), samantalang wagi ang comeback ng “Minute to Win It: Last Man Standing” (22.6%) sa pagpasok nito sa top 10 most watched programs. Kinumpleto ng “Wansapanataym” (22.4%), ang programang laging may mapupulutan ng aral, ang listahan.

Pumanganim naman sa listahan ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na nakakuha ng 25.7%

Here are the Top 10 Most Watched Regularly Airing Programs in January 2019 in National Urban and Rural Homes:

Leave a comment

Your email address will not be published.