Breaking

‘Fighter of Destiny’ and ‘The Other Kingdom’ to Premiere Feb. 26 on GMA

Two fantaseries are set to premiere on GMA Network this Monday morning, February 26, 2018.

“The Fighter of Destiny” from China stars Lu Han, dating miyembro ng popular Korean-Chinese idol group na EXO. Gaganap siya bilang si Changsheng Chen, isang batang ulila. Mapupulot siya ng isang Taoist monk at kukupkupin siya nito bilang disipulo sa templo. Hindi niya alam na siya ang pang-apat na prinsipe ng maharlikang pamilya Chen. Isinumpa siyang hindi na mabuhay lampas 20 taong gulang. Dahil dito, maglalakbay siya para humanap ng lunas sa sumpang ito. Malabanan kaya ni Changseng Chen ang kanyang kapalaran?

“The Other Kingdom” from the US, on the other hand, will star Esther Zynn, Celina Martin, Taylor Adams, Callan Potter and Josette Halpert. Isang prinsesa ng fairy kingdom ng Athenia si Astral (Esther Zynn). Manghang mangha siya sa mundo ng mga tao, kaya naman lilisanin niya ang kanyang kaharian para subukang mamuhay dito. Papasok ng Theseus High School si Astral at dito niya makikilala ang kanyang mga human friends na sina Morgan (Celina Martin) at Devon (Taylor Adams). Dito din niya malalapitan sa wakas ang kanyang longtime crush na si Tristan (Callan Potter). Pero, magkakaroon din siya ng kaaway—ang popular girl na si Hailey (Josette Halpert). Ma-survive kaya ni Astral ang high school? Bukod dito, 90 days lang siya maaaring manatili sa mundo ng mga tao. Pagkatapos nito, kailangan niyang pumili kung mananatili siya dito para maging isang ganap na tao o bumalik sa Athenia para maging tagapagmana nito.

Don’t miss the premiere of “The Fighter of Destiny” this Monday at 9:15am followed by “The Other Kingdom” at 9:45am on GMA Network.

Leave a comment

Your email address will not be published.