Breaking

‘Weightlifting Fairy’ – The Koreanovela with Swag!

Samahan ang weightlifter na si Kim Bok Joo sa kanyang makulay na kwento ng pag-ibig at pagpupursige sa mundo ng sports sa Koreanovelang may swag at hebigat sa kilig, ang “Weightlifting Fairy,” simula ngayong Lunes (July 10) sa ABS-CBN.

Isa ang “Weightlifting Fairy” sa hit seryes sa Korea kaya naman isa ito sa pinakaaabangan ng Pinoy Asianovela fans. Unang pag-anunsyo pa lang ng ABS-CBN head of Integrated Acquisitions and International Distribution na si Leng Raymundo na ipapalabas sa Kapamilya Network ang naturang serye sa ginanap na Pinoy Media Congress ay todo hiyawan na ang audience. Gumawa rin ito ng ingay online matapos ipalabas ng promo plug.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: