Breaking

Top 10 Most Watched Regularly Airing Programs in March 2017

“FPJ’s Ang Probinsyano” (39.9%) pa rin ang nangungunang entertainment program sa listahan ng top 10 pinakapinapanood na mga programa sa bansa noong Marso dala ng patuloy na pagtutok ng sambayanan sa maaksyong kwento ng buhay ni Cardo (Coco Martin) na hindi lang kinapupulutan ng magagandang aral, kung hindi nagbibigay din ng kaalaman sa mga nangyayaring krimen sa ating kapaligiran ngayon.

Pagdating naman sa larangan ng pagbabalita, nangunguna sa bansa ang “TV Patrol” sa average national TV rating nito na 30.7% kumpara sa kalabang programang “24 Oras” na nakatamo lang ng 19.8%. Mas pinapanood nga ng mas maraming Pilipino ang balita at impormasyong hatid ng mga Patrol ng Pilipino sa pangunguna nina Noli De Castro, Bernadette Sembrano, at Ted Failon.

Pinakatinatangkilik naman sa larangan ng current affairs ang “Rated K” ni Korina Sanchez na nakakakuha ng average national TV rating na 24.1%.

Top10March

Pasok din sa top 20 ang Kapamilya primetime dramas na “My Dear Heart” (28.7%), “Wildflower” (21%), at “A Love to Last” (17.9%) kung saan tampok ang iba’t ibang laban ng pag-ibig. Patuloy na lumalaban ang pamilya ni Heart sa “My Dear Heart” at naniniwalang siya ay gagaling, si Ivy ay patuloy na lumalaban para makamit ang hustisya at para makawala ang kaniyang bayan sa kamay ng malupit na mga Ardiente, at si Andeng at Anton naman na patuloy na lumalaban para lang maipakita sa kani-kanilang pamilya na busilak ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Tinututukan din ang nakakaantig na mga kwento ng letter senders na matapang na hinarap ang hamon ng buhay sa “MMK” (31.1%) pati na rin ang pagsasadula ng mga totoong kaso na nagtuturo ng kaalaman sa batas sa “Ipaglaban Mo” (19.8%).

Patok naman sa mga bata ang makabuluhang fantasy stories hatid ng “Wansapanataym” na pumalo sa national TV rating na 36.8%.

Wagi rin sa ratings ang pampamilyang saya at bonding hatid ng comedy at talent-variety shows na “Your Face Sounds Familiar Kids” (35.6%), “Home Sweetie Home” (26.3%), “It’s Showtime (Saturday)” (23.8%), at “Goin Bulilit” (22.5%).

Table123

Namayagpag ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Marso, partikular na sa primetime (6PM-12MN), kung saan nakakuha ito ng 50%, kumpara sa GMA na may 33%. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Samantala, ang ABS-CBN din ang naghari sa iba pang lugar sa bansa. Sa Total Balance Luzon, nagtala ang Kapamilya network ng average national audience share na 47% kumpara sa GMA na may 35%; sa Total Luzon sa parehistro nito ng 42% kumpara sa GMA na may 36%; sa Total Visayas na may 53% kumpara sa 29% ng GMA; at Total Mindanao na may 55% laban sa 30% ng GMA.

Table456

Table789

3 Comments on Top 10 Most Watched Regularly Airing Programs in March 2017

  1. VConcept // April 8, 2017 at 1:28 am //

    abscbn rules in tv, recording (star records), movies, ads… so i believe this is legit… reliable… not unlike the other saying number one… but movies are flops, etc.. just saying.

  2. Anonymous // April 7, 2017 at 3:25 pm //

    if GMA leads, id say fake rating too

  3. Anonymous // April 7, 2017 at 2:42 pm //

    fake rating

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: