Breaking

Nora Aunor Stars in ‘Karelasyon’ on GMA-7

Nora Aunor in Karelasyon

Isang madilim at mapait na kahapon ang patuloy na nagmumulto kay Maring (Nora Aunor). Kabilang siya sa maraming Pinay na paulit-ulit inabuso at pinagsamantalahan ng mga hapon na sumakop sa ating bansa noong World War 2.

At habang nag-ra-rally para sa hustisya ang ibang mga lola na dumanas din ng kanyang pinagdaanan, sa mismong tahanan ni Maring haharapin ang isa ring mabigat na laban.

Dahil ang pinakahihintay niyang reunion o muling pagsasama-sama ng kanyang pamilya ang magbibigay daan para malaman niyang isang dayuhan ang inibig ng kanyang apong si Rose (Janine Gutierrez) at mula ito sa lahi na ika nga’y nagkasala nang masidhi sa mga binansagang “comfort woman” gaya niya.

Ang pagkakaron ng nobyong hapon ni Pilar ay paglapastangan nga ba sa masakit na karanasan ng kanyang lola? Magpapaubaya na lang ba si Maring para sa kaligayahan ng kanyang apo? Paano papagitna at sasaklolo sa gusot na ito ang ina ni Rose na si Pilar (Lotlot De Leon). Ang kakampihan ba ni Pilar ay ang kanyang nanay o ang kaisa-isang anak?

Nora Aunor with Lotlo and Janine

Abangan ang kapana-panabik na kwentong ito sa Karelasyon, tampok ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Superstar, Nora Aunor kasama ang anak niya sa tunay na buhay na si Lotlot De Leon at apong si Janine Gutierrez.

Sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr. at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, tunghayan ito ngayong Sabado, July 11, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga.

1 Comment on Nora Aunor Stars in ‘Karelasyon’ on GMA-7

  1. Showbiz Kowek na kowek // July 12, 2015 at 9:44 am //

    SHABU MA MORE ateh…

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares