TFC 2015 Station ID – ‘Galing ng Filipino’ (Video)
Sa station ID na pinamagatang “Galing ng Filipino,” ay tampok ang piling 20 na Filipino youth icons at organizations na nage-excel sa larangan visual arts, literature, performing arts, social responsibility at advocacy. Bukod dito ay pinapakita rin nila ang tatag sa harap ng pagsubok, isang katangian kung saan kilala ang lahing Pinoy.
Base sa lyrics ng awiting “Galing ng Filipino,” ang mga kabataang ito ay tumutuklas (explore), lumilikha (create), nagkakawang-gawa (give back), nangangalaga (conserve), nagsusulat (write), nagpapasiya (perform) at nagbibigay-halaga (champion) sa kani-kanilang linya habang nagbibigay-importansya sa kanilang kasarinlan: ang New Zealand-based na Kiwi-Pino Ambassadors Filifest, “X Factor” Australia Season 6 Grand Champion Marlisa Punzalan, Fil-Australian samaritans Gawang Laya; eloquent artist Ala Paredes mula sa Australia; National Aeronautics and Space Administration (NASA) Systems Engineer Josephine Santiago-Bond, philanthropists SoulCiety, Fil-Am street musician CryWolffs, at 2nd generation Fil-Canadian advocates ANAK mula sa North America; Olympic figure-skater Michael Martinez, community- builder Alex Eduque ng Habitat for Humanity, Pinoy ‘spaceman’ na si Chino Roque; young environmental warriors Youth for Environment School Organization, at student marine conservationists UP Marine Biological Society mula sa Pilipinas; Filipino-British (Fil-Brit) cultural advocates at envoys Philippine Generation, award-winning Fil-Brit cultural performers Lahing Kayumanggi, at part-British, part-Filipino food ambassadors Adobros mula sa Europe; at Dubai-based arts catalysts Brown Monkeys; award-winning writer/editor at fearless blogger Reina Tejano mula sa Middle East.
Generation Y
Ayon kay Chinky de Jesus, ABS-CBN North America managing director, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga kabataang Filipino. Ayon kay de Jesus:
“There are 10.2 million Filipinos overseas and among them is a growing number of 2nd generation Filipinos who are finding their place and voice in this world. They are transforming the picture of what it means to be a young Filipino today. They are undaunted community leaders, world-class artists and talents, passionate advocates of Filipino culture and global adventurers who celebrate the environmental bounty of the Philippines. Whatever they do, they all reflect the Filipino’s remarkability, resilience and rootedness that TFC honors through the new station ID ‘Galing ng Filipino.’”
Dagdag ni Pamela Castillo, head ng ABS-CBN Global Marketing Services, hindi lamang pagpaparangal sa mga nakamit ng mga kabataang Filipino ang pakay ng station ID. “The station ID also shows how they value their Filipinoness, how they respect their heritage, and how they interweave this into their passions in such a way that erases the differences in generations and propagates the Filipino culture anywhere in the world.”
Galing ng Filipino Youth
Ang “Galing ng Filipino” na una nang pinasinayaan bilang theme ng 20th anniversary ng TFC, ay una nang ipinerform ng TFC 20 Brand Ambassador na si Gary Valenciano. Ngayong, bilang pagbibigay-pugay sa kabataang Filipino, ito ay aawitin ng young Total Perfomer na si Darren Espanto na may electronic dance music (EDM) mula kay Hollywood DJ Tom Taus.
Ayon kay Ned Legaspi, Global Content head, sa paghanap nila ng mga talents na akma sa tema ng station ID, tumugma sina Espanto at Taus. Ayon kay Legaspi: “Given their background as genuine overseas Filipinos, their world-class talent and continued linkages to the motherland, Darren and Tom are the personifications of the Filipino millennials or Gen Y as the industry calls them.”
Ang kantang “Galing ng Filipino,” na isinulat, inirecord at iprinoduce ni Jonathan Manalo, Star Music content head, na may karagdagang lyrics mula kay Jay Santiago, ay saliw sa musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni maestro Gerard Salonga. Ang station ID na may mga underwater at aerial shots at may material mula sa NASA ay isang collaboration ng ABS-CBN Global Content at North America teams, sa ilalim ng supervision nina Ned Legaspi, Chinky de Jesus, John-d Lazatin, Jun del Rosario, Pam Castillo at Nerissa Fernandez. Ito ay iprinoduce sa ilalim ng supervision nina Aileen Paredes, Herbs Samonte at Joel Barquez. Ang production team ay kinabibilangan nina Ma-an Asuncion – Dagñalan, ER Alviz, Alex Castro, Merwin De Mesa, ER Alviz, Jacquelyn See at Eugene Laudit.
Sama-sama nating ipagbunyi ang galing ng lahing Filipino sa May 17 Manila time sa ASAP 20 sa iba’t-ibang platforms ng TFC worldwide: internet protocol television (IPTV), cable, satellite, mobile at sa official online service ng TFC, ang TFC.tv.
Makiisa sa pagbibigay-pugay sa kabataang Pinoy at gamitin ang official hash tag: #GalingngFilipino
Galing nating mga Pinoy!!!