Breaking

1st Wattpad Writing Battle Winner ‘Borrowed Chance’ is Now a Published Book

Borrowed Chance

“Borrowed Chance” by Nixie Yume, the winner of the 1st Wattpad Writing Battle is now a published book from Lifebooks!

BORROWED CHANCE
by Nixie Yume

Si Victor ay isang ulila. Maaga siyang nabyudo at pati anak na pinakamamahal ay maaga ring kinuha sa kanya. Pero ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay ay hindi naging rason upang mawala ang kabutihan sa kanyang puso. Nanatili siyang masayahin at matulungin sa kapwa, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi nawala. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay mababanaag pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata at ang kanyang puso ay lihim pa ring umaasam ng tunay na kaligayahan.

Si Angel naman ay isang anghel. Literal na anghel na naligaw ng landas at naging isang fallen angel na nambibiktima ng mga kaluluwa ng mga tao. Nasa kasagsagan siya ng paghahanap ng panghuling kaluluwang mabibiktima nang makilala niya si Victor. Ito ang naging dahilan upang manumbalik ang kanyang pananampalataya. Pinili niyang magsakripisyo para mailigtas ito at upang makabalik na rin siya sa pagiging isang anghel. Pero ang hindi niya inaasahan ay nang muling magmulat siya ng mga mata ay nasa loob na siya ng katawan ng isang mortal na babae. Ano’ng ibig sabihin nito? May misyon ba siyang dapat gawin?

Si Angel at Victor…
Dalawang nilalang na ipinagtagpo…
Isang anghel na naghahanap ng daan pabalik at isang taong naghahanap ng kaligayahan…
Matagpuan kaya nila ang kanilang hinahanap?
Sa tulong ng isa’t-isa?
Sa tamang panahon?
At sa isang hiram na pagkakataon?

Borrowed-Chance-LORES

Product Details:

Title: Borrowed Chance
Author: Nixie Yume
Genre: Philippine Fiction
Paperback: 120 pages
ISBN: 978-971-9653-27-1
SRP: P99.95/copy

Published by Lifebooks, “Borrowed Chance” is now available at all branches of National Bookstore, Powerbooks and Precious Pages Bookshops nationwide. You can also order this book online at www.lazada.com/lifebooks or download it from the mobile app Buqo (www.buqo.ph).

For more pop novels and inspiring books, follow Lifebooks on Facebook, Twitter, and Instagram.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares