Breaking

Wattpad Book – ‘Lovestruck: Unwanted Fairy Tale 2’ by Charles Fred Agustin

"Lovestruck: Unwanted Fairy Tale 2" by Charles Fred Agustin is the sequel to the Wattpad Hit about a modern fairy tale. Released by Viva Starmometer, this book is now available at Booksale, Precious Pages and National Bookstore!

Unwanted Fairy Tale 2 Cover Reveal

Nakilala natin ang prinsesa, prinsipe at ang damsel in distress at nagkaroon sila ng happy ending. Pero paano kung pumasok sa kwento ang witch ng fairytale kasama ng kanyang henchman? Paano na ang happily ever after ending nila?

Si Vince, nang makilala niya si Valene ay inakala niyang makukuha niyang muli ang love story na kanyang inaasam. Pero sa pagdaan ng mga araw, napagtanto niya na ang babaeng kanyang minahal ay tanging sa panaginip lamang niya matatagpuan. Makamit pa kaya niya ang happily ever after kung ang babaeng nakilala niya sa kanyang panaginip ay kanya paring hinahanap?

Si Valene, ibang iba sa dating damsel in distress. Handa siyang gawin ang lahat para sa kasintahan, ngunit isang sikretong kaytagal niyang itinago ang sisira sa kanyang fairy tale love story. Makukuha pa kaya ni Valene ang happily ever after na kay tagal niyang inasam?

Si Jan, ang henchman. Kilala bilang playboy sa kabila ng pambabae niyang pangalan, sikat dahil sa kanyang kakaibang karisma, kaya hindi mo akaling na-friendzone siya ng tanging babaeng minahal niya – ang best friend niyang si Alyanna. Paano na ang happy ending niya kung ang tingin sa kanya ng kanyang sariling prinsesa ay isang kaibigan lang?

Si Alyanna, ang kontrabida, witch ng istorya at ang prinsesa sa kanyang sariling fairy tale, ngunit hindi siya ang tipong naghihintay lang sa kanyang prince charming na dumating – siya ang naghahanap – at si Vince ang target niya. Makakamit niya kaya ang inaasam na happy ending?

Sa isang love story, maraming nasasaktan, maraming nananakit at may dalawang liligaya, ngunit ang happy ending ba ay para sa dalawang tao lang? Sa isang fairy tale, may karapatan ba ang mga kontrabida sa isang happily ever after?

PRODUCT DETAILS:

Title: Lovestruck: Unwanted Fairy Tale 2
Author: Charles Fred Agustin
Publisher: Viva Starmometer
Paperback: 160 pages
Size: 5.25″ x 8.25″
SRP: P128.00/copy

“Lovestruck: Unwanted Fairy Tale 2” is now available at Book Sale, Precious Pages and National Book Store.

For the latest releases of Viva Starmometer, please like www.facebook.com/VivaStarmometer.

Leave a comment

Your email address will not be published.