Breaking

Arnee Hidalgo Gears Up for ‘The Voice PH’ Battle with Coach Apl.de.ap

Arnee Hidalgo is taking her second chance in the music industry after making it to Team Apl of ABS-CBN top-rating reality singing competition "The Voice of the Philippines Season 2."

Arnee

Isa sa mga inaabangan ng mga manunuod tuwing weekend nights ay ang blind audition ng The Voice of The Philippines Season 2 na kung saan ay pinipili ng apat na coaches na sina Apl D’ Apt, Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo kung sino ang mapapabilang at kukumpleto sa kanilang Team. Pero kapansin-pansin ang pagiging mahigpit ng mga nasabing coaches sa pagpili ng contestants na isasali sa kanilang team. Hindi lang sa ganda ng boses ng mga contestants ang kanilang basehan kundi kung ano ang kakaiba sa pag-awit ng mga contestants.

Marami ang nag audition mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, hindi lang mga amateur singers, maging ang mga kilala at propesyonal nang mang-aawit ay sumubok na hanapin ang kanilang second chances sa season 2 ng The Voice of the Philippines. Ang ilan nga rito ay ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at teleserye singer na si Faith Cuneta na hindi pinalad na makapasok sa blind auditions.

Natutukan ko ang huling araw ng blind audition noong Linggo (November 30, 2014). Nakatawag ng aking pansin ang makatatindig balahibong performance ng kapatid ni Jeffrey Hidalgo na si Arnee Hidalgo na dati palang sumikat noong early 2000 sa kanyang hit cover version ng Cold Summer Night ni Francis Magalona.

Arnee2

Maging ang mga coaches ay napa WOW sa malamig na boses ni Arnee Hidalgo nang kantahin nito ang awiting “Feeling Good.“ Sa unang linya palang ng kanyang pagkanta ay napa “Oh My God,” na agad si coach Lea habang bumubuntong hininga ito at sinasabayan ang awitin ni Arnee. Bagamat, bukod tanging si Coach Apl lang ang pumindot ng buzzer at humarap kay Arnee, ay pinagsisihan naman ng tatlong coaches ang hindi pagharap kay Arnee habang kumakanta ito. Sinisi pa nga ni Coach Sarah ang banda, kung bakit di daw nya napindot ang kanyang buzzer at humarap kay Arnee.

Matapos kantahin ni Arnee ang kanyang song piece na “Feeling Good,”at humarap na 3 coaches ay napasigaw si Coach Sarah na “Miss Arnee? Pipindot na sana ako! Ang problema ay hindi po sa inyo eh, siguro yung banda?…Sabay tingin sa banda at sinabi na “Hindi Direk! Wait lang!” Pagpapaliwanag ni Sarah, “May portion kasi sa kanta na lumulutang na yung boses ni Ms. Arnee eh, pero parang mas naririnig ko yung banda.” Nag-agree naman si Coach Bamboo at sinabi ring, “Yung banda nga!”

Napayuko naman si Coach Lea na kanyang red chair nang makita si Arnee na mistulang nagsisisi na hindi nya napindot ang kanyang buzzer. Sinabi nya na “So close! Ako naman, Im looking for a release (kinanta ni Lea ang ilang linya ng kanta) but APL heard something.”

Kilala si Coach Apl sa kanyang mga pick-up lines, kaya, may binitiwan na naman syang pick-up lines para kay Arnee, kung bakit daw sya pumindot at unang humarap kay Arnee. Aniya ni Coach Apl, “Bago ka pumunta, nakakulong yung puso ko, nung nagsimula ka nang kumanta, na release ang puso ko.”binigyan ng Rosas ni APL si Arnee at niyakap bilang pag welcome nito sa kanyang team.

Sa pamamagitan ng pag-ikot ng red chair para kay Arnee Hidalgo ay nakumpleto na 14 artist para sa TEAM APL. Matatandaang sumali rin ang anak ni Arnee na si Sam Shoaf sa The Voice Kids, hindi nga lang pinalad si Sam. Ngayon, sa pagsisimula ng kanyang battle sa mga susunod na Linggo. Abangan natin ang journey ni Arnee at ng ilang mga nakapasa sa blind audition. Kung sino ang matatanggal at matitira para sa finale ng The Voice of the Philippines Season 2 at tatanghaling Grand Champion.

WATCH ARNEE’S BLIND AUDITION HERE

Leave a comment

Your email address will not be published.