Louise delos Reyes Reveals ‘Edge’ of ‘Kambal Sirena’ from Rival Mermaid Show
During the blog conference for “Kambal Sirena” last Tuesday, March 25, at Papa Johns Tomas Morato, lead star Louise delos Reyes tackled interesting stuff about her new show, her co-stars, her bashers and even intriguing issues like the edge of her fantaserye against the rival mermaid show and on being the “favorite” of GMA management as of the moment.
Here are excerpts from the interview…
On landing good projects:
“Tinatanong ko talaga sa sarili kung bakit ako kasi ang daming artista, ang daming institusyon ng artista…
“I am thankful sa GMA kasi naappreciate nila ‘yung craft na parang pinapaganda ko every year. Kasi katulad ng ibang artista naghihintay din ako, di n’yo lang siguro napapansin pero naghihintay ako ng 5 to 7 months bago masundan yung isang soap na nagawa ko. Hindi ko talaga alam kung ano ‘yung nakikita nila sa akin kung bakit binibigyan nila ako ng ganito kalaking mga projects kasi ang dami e, ang daming artista na mas malaki sa akin.”
On replying to online bashers:
“Hindi ko na talaga kasi mapigilan kasi hindi lang kasi ako ang nasasaktan tungkol dun kasi hindi ko lang naman effort ito. Effort ‘to ng buong team. Parang nanay, kapag nakikita mong nasasaktan ang anak mo mas nasasaktan ka.
“So kapag nakikita ko ‘yung mga tao sa likod ng camera na nasasaktan sa mga comments, mas nasasaktan ako. So minsan hindi ko mapigilan na makapagsalita ng ganun pero madalas naman one time big time lang ‘yun e mailabas ko lang. Hindi naman ako si todo rant.”
On being tagged as the next Marian Rivera:
“Meron, meron akong nababasa at meron akong naririnig [next Marian Rivera tag] pero hangga’t hindi sinasabi sa akin directly ng GMA at hanggat hindi ko pa napapatunayan kasi marami pa akong dapat patunayan e.
“Sa GMA siguro nakakatatlong taon pa lang ako o apat, madami pa akong bigas na kakainin para sabihin na ikaw na ‘yung magiging next na ganito. Actually, ayoko ngang maging next na ganito e, gusto kong maging first na Louise delos Reyes.”
On her ‘edge’ against rival mermaid from ABS-CBN:
“Blue ang buntot ko, tapos meron akong…joke lang. Kadalasan po hindi ko ‘yan sinasagot pero sagutin ko po ngayon. I think ang edge ko, maganda ang production ng ‘Kambal Sirena.’ Ang iba-brag ko na lang siguro ‘yung buong production team namin kasi we’re working very hard para dito.
“Hindi lang naman ako e kasi effort ng lahat ang ‘Kambal Sirena,’ hindi porket ako ‘yung nasa titular role, ako ‘yung the works, hindi e, lahat from the writers, the director, etc. Ayokong i-claim ‘yung fame ng ‘Kambal Sirena’ na ako lang kasi lahat kami. ‘Yun yung edge ko, ‘yung production ng ‘Kambal Sirena.'”
On her relationship with leading man Aljur Abrenica:
“Ok naman kami. Kahit noong hindi pa nag-start ang ‘Kambal Sirena’ we’re really good friends. Kumakain kami sa labas, nagkukwentuhan kami and ok naman kami. Ngayon ko lang kasi nakita ‘yung side niya bilang artista na leading man e. Para sa akin ano he’s very gentleman tapos yung values niya na nanggagaling sa pamilya, nakikita mo ‘yun sa kanya ‘yung respeto niya sa babae. ‘Yung focus niya sa trabaho ngayon ibang-iba.”
Catch Louise delos Reyes in “Kambal Sirena” every night from Monday to Friday on GMA Network after “24 Oras.” Follow Louise on Twitter: www.twitter.com/lou_delosreyes and on Instagram: www.instagram.com/lou_delosreyes.