Breaking

Fiction: ‘Her One Month Love Story’

Chapter 5

Nakakahiya kay Sir Joshua. Nandito ako ngayon sa unit niya. Sinabi niyang dito na lang muna ako matulog dahil sobrang lakas ng ulan. Tinext ko naman si Sister Sony para magpaalam, at pinayagan din naman niya ako. Medyo basa na din ang damit ko, dahil sa pagkabasa ng
Ang laki ng condo ni Sir Joshua. Pero ang napansin ko lang eh, madaming picture frames. Yung mga pictures is mga kuha niya rin naman, pero naka side view palagi. Favorite niya sigurong angle. Pero in all fairness naman ah ang gwapo lahat ng side view pictures niya. Kamukha niya nga si Ian Somerhalder eh, mas younger version pa haha!
Isang picture lang talaga dun ang tinitigan ko ng matagal. Ang picture niyang nakatingin sa camera pero yung girl ay nakatalikod. Siguro girlfriend niya, hindi ko na lang tinanong. Ay teka, asan na ba siya bigla siyang nawala. Napahiga na lang tuloy ako sa malambot niyang kama. Feels like heaven.
Bigla akong nakarinig nang pagbukas ng pinto. Waaa! Nagulat ako! My virgin eyes. Half naked si Sir Joshua. Topless. Hindi ko naman alam na nagshower, naligo o kung anuman ang ginawa niya sa banyo eh.
Bigla siyang nagsalita.
”So when did you meet the guy? Huh?” yan na naman ang nakaka nosebleed niyang accent. Napatingin naman ako sa mukha niya. Waaaaa super hot, sizzling hot si Sir Joshua. Ang yummy. Basa pa yung buhok niya at may tumutulo tulo pa sa mukha niya. Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya dahil nakatuon lang ang paningin ko…wait hindi pwede! Hormones! Stop! Stop! Stop!
”Ahhh sorry po ah. Nagsinungaling ako sa inyo” kinagat ko naman ang labi ko sa hiya.
”It’s fine. By the way are you okay?” OMG! Nakatingin lang ako sa six pack abs niya. Ano? May sinasabi ba siya? Teka tumutulo na ba yung laway ko. Kanina nakatingin lang ako sa face niya ngayon naman sa body niya.
Nag-sync-in naman ang tanong niya sa akin. Bago ko siya sinagot tumingin muna ako sa mukha niya. Naku po! Nakakahiya. Nakatingin din pala siya sa akin at nakangiti.
”Yes Sir Joshua! Okay na okay po ako” okay na okay pong makita ang sexy niyong katawan. Hahaha! Yan ang gusto kong sabihin sa kanya, kaya I said it in my mind rather.
Kinuwento ko sa kanya ng buong buo ang pangyayari. Ewan ko ba kung natatawa siya sa kwento ko o natatawa siya sa facial expressions ng mukha ko. I can clearly see his captivating smile and it lightens me up. Parang gusto ko na tuloy sa condominium niya tumira.
Nagluto naman siya for dinner. First time lang may magluto sa akin, except Sister Sony and si Lola. This time kasi lalaki ang nagluluto para sa akin. Hindi naman din kasi marunong magluto si Kuya Casius. Kapag nagluluto siya laging sunog. Chef naman si Sir Joshua kaya I believe na super duper mega sarap ang level ng luto niya.
Mabilis natapos ang dinner namin. Gusto ko nang matulog. Nakalista na sa isipan ko ang mga gagawin ko bukas.
• Magsisimba dahil Sunday bukas.
• Tutulong kay Sister Candaliza sa Orphanage
• Makikipag date kay Sir Joshua (Hahaha! Hindi joke lang yan. Ilusyon ko lang yan! Ang kapal kasi ng mukha ko!)
• Siguro a-attend na lang ako ng art lesson. (Tutal libre na naman yun. Ang kailangan lang is pagtiisan ko lang ang mahangin naming instructor! Hmmp! Naalala ko na naman yung nangyari kanina)
FLASHBACK
”Kita mo na! Nagsisinungaling ka Miss Reyes! Hahahaha nakakatuwa lang! Hindi kaya isa kang NBSB? No boyfriend Since Birth?” bungisngis ni Froilan. Nandito kami sa may veranda ng resthouse and kahit sobrang lakas ng ulan hindi natitibag ang lakas ng boses ni Mr. Hangin.
”Eh ano naman sayo kung NBSB ako? Bakit liligawan mo ba ko?” kung makapal ang mukha niya mas kakapalan ko pa ang mukha ko kahit sobra ng kapal.
”Bakit sa tingin mo ba oo?” sabi niya nang may nakakalokong ngiti sa labi.
”Siyempre nagtatanong lang naman. Malay mo kung hindi and that’s fine with me, but kung oo naman edi goodluck na lang sayo kasi mababasted ka lang agad” nag-cross arms naman ako and dumila nang parang bata kahit katabi ko pa si Sir Joshua. Nakakainis ba naman ang kaharap ko, sarap ingudngod sa putikan.
”Well if that’s the case, definitely, my answer will be NO miss!”
”No pala eh! Edi no! Tara na nga Sir Joshua. Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito” I grabbed Sir Joshua’s arm.
”Hahahaha. Why you call him Sir? Is he your boss or some kind or teacher or something?” pilit yung tawa niya. Sarcastic kung magsalita.
”That’s none of your business mister! Kaya kung may sasabihin ka pa o wala aalis na kami dito!” nakita kong gusto na ring umalis ni Sir, sa mukha niya palang mukhang iritang irita na. Kaya hinablot ko na talaga siya to the highest level para tumakbo papuntang kotse.
”Inis na inis? Gusto mo atang ligawan kita! Fine! Deal!” may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil tumakbo na kami palayo. Kung ano man yon gusto ko siyang barahin at sabihing ”wala akong pake or whatever!”

END NG NAKAKAINIS NA FLASHBACK!

”Hey Gellian! Since I only have one bed, ikaw na lang ang matulog diyan and ako dun na lang sa sala!” sabi niya then kinindatan niya ako. Take note, KININDATAN. Tumili naman ako ng super duper mega level sa aking isipan. Kilig na kilig lang.
”Thank you Sir! Pero pwede naman pong ako na lang ang sa sala and kayo na lang dito sa kama!”
”Nope it’s okay! Goodnight! Naantok na rin ako. Sweet dreams Gellian!” pupunta na sana siya ng sala ng biglang nagbukas nang kusa ang TV dito sa may bedroom. Nagulat pa ako dahil nakakatakot yung commercial.
”WAAAAAA! AHHHHHHH! OMG!” I scream at the top of my lungs! Hindi ko alam ang ginawa ko basta tumakbo ako papunta.

1 Comment on Fiction: ‘Her One Month Love Story’

  1. Rhodora X // March 14, 2014 at 5:34 pm //

    Gusto ko sanang basahin, pero parang typical love story lang na gawang ‘Star Cinema!’ Yung tipong pare-parehas ung plot, iniiba lng ung title, hahahaha!

    Besides, I’m still reading this book by ‘Alex Garland,’ author of the books ‘The Coma,’ & ‘The Beach.’ Di ko type mag read ng mga love stories. Sa movies ok lng like ‘5 Centimeters Per Second’ etc.

    Nwayz, gudluck sa magbasa nyan, bgyan nyo nlng ng review, haha.

Leave a comment

Your email address will not be published.