Breaking

Fiction: ‘Her One Month Love Story’

Chapter 3

Gellian

Nasa hospital ako ngayon at kasama si Sister Sony na magbantay kay Jarl. Na-dengue kasi siya at sabi ng doctor na nasa stage two na daw ang dengue niya. Kagabi lang siya dinala sa hospital dahil panay ang pagsusuka niya at wala na daw siyang ganang kumain kaya minabuti nilang dalhin na siya sa hospital.
It’s confirmed na hindi na sa akin yung resthouse na yun. Nakakalungkot mang isipin pero naiintindihan ko naman si Sister Sony. Sinabi niya sa akin na kaya daw binenta ang rest house ay dahil kulang ang funds nila for the renovation of the orphanage. I’ve already got refreshed so I better start my day get back to work. I need to keep myself busy and I love working a lot.
Nagpaalam na agad ako kay Sister Sony para mag-shift na sa umagang shedule ko sa Le Grande, sea foods grilled restaurant sa street ng Esther. Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay binati na agad ako ni Sir Joshua. Yung pinakagwapong head dito sa restaurant.
”Hey Gellian, nandito ka na pala. It’s good for you to be back, na-miss kita eh” sabi niya sabay yakap sa akin. Ang sweet naman niya. Pero his approach shouldn’t be awkward. Medyo awkward kasi para sa ‘kin.
”Ahhh hehe! Na-miss din kita Sir Joshua!” sabi ko naman sabay nginitian ko siya ng napakalaking ngiti ko. Inalis niya naman kaagad ang yakap niya sa akin.
Nagkwentuhan din kami almost an hour tapos nagtrabaho na din ako. I was too preoccupied kanina. May time na nalaglag ko yung mga pagkain dahil sa kakaisip sa rest house na yun. That’s one of the precious gifts I have received in my whole entire life then suddenly will be gone in the blink of an eye. Poor Gellian!
At dahil half day lang naman ako, nagpalit na ako ng damit at lalabas na sana ng resto ng tawagin ako ni Sir Joshua.
”Hey! Gellian, aalis ka na?” hindi ko alam kung may pagka disappoint ba ang pagkakasabi niya kasi sa pinapakita niyang expression ng mukha niya parang confirm eh. Haha!
”Ahmmm opo eh. May importante po akong pupuntahan eh”
”Hatid na kita!”
”Ay hindi na po! Nakakahiya naman po. Malapit lang naman po yun at saka kayang kaya ko po yun lakarin!”
Honestly parang ang weird lang ni Sir Joshua kanina, tingin kasi siya ng tingin sa akin kanina habang nagtratrabaho ako. Kaya medyo ”awkward” na naman ang nararamdaman ko kanina. By the way, malelate na ako sa seminar ko sa free art lesson dito kaya no choice, kailangan ko nang magmadali.

”Ahhh fine. But can you come with me for a dinner. Don’t worry it’s just you and me. I’ll pick you up later. Ok?”
”Sure na sure” bigla ko na lang nasabi kasi malelate na talaga ako sa seminar. Napangiti naman siya tapos bigla siyang…namula? Ay! Ewan.
”Ahmm what’s your number nga pala?”
”09153044936. Globe po ako Sir Joshua! Hehe” nilabas naman niya ang cellphone niya at sinave niya ang number ko.

***
Buti na lang at hindi ako late dito sa seminar. Medyo konti lang ang mag-art lesson ngayon dahil nabilang ko na sampu lang kaming nandito sa room. Loner nga ako dahil wala akong makausap. They’re not friendly. Puro babae kami tapos isama mo na yung isang beki dun sa may dulo nakaupo.
Naiirita na nga ako sa mga pinag-uusapan nila eh. Paulit ulit.
”Excited na ako makita yung instructor natin. Ang yummy niya siguro!”
”Hot siya, nakita ko siya kanina. Nagtanong pa nga ako sa kanya kung siya ba ang magiging teacher natin ngayon eh at confirm siya nga, worst is nakalimutan ko yung pangalan!”
”Ay gaga! Dapat tinanong mo kung single and ready to mingle?”
Ano naman kung pogi ang magiging teacher?! Tsss! Parang ngayon lang makakakita ng pogi. Masyadong big deal! OA nila.
Inihanda ko na ang mga materials na kinuha ko sa faculty room.
”Goodmorning Everyone!” at dito na ako nabingi sa mga tili ng mga babaeng nakapaligid sa akin. Malas pa’t nasa gitna pa ako. Hindi ko naman kaagad nakita yung nagsalita dahil natapon yung isang acrylic paint sa may paanan ko. Bwiset!
”Goodmorning Sir-” napatigil sila dahil sinabi nung nagsasalita yung pangalan niya.
”Call me Sir Froi! That’s short for Froilan!” tapos sumang-ayon naman silang lahat. Ako naman patuloy sa pagligpit ng nagkalat na acrylic paint sa sahig, yung ibang girls tuloy tinitignan ako.
”Hey babe, hindi mo man lang ako babatiin ng good morning?” may lumapit sa akin. Naku po! Nakakahiya. HA? BABE? WHAT THE?!!
Malamang ito yung sinasabi nilang Sir na kagwapuhan. Unti-unti kong tinaas ang tingin ko sa kanya. Aba nakangiti ang mokong.
”IKAW?!” nanlaki ang mata ko. I never expected na siya ang magiging speaker namin the whole month. As in, seriously? I can’t stand him.
Tumingin ang lahat ng mga babae sa akin including yung isang binabae. Matatalim yung tingin nila at bulong ng bulong. Okay he’s good-looking but his attitude really annoys me. Ayoko naman magpakita ng other side ko, I need to respect him though labag sa kalooban ko.
”Magkakilala sila?”
”Teka, bakit babe ang tawag?”
”Hindi kaya girlfriend niya?”
”Awts naman kung ganon” himutok nung isang beki sa likuran ko.
”Yes it’s me already babe. I didn’t know you’re good in painting pala, I saw your old paintings at my RESTHOUSE. It’s quite extraordinary!” sabi niya sabay smirk at talagang idiniin niya talaga ang salitang rest house.
”Ahmm thanks Sir! Good morning Sir! Wait Sir, why are you calling me babe? I’m not even your girlfriend” I said it in a nicest way. Nakatuon pa rin ang atensyon nila sa amin.
May biglang nagtaas ng kamay, yung girl dun sa may coner sa right side.
”Sir, would you mind if I ask you a question?”
”Nope what is it?” napalingon naman siya dun sa nagtanong at ako naman dali dali kong niligpit yung nagkalat na acrylic paint at nilagay na lang yun sa tabi ng upuan ko.
”Is she your girlfriend?” nakita kong tinuro ako nung girl. Crazy.
”You mean her?” tinuro pa ako nitong Froilan na ito at sabay nag-smirk.
”Yep Sir!” confirmed. Ako nga yung tinuro. Bwiset!
”Yes as in yes!” luluwa na yata ang mata ko sa sobrang panlalaki. Aba! Aba! Sumusobra na siya ha!?
”WHAAAA-” natigil ako ng bigla siyang nagsalita ulit.
”Hahaha! Just kidding!” tsss! Mas lalo akong nainis sa kanya. Napahiya ako dun ah! Pero pinigilan ko na lang ang inis ko. Nakita kong nakahinga nang maluwag ang mga girls including one beki dito sa room. Inyong inyo na yang Sir niyo! Che!
Umupo na lang ako at binulungan siya.
”Lagot ka sa akin!” sabi ko with matching lagot sign. Nag-smirk naman siya at bumulong din.
”Wooo, you’re creepy” then he chuckled. Kung nakakapatay lang ang masamang titig patay na to nang hindi umaabot ng five seconds.
He started his first lesson which is the ”focal point.” Ginawa niya pa talaga akong example.
”Focal Point is the center of interest or attraction which usually be observe at first sight. For example, kanina pagkapasok ko ang unang nakita ko si Miss Reyes” tapos bigla niya akong tinuro. Masyado naman siguro akong OA kapag mag freak out ako dito. Well I can say na napahanga niya ako sa way ng pagsasalita niya, very professional. Aba, hindi ko naman alam na art teacher pala siya!
”Kahit na nakita ko kayong lahat there is only one thing your eyes will going to focus on and that is the focal point. Fastly your eyes will capture it and at the same time it will capture your heart.” then tumingin siya sa akin, the other side of him. He’s completely serious.
Natapos din ang first seminar ko at papalabas na sana ng room para mga lunch ng bigla niya akong tinawag. Sino pa ba? Edi si Froilan. Sir Froilan.
Kami na lang ang natirang dalawa sa room sa kadahilanang nilinis ko ang mga nagkalat na acrylic paint sa floor.
”Hey, have some dinner with me!” sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Busy naman siya sa paper works.
”No, thanks! I’ll have dinner with my boyfriend” emphasizing the word ”boyfriend” on him. Yeah, I just lied. He’s so arrogant that he always used to call me ”babes” like duh? What an awesome guy!
”Boyfriend! Ha! I thought you’re single” lumapit siya sa akin at tinulungan akong maglinis nang nagtapon sa acrylic paint sa floor.
Hindi na lang ako nagsalita, patuloy ako sa paglinis nang biglang mahawakan niya ang kamay ko. Like in the movies, we stare to each other. He turned his look into other direction and I can see him frowning.
Tumayo na ako para maghugas ng kamay nang bigla ulit siyang nagsalita.
”Your not some sort of joking? You really are have a boyfriend?” nilingon ko siya at nakita ko ang disappointment sa mga mata niya.
”Yes Sir Froilan and by the way his name is Joshua” I answer it with no hesitation. Bakit ba kasi ang kulit niya? Pero ang weird lang kasi nung makita kong lumungkot ang mata niya parang nagliparan yung mga butterflies sa tiyan ko. Epekto ba to ng mga binabasa ko dating mga light romance novels?

1 Comment on Fiction: ‘Her One Month Love Story’

  1. Rhodora X // March 14, 2014 at 5:34 pm //

    Gusto ko sanang basahin, pero parang typical love story lang na gawang ‘Star Cinema!’ Yung tipong pare-parehas ung plot, iniiba lng ung title, hahahaha!

    Besides, I’m still reading this book by ‘Alex Garland,’ author of the books ‘The Coma,’ & ‘The Beach.’ Di ko type mag read ng mga love stories. Sa movies ok lng like ‘5 Centimeters Per Second’ etc.

    Nwayz, gudluck sa magbasa nyan, bgyan nyo nlng ng review, haha.

Leave a comment

Your email address will not be published.