Breaking

Fiction: ‘Her One Month Love Story’

Chapter 2

Gellian
”Ahhhhhh! Anong ginagawa mo dito?” nakita ko agad ang payong sa may bandang gilid ko, kinuha ko iyon bigla para itong ang magsilbing weapon sa kung ano man ang gagawin nitong mokong na to.
Oo! Siya na naman. Yung lalaking nakakainis na nakatabi ko sa bus at ang lalaking nanggulat sa akin kanina sa wooden bridge.
Tahimik lang siya, at naka smirk siya sa akin. Nakahiga siya sa kama at nakapatong ang ulo niya sa magkabilang kamay nito bilang suporta.
”Magnanakaw ka no? Paano ka nakapasok dito? May balak ka bang masama sa akin? Oy! Sumagot ka kung hindi, tatawag talaga ako ng pulis.
”Hahahaha! Dapat ata ikaw ang tinatanong ko niyan Miss Reyes”
”Paano mo ako kilala? Ha? Siguro stalker mo rin ako no?” hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa kanya kahit naka boxer shorts pa siya at naka sando. Ipapalo ko na sana sa kanya ang payong na hawak ko nang bigla niya akong hinawakan at hindi ko alam ang gagawin niya sa akin. Napamulat ako, sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko akalain na napahiga niya ako sa kama.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay kaya hindi ako makawala sa pagkakahiga. Lumakas naman ang tibok ng puso ko dahil nakita ko ang mapanlokong ngiti sa kanyang labi.
Lumapit siya sa akin. Isang inch na lang ata mahahalikan na niya ako. Binulungan niya ako at sinabing..
”Paano kung may balak nga akong masama sayo” nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga.
”Ahhhhhh! Anong gagawin mo? Please! Tulungan niyo po ako! Tulong! Bata pa po ako! Bata pa ako! Huhuhuhuhu!” sumigaw ako sa abot ng aking makakaya. Napapikit ako at itunuon sa kabilang banda ang mukha ko dahil sobrang lapit nito sa mukha niya.
”Hahahaha! Nakakatawa ka talaga!” napamulat ako at nakita kong nakatayo siya at hawak hawak na naman ang tiyan niya. Sobrang pula na nang mukha niya kakatawa.
”Hoy! Bakit ka ba nandito sa rest house ko? Magpapatawag na talaga ako ng mga pulis!” tatayo na sana ako at akmang tatawag na talaga ng pulis ng bigla ulit siyang nagsalita.
”Ok sabi mo eh” ha? Bakit ba ganyan lang ang reaksyon niya? Para bang walang pakialam.
Napakunot naman ang noo ko.
”What’s with you?” tinititigan ko lang siya.
”Hahahaha what? Go then! Tumawag ka na ng pulis lil’ girl” ang laki laki ng ngiti niya. Mapanlokong ngiti. Nakakaasar ang sarap hagisan ng bomba sa mukha, lagi na lang ganyan.
”Fine, I’ll calm down. WHY YOU’RE HERE IN MY OWN REST HOUSE?” kalma pero matigas ang pagdidiin ko sa pagtatanong ko.
Walang sawang ngiti na naman ang pinakita niya, this time tumayo siya agad. May kinuha siya na kung ano doon sa cabinet niya….. NO! That’s may cabinet. Bakit mga damit ng lalaki ang nakasampay? Nanlaki naman bigla ang mata ko.
May inilabas siya na paper na nahugot niya mula sa gilid ng cabinet.
Nilapit niya sa mukha ko. Tinitigan ko naman yung paper at mabilis na tinuon sa kanya ang tingin ko.
”So? Anong meron diyan?”
”Simple lang. Isang letter na kung saan napagkakasunduan na binibili ko na ang rest house na to. No! Let me scratch it, ang ibig ko palang sabihin patunay itong letter na ito na nabili ko na at kung sa iyo man ito dati then I’m sorry pero sa AKIN NA PO ITO. AKIN NA AKIN NA!” nakanganga lang ako. Titingin sa letter, titingin sa kanya. Titingin sa letter, titingin sa kanya.
The worst is nakita ko ang pirma ni Sister Sony. Why? Bakit? Aisshh. Nakakainis kala ko ba sa akin na tong rest house at regalo nila ito sa akin. Regalo ni Sister Sony, regalo din ni Father Bernie tapos ibebenta lang nila nang ganun ganun na lang.
Waaaa! Nakakapagtampo. Naiiyak na ako! Huhuhuhu! Para na akong bata. Parang batang na-agawan ng paborito kong laruan.
Napaluhod ako at umiyak ng umiyak. Nilakasan ko nang nilakasan, titignan ko kung maaawa siya sa akin sa paawa effect ko.
”Huhuhuhuhu! Waaaaaaaa! Bakit? Why? Why?” lumuhod ako sa harapan niya tapos hinugot hugot yung short niya at umaasta ako na parang nag-wawala.
”Uy! Ano ka ba, wag mo naman singhotan ng sipon mo yang short ko. Maawa ka naman. Kadiri ka!”
”Huhuhuhuhu! Parang awa mo na. Please! Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang aking rest house” kumanta kanta pa ako at patuloy sa paghugot ng short niya. Trying hard pa akong gayahin ang boses ni Angeline Quinto.
”Uy! Tama na! Huwag ka na umiyak. Tsss! Nakakainis ka naman oh! Mamaya may makarinig sa atin dito, mas lalong nakakahiya!”
Wrong move ata, dahil nakita ko sa mukha niya na medyo inis na siya pero hindi ko agad isusuko ang rest house ko. I need to fight. This time hinila hila ko na yung paa niya then dumapa ako sa sahig tapos niyakap yakap ang paa niya. Medyo tinaas naman niya ang paa niya akmang gusto niya nang tanggalin dahil naiinis na siya sa ginagawa ko. Hmmp! Hindi ako titigil, hangga’t hindi ko naipaglalaban ang dapat na sa akin.
Nabigla naman ako nang marinig ko siyang tumatawa? Wait, as in tumatawa siya?
”Hahahahaha! Tama na! Please! Wahahaha! Nakikiliti ako! Stop Please!”
Saka ko lang na-realize na kinakamot ko na pala ang talampakan niya. Pero hindi ko agad yun tinigilan dahil parang nag slow motion yung tumititig ako sa kanya. Ang lakas din ng echo niya sa tenga ko, parang ang sarap pakinggan. Tapos ang cute ng mata niya, kahit naluluha na sa kakatawa. Yung lips niya parang kissable.
”Hahaha! It tickles so much! Stop! Please! Woo! Hahaha!”
Ang cute cute niya (monologue ko sa isipan ko)
Hindi ang gwapo gwapo niya, ay hindi pala
Ang cute cute niya (yan ang sabi sa isipan ko)
Ang cute cute niya (medyo pa ulit ulit na)
”Tama! Ang cute cute mo! Hahahaha!” nginitian ko pa siya. Tapos napatigil siya sa pagtawa tapos hinarap ako. Medyo naluluha pa nga ang mata.
”Talaga?” tapos binigay niya ang sa tinging ko ay ang pinakacute niyang smile.
Parang may kung anong bombang pumutok sa isipan ko. Whaaaaaaaaat!
Bigla kong na-realize ang sinabi ko pati ang matagal kong pagtitig sa kanya. No! No! No! Its a big no! Ang buong akala ko sa sobrang lakas ng pagmo-monologue ko sa isipan ko, I can’t believe na nasabi ko pala talaga. Waaaa! Kahihiyan. Pero sa ginawa ko baka lalong lumakas ang hangin nitong isang to.
Hindi ko dapat sinasabihang cute itong mokong na to. Hindi ko na alam ang gagawin sa sobrang kahihiyan ang sinabi ko. Ang ginawa ko na lang ay mabilis na binato ang paa niya sa sahig.
”Ang sabi ko ang cute ng talampakan mo! Bingi! At saka kung nakikiliti ka dapat sinipa mo na lang ako o kaya tinanggal mo na lang yung paa mo, hindi yung para kang baliw, tawa ka ng tawa. What a total tool!” bigla na akong tumayo. Actually kunwari lang tong acting ko para lang makatakas sa kahihiyan na sinabi ko.
Aalis na sana ako palabas ng kwarto ng harangan niya ako.
”Liars go to hell” sabi niya tapos dumila sa akin na parang bata. Tinulak ko naman siya ng mahina para makadaan ako. Hindi niya talaga ako pinapadaan.
”Oy! Padaanin mo ako!” Pilit niyang nilalapit yung mukha niya sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
”Well, your cute too”
Is this the part where I’m gonna cry? This time hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, nilapit ko na ang sarili ko sa kanya at pinalo palo siya sa dibdib.
”Woah! Woah! Woah! Wait. What’s wrong! Hey I’m sorry”
”Nakakainis ka, bakit mo ginawa yun? Nakakinis ka! Nakakainis ka!” pa ulit ulit ko yung sinasabi at paulit ulit ko siyang pinapalo palo. Binilang ko naman ang palo ko siguro tama na ang bente.
”Grabe ka naman, tignan mo namula na yung braso ko sayo oh” sabi niya habang nakatingin sa mga pula pula ng braso niya.
”Dapat lang sayo yan dahil ikaw…. ikaw….IKAW!”
”Anong ako?!”
Oo nga. Bakit nga ba siya? Ang tanga tanga ko talaga.
”Dahil hinalikan mo ako” sabi ko tapos mabilis na napahawak sa labi ko.
”Oh! It’s that your first kiss. I’m so sorry, I was just.. you know carried along?” nagulat din siya kaya naman bigla siyang nag-sorry at napatungo na lang.
Carried along? Anong ibig sabihin niya dun. Ang gulo ng lelang niya. Bakit ayaw na lang niyang sabihin na maganda ako at nadala siya sa kagandahan ko kaya niya ako hinalikan. Hahaha! Kidding.
”No it’s not my first kiss! It’s my second kiss! Huhuhuhuhu!”
”Huh?”
***
Ipinaliwanag ko dun sa stranger na lalaki ang lahat lahat kung bakit importante pa rin sa akin yung second kiss ko. First kiss ko ay si Kuya Casius. Oo! Tama ang nabasa niyo, siya at wala nang iba. What I mean is not literal kiss na natatanggap ko mula kila Sister Sony at Father Bernie. This kiss is somewhat different. I think that exactly happened when we’re fourth year high school sa pinapasukan naming public school.
Exactly 2:00 PM sa corridor third floor ng Loudes National High School.
Patuloy ako sa pagdedecorate ng labas ng classroom. Busy ako sa pagdikit dikit sa dingding ng mga makukulay na materyales. February kasi ngayon at ano pa ba ang mahalagang ginugunita kapag february? Edi Valentines. Araw ng mga puso.
Ewan ko ba kung bakit importante sa school na ito na i-celebrate ang valentines. Basta busy ako sa ginagawa ko dahil walang akong ibang gusto kung hindi ang umuwi ng bahay. Nakakapagod. At saka isa pa wala naman akong boyfriend, wala akong pakialam sa valentines.
Nakakainggit nga lang sa mga ibang babae diyan eh, tilian ng tilian na sa sobrang lakas kala mo pinapatay na. Paano ako hindi maiingit eh para na silang mga dyosa nang school sa sobrang daming lalaki ang nahuhumaling sa kanila at ang daming nagbibigay ng bulaklak, chocolates, letters, samahan mo pa ng extra kiss sa cheeks at yung iba pa nga ay nagsusulat ng kung ano sa uniporme ng mga babaeng yun.
Panget na ba ako? Panget na ba ang isang tulad ko na wala man lang natanggap sa mga lalaking nandito sa campus? Walang nagbibigay ng bulaklak, or kahit sulat man lang. Panget na ba ang tulad ko na wala pang nagkakagusto na kahit sino?
Napaisip naman ako bigla. Nakatulala lang kasi ako sa kanila at parang tinamad na ako bigla sa ginagawa ko.
Iniisip ko na, ano kaya ang pakiramdam kung ako yung nasa posisyon nila? Napapaligiran ng mga lalaki, maraming natatanggap na kung anu-ano. May nanliligaw, at may nagmamahal. Sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasan magmahal, pwera na lang sa Diyos sa mga magulang ko na siyang dahilan kung bakit ako nandito, kay Lola Theresa na siyang nagkupkop sa akin.
Hindi ko pa nararanasan magkaroon ng crush? Waaa! Gusto kong mainlove. Gusto kong maging katulad ng disney princesses na may ideal prince na pinapangarap nila.
Sinubukan ko ang sarili ko, lahat ng dumadaan sa harapan ko ay tinitignan ko nang maigi. Gusto kong maprove kung tama nga ang napanood ko sa movie. Na kung may makita kang isang lalaki at biglang huminto ang mundo mo at nag-slow motion ang lahat, iyon ang destiny mo, siya ang magiging lalaki sa buhay mo. Pero parang impossible naman kasi yun eh.
Kanina pa ako nakatayo dito sa hallway at nakakainis lang yung mga nakakasalubong ko. May dumaan na lalaking medyo matangkad, pogi naman siya sa tingin ko. Nginitian ko siya, nagulat na lang ako nang bigla akong inirapan, (Hay naku!) Bakla pala. Medyo natawa naman ako pero hindi ko na lang ipinahalata.
Meron naman isang lalaking chinito, I think fourth year high school na siya, medyo astig ang porma. Masasabi kong hot siya dahil naka unbutton ang polo niya at bakat na bakat ang paggigiing matigas ng katawan niya samahan mo pa ng bigla niyang pagbrush up ng buhok niya, gamit ng kanyang kaliwang kamay. Sinubukan kong magpapansin dahil nahihiya akong ngumiti, ginawa ko ang katulad ng mga babae sa commercial ng mga shampoo, hinawi ko ang malambot kong buhok. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nasampal ng buhok ko ang mukha niya.
”What the heck is that freak?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nahiya naman ako kaya tumungo na lang ako. Grabe naman siya, ”freak” talaga? Bakit hindi na lang pretty?
Well isa na namang big ”X” dahil mukhang ayaw niya sa akin. Pero hindi dito nagtatapos, gusto ko pang mag try. Para maiba naman, lumingon ako sa kabilang direksyon at nagulat na lamang na papalapit siya sa akin. Tsss. Malabo. Teka para saan naman yang hawak niyang heart pillow?
Kuya ko siya at hindi na magbabago yun. Ang cute niya talaga ngumiti tapos ang unique pa ng pangalan niya. Pero wait…wait…wait!
Bigla na lamang akong nabingi ng may marinig ako na kung ano mula sa puso ko. Umiling ako, hindi ito pupwede. Mali! Mali! Naramdaman ko ang slow motion ng bawat steps niya. I saw the butterflies in my tummy, and it tickles me. Umiling ako ulit.
”Ano bang nangyayari sayo Gellian?” siguro ito na yata ang malakas na bulong ko sa sarili ko. Mali ang iniisip ko, hindi ako pwedeng magkagusto ang kuya ko kahit hindi ko siya biological brother.
Kanina pa siya nakangiti sa akin. Feeler naman ako kung sa akin, baka naman may girl sa likod ko pero lumingon ako sa likod ko wala naman eh. As in ako lang talaga. Nakakaloka.
Seven steps na lang siguro, at magkalapit na kami. Pero hindi niya itinuloy ang pitong hakbang na iyon instead tumakbo siya papunta sa akin.
”Uy!” bati niya sa akin. Feeling ko nagsialisan na ang mga paru paro sa tiyan ko at nasa normal na lagay na ang lahat, wala nang slow motion at wala na akong nakitang sparks sa kanyang mga mata. Yung tipong sparks na kapag nakita mong kumkislap ang star sa kalangitan.
”Ahhh….Hi!” medyo ang awkward, kasi napalitan ng hiya ang kaninang pagkakilig ko. Namumula na yata ang mukha ko. Pilit kong itinaas ang kanang kamay ko at nag ”Hi!” sign sa kanya.
Pansin ko na ang matinding awkward tensyon sa pagitan namin. Hindi naman kasi ako natingin nang direkta sa kanya eh, nakayuko ako. Ngayon ko lang to naramdaman sa tanang buhay ko, ang tumibok ang puso. Pero natibok naman talaga ang puso eh, what I mean is….
Naiinlove ako? Sa kuya ko?
”Ahmm para sayo nga pala, bunso oh. Hahaha! Napansin ko kasing antukin ka dito sa school eh kaya binili kita ng unan. Oy! Hindi yan cheap ah, binili ko yan sa SM, sa Blue Magic” nakita kong namumula rin siya.
Bakit ganun? Parang dinadaan niya sa pagiging kuya niya ang mga sinasabi niya. Pero dapat hindi ako ma-disappoint sa the way ng pakikitungo niya sa akin, kuya ko pa rin nama siya kahit papaano at hindi na magbabago yun. At saka I should be thankful na binibigyan niya ako ng regalo ngayon, I appreciate it.
”Oy hindi ako antukin ah! Ikaw kaya tong tulog-mantika dito sa school, lagi akong nadaan sa room niyo eh. Laging tulo laway! Hahaha!” pinilit ko na lang magbiro kesa naman hindi na ako makapagsalita sa sobrang hiya.
Pero as I expected, tatawa rin siya o babanat din siya ng pang-asar para sa akin pero hindi eh. Ngumiti lang siya sa akin at stay steady lang kung saan siya nakatayo.
”Talaga? Lagi kang dumadaan sa room namin para tignan ako?” sa mga sinabi niyang yan, ngayon ko lang nalaman ang ibig niyang sabihin sa pag ngiti niya.
”Hala! Hindi ah! Siyempre nadadaanan yung room niyo papunta sa cafeteria. Obvious naman na lagi akong gutom diba? Kaya araw-araw ako nadaan sa room niyo” sabi ko sa kanya sabay dinilaan siya.
”Ahh ganun ba? Happy Valentines nga pala” this time mas lumapit na siya. Maybe I should run away and scream. I don’t know why this feeling suddenly came out.
”I love you bunso” and with that he cupped my face then what he’s gonna do? OMG! I’ve never expected for a kiss pero sa tingin ko yun ang gagawin niya right now kaya napapikit ako. Parang sumasang-ayon din ang sarili ko na magpahalik sa kuya ko.
Minulat ko ang mata ko. Wala pa atang five seconds ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. He gave me a smack kiss on my lips and I can say is that his lips are so soft.
Nanlaki ang mga mata ko. Pero bago ko bumalik sa katinuan nakita ko siya na tumatakbo palayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit, siguro nahiya siya sa ginawa niya. Nabingi ako sa mga estudyanteng nagtitilian, the worst is nakita nilang lahat. Sila ang saksi na Kuya Casius kissed me. Then dun na nag-sync-in sa isipan ko na meron na akong first kiss at galing pa sa kuya ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap yakap ko na pala ang unan na heart na binigay niya kanina.
Pero may halong inis akong naramdaman, dapat sa true love ko napunta ang kiss na yun.

END OF THE FLASHBACK.

”Importante talaga sayo ang kiss?”
”OO!” sinigawan ko siya.
”Simula nang sabihin sa akin ni Lola na ang kiss daw na dapat kong matanggap sa isang lalaki ay yung lalaking true love ko. Well hindi ko naman masasabi na si Kuya Casius ang true love ko, he’s still my kuya and it wouldn’t change a thing”
”So naniniwala ka pala sa true love?” I heard him chuckled.
”Ofcourse not!”
”Hahaha! Funny! Hindi naman pala eh” sobrang tawa na naman siya. Puro na lang siya tawa.
”Siyempre hindi ko pa naman nahahanap ang true love ko eh. Hindi pa naman siya napapana ni Kupido at wala pa akong balak na hanapin siya!”
”What if its me? Ako pala yung true-”
Pinigilan ko siya, tinakpan ko ang bibig niya. Alam ko na naman ang sasabihin niya eh.
”Never na mangyayari yun” sinamaan ko siya ng tingin.

TO BE CONTINUED ON PAGE 3

1 Comment on Fiction: ‘Her One Month Love Story’

  1. Rhodora X // March 14, 2014 at 5:34 pm //

    Gusto ko sanang basahin, pero parang typical love story lang na gawang ‘Star Cinema!’ Yung tipong pare-parehas ung plot, iniiba lng ung title, hahahaha!

    Besides, I’m still reading this book by ‘Alex Garland,’ author of the books ‘The Coma,’ & ‘The Beach.’ Di ko type mag read ng mga love stories. Sa movies ok lng like ‘5 Centimeters Per Second’ etc.

    Nwayz, gudluck sa magbasa nyan, bgyan nyo nlng ng review, haha.

Leave a comment

Your email address will not be published.