Breaking

Fiction: ‘Her One Month Love Story’

"Her One Month Love Story" is a love story written by CertifiedMUSIClover on Wattpad (you can follow his works here: http://www.wattpad.com/user/CertifiedMUSIClover). Please take time to post your comments after reading this novel.

HerOneMonthLoveStory

HER ONE MONTH LOVE STORY

Si Gellian ay isang masayahing babae, mahilig tumulong sa kapwa at relihiyoso. Pero sa di inaasahang pangyayari ang One Month Vacation niya sa Huntington Beachtown ang nagpabago sa simple niyang buhay. [Comments/Critiques needed]

Prologue

Her one month vacation was a blast, many unforgettable memories took place.

She will never forget that one month vacation because…

On that one month vacation, she finds what love is and for her, love is something unexplainable, love is a treasure that we need to care for in order to fulfill our happiness.

She didn’t expect that on that one month vacation she’ll meet guys annoying, sweet, and extraordinary whom make her fall in love for the first time. She can say that they’re almost perfect for her ideal guy. But she only have to choose one.

What would she choose? Her unconditional love? Her love between friendship? Or her true love that she was not dreaming about?

On that one month vacation she’s now believed in fairytales that true love do exist and that was happen to her. She found her true love.

But there is three guys in her life? Well, who’s the lucky one? Who is her true love?

Let’s find out with Her One Month Love Story!

Chapter 1

Gellian

”Its vacation time!” bungad ko sa mga kapitbahay namin pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan namin. Napatingin naman si Lola Theresa sa akin, nginitian ako at tinuon muli ang atensyon niya sa pagdidilig ng halaman.

”Ay nako apo, ngayon lamang kita na kita na ganyan kasaya. Abay saan ka ba pupunta ngayong bakasyon?” tanong niya sa akin habang patuloy na nagdidilig ng mga halaman namin sa bakuran.

”Nako Lola, nakalimutan niyo na po ba? Na every vacation ang dumadating lagi akong pumupunta Huntington Beachtown” sagot ko naman with matching blinking eyes.

”Ahhhh. Hahahaha! Ulyanin na ang lola. Mag-ingat ka doon ah” binitawan na ni Lola ang hawak hawak niya at pumunta sa akin.

Niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo. ”Opo Lola!”

”Uy! Gellian, ang aga mo naman mag-impake ng mga damit mo. Ala sais pa lang ng umaga oh!” narinig ko naman si Kuya Casius at nagulat na lamang ako ng bigla akong inakbayan.

”Siyempre naman, lagi ata akong handa!” bigla kong pinisil ang ilong niya.

”Tss! Mag-ingat ka dun ah at op op op! Wag ka munang hahanap ng boyfriend ah!” sabi naman niya habang nilalapit niya ang noo niya sa noo ko. Hahaha! Baliw talaga kami kahit kailan, hindi matumbasan ang kakulitan namin. Pinisil niya ang pisngi ko. Hay nakakainis! Lagi na lang ba niyang gagawin to, baka magkaroon na nang malaking pasa tong mukha ko.

”Aray! Ang sakit kaya!” sabi ko sa kanya sabay irap. He smirked tapos kinindatan niya ako. Weird
Well lets start an introduction. My name is Gellian Ann Reyes. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap. Hahaha! Ang makapunta sa Effeil Tower sa Paris at maakyat ang pinakatuktok. Masasabi ko na rin naman na maganda ako. Well, medyo totoo naman!

Short introduction about my life. I was adopted. Actually dalawa kami ni kuya ang adopted. Lumaki ako sa ampunan at si Lola Theresa ang kumukop sa akin. While sa ibang orphanage naman si Kuya Casius. He’s not really my brother, I used to call him lang kasi mas matanda siya sa akin. Pero tinuturing ko pa rin naman siyang tunay na kapatid. Medyo awkward lang minsan dahil he do such sweet things sa ‘kin.
Si Lola Theresa at Kuya Casius lang ang pamilya ko at masaya na ako dun dahil masaya naman kami eh! I’m grateful dahil kahit papaano may nag-aalaga sa akin at concern sa kin.

”Ba’t di ka kaya muna mag-alamusal bago ka umalis?” usisa na naman ng lokong si Kuya Casius.

”Eh sa byahe na lang, at saka hindi pa ako nagugutom kaya sa lahat ng ayoko yung nag-iimpake. Pilit kong isinasara ang maleta ko dahil ang dami nang laman sa loob. Hindi kasi ako marunong magtupi. Buhay nga naman oh. Akala ko pipigilan na naman ako ni Kuya sa pagpunta sa Huntington. Hindi niya alam dun ang buhay ko tuwing vacation.

Masyado na kasing nakakastress sa school. I need some relaxation. Well hindi ko pa pala nasasabi kung ano ang pinagkakaabalahan ko tuwing bakasyon. Tumutulong lang naman ako sa Simbahan ng Huntington. Tumutulong sa favorite kong sister, si Sister Candaliza. Isa siyang madre at siya ang head ng Huntington Orphanage.

Hindi lang yan…

Umaattend pa ako ng libreng art lesson. Kumakanta din ako sa mga decent bar together with my band at ngayong vacation ulit kami mag-rereunite. Yes! May talent ako sa singing, drawing but the worst is, I’m bad at dancing. Haha! Sadyang kaliwa ang mga paa ko.

Meron pa…

Nagtatrabaho ako din ako sa isang fast food restaurant sa Huntington, DJ din sa isang Radio Station. To make everything short. Maliit lang ang Huntington at halos ata nang lahat ng nakatira doon kilala ako at ang iba naman ay ka-close ko.

Hindi pa rin ako matapos tapos sa pag-iimpake ng mga gamit ko. I wish my brother would help me. Isa siyang dakilang tamad talaga! Hmmp!

***

Sa wakas at nasa bus na rin ako at nakatingin sa side window. Medyo malamig na pala ngayon kasi malapit na mag-December. Ang ganda ng view.

”Excuse me miss! Tanggalin mo naman yang maleta mo sa upuan. Nakikita mo naman diba? Wala ng upuan, wala na akong mauupuan” napalingon naman ako sa lalaking nagsalita.

”Wait, ako ba yung kinakausap mo?” tinuro ko pa ang sarili ko. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa, infairness naman matangkad ang isang to. Nakita kong ang mukha niya ay halos di na maipinta sa inis. Nakatayo kasi siya sa bus at nakahawak sa may bakal. Tagaktak na ang pawis.

” Oo, ikaw lang. Ikaw lang ang may maleta diba? Tss!” sabi naman niya sa akin.

”Okay. Magsabi ka naman ng maayos hindi yung ang sungit sungit mo, akala mo babae na nag PMS eh” mabilis ko namang kinuha ang maleta ko. Dyusko naman. Hindi man lang maging gentleman tong lalaking ‘to. Ang malas ko lang dahil ang bigat talaga ng maleta ko buti na lang nasa may bandang unahan ako.
Aba! Aba at iniirapan pa ako ng isang to sabay sabi ng ”Tss!” tapos siniksik talaga ako.

Nakakainis! Tumingin na lang ako sa side window. Two hours pa naman ang biyahe kaya kakain muna ako! Hehehe!

Nilabas ko yung potato chips ko sa cute kong maleta then masyang kumain. Ang sarap kaya kumain. Naalala ko tuloy si Kuya Casius, mahilig din siya sa junk foods. Madamot pa nga siya minsan eh kaya madalas akong nagtatampo. Minsan pinapagalitan din kami ni Lola Theresa dahil ang ingay namin sa kwarto. Umiiyak kasi ako tuwing kinukuha niya yung malaking potato chips na binili ni lola galing sa grocery tapos yung maliit yung napupunta sa kin. Mga bata pa kami non, ako siguro mga seven years old while siya naman eh 10 years old.

Pero mabait naman talaga si Kuya Casius, sa katunayan siya ang savior ko nung bata pa ako sa orphanage. Madami kasing bata doon na lagi akong inaaway eh, minsan ninanakaw yung barbie doll ko. Worse is binabato pa nga nila ako ng tinapay eh pero hindi ko naman sila kaya batuhin ng bato.

Turo kasi sa akin ni Sister Sony, ang favorite kong sister sa orphanage na huwag daw akong gumanti sa taong gumagawa ng masama sa kin, mabuting ipagdasal ko na lang daw sila at hayaang ipa-realize sa kanila na mali ang ginagawa nila sa kapwa nila.

Well my life was does not easy, araw gabi akong nag-iisip kung bakit ako nandun sa orphanage. Kung bakit wala akong mga magulang. Kung bakit nila ako dinala dito. Pero sa huli, I realize na everything happens for a reason. Alam ko naman na sasabihin din at ipapaalam din sa akin ni God ang dahilan.

Nagulat naman ako ng siksikin ako ulit nung katabi kong masungit. Napatingin naman ako sa kanya. Eto na ba ang starstruck at first sight? Pero wait, he’s not even a superstar, parang superstar lang. No! No! No! Dapat naiinis na ako ngayon eh.

”Pwede bang umusog ka pa nang kaunti? Malalaglag na kasi ako dita” parang gusto kong sabihin sa kanya na bahala ka diyan at sabay dilaan siya na para akong maliit na bata. Umusog na lang ako at pilit na isiniksik ang sarili ko sa may side window. Sorry Papa God pero hindi ko po mapigilan ang inis ko sa kanya eh.

Maya maya kinalabit na naman niya ako. Ano ba yan! Masasapak ko na to eh! Gusto ba niyang ihulog ko siya dito sa bus. I really can’t stand this annoying guy.

”Ano na nama….” napatigil ako ng hawakan niya ang labi ko at sinabing..

”Oops! Huwag kang magalit, bayad mo daw sabi nitong si Manong konduktor”

Mabilis lang akong nakarating sa Huntington at naaamoy ko na ngayon ang preskong simoy nang hangin. Iba talaga dito sa Huntington, nakakarelax. At ngayon nakikita ko na ang sarili ko na nakatapak na ako sa white sand. Ang saya saya, kasi pag baba na pag baba ko pa lang ng bus, sinalubong na agad ako ni Sister Sony.

”Welcome iha! Akala ko hindi ka na babalik at hindi mo na kami bibisitahin dito! Hahahaha!” napansin ko naman agad sa kanya na meron siyang kasama. Actually karga karga pa nga niya eh. Ang cute.

”Maaari po ba yun. Siyempre hindi ko po kayo matitiis at saka mahal ko po ang lugar na ito, dito ako lumaki. Kayo po kamusta naman po kayo dito? At sino naman po yang kasama niyo? Ang cute cute naman niyan! Hahaha” ibinaling ko ang tingin ko sa karga karga niyang bata at pinisil ang pisngi.

”Siya si Jarl, pinakabatang baby sa ampunan. Tara na at ihahatid na kita sa rest house mo. Nilinis ko na yun at ipaghahanda kita ng makakain” ang bait bait talaga si ni Sister Sony kaya siya ang favorite ko. Maalagain siya.

***

Namiss ko ang resthouse na to, isang taon na din ang nakakaraan simula ng mabisita ko ulit to. At hindi maiwasan mag flashback sa isipan ko ang mga memories nung mga bata pa ako sa orphanage dahil sa mga picture frames na mga inilagay ni Sister Sony dito sa rest house. Mga pictures ko nung bata pa ako, nandun yung pictures ko na nagba-bike, naliligo, lumalangoy sa batya, makalat na kumakain ng spaghetti at cake at marami pang iba.

Pumunta ako sa kusina, dahil nauuhaw ako at wala akong dalang tubig sa biyahe kanina. Bago ko pa man mabuksan ang mini ref ko may nakita na agad ako post-it note doon, isa lang siya at may na kalagay na ”If ever na tinatamad kang magluto tawagin mo lang ako at ipapagluto kita” -Sister Sony
All I know is si Sister Sony din ang tagaluto namin sa orphanage. As in sobrang sarap niya kasing magluto, pwede na siyang maging chef.

Lumalabas muna ako para makita kung ano ang mga pagbabago dito sa Huntington. Maraming tao sa beach ngayon kaya hindi muna ako mag-si-swimming, nakakatamad at ayoko pang umitim. Habang naglalakad ako sa dalampasigan, may nakasalubong akong siang babae. Wait, magandang babae siya, very familiar.

Actually she is the definition of beauty. Medyo matangkad, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, mapupungay na mata, mapulang labi, at morena. All in all para siyang Binibining Pilipinas na handang ipambato sa Miss Universe.

Nginitian niya naman ako at nginitian ko rin siya. Pero nang magkalapit na kami sa isa’t-isa bigla niya akong kinausap.

”Hey, Gellian, remember me?” her accent is more like North American accent. Kaya mapapanganga ka sa kanya.

”Hi! Ako si Gellian at hindi kita kilala I’m sorry!” nginitian ko naman siya.

”Seriously?” medyo nanlaki ang mata niya. Hindi ko talaga siya matandaan pero Iknow she’s familiar. I express na lang my face na ipakilala na lang niya ang sarili niya sa akin.

”I’m your best friend. Demi Florendo” itunuro niya pa ang sarili niya at tumawa.

”What? You mean my best friend when since we’re in the orphanage? Demi is that you? Hindi na kita na kilala, mukhang level up ka na. Ang ganda ganda mo na!” sabi ko sabay palakpak. Hindi ko siya nakilala.

Siya si Demi, my best friend since nasa orphanage pa kami, ofcourse hindi ko siya makakalimutan. Matagal kaming nagsama sa orphanage at I can say na siya ang the best, best friend ever. Hindi niya pa rin ako nakakalimutan. Anyway, thats what friends are for.

Siguro mayaman na siya. Makikita mo naman kasi sa itsura niya ngayon. Kumikinang ang suot niyang hikaw, kwintas at bracelet. Kung ako, hindi ako magsusuot ng ganyang kabigat na hikaw.

Medyo matagal din kaming nag-usap ni Demi. Nilibre niya pa nga ako sa isang American Restaurant dito. Medyo nakakahiya nga eh. Parang pakiramdam ko medyo awkward. Hindi na kasi ako sanay na may babaeng kasama, laging kong kasama si Kuya Casius kahit yung pinag-aral kami ni Lola sa isang public school. In other means buntot ko siya.

Maaga ding umalis Demi dahil sabi niya may practice at meeting pa daw siya sa sinalihan niyang pageant. Sabi ko na nga ba hindi ako nagkakamali pang beauty queen ang dating niya eh. As in sumali siya sa Binibing Pilipinas. Proud naman ako sa kanya. Nasabi ko nga sa kanya na sasama at manunuod ako kapag naganap na ang coronation eh, sigurado akong mananalo siya. Di na kasi ma-achieve ang ganda niya, dyosa level kung baga.

Sa ngayon ay free ako, bukas kasi marami na akong gagawin. Sakto sunset na pala at mag-isa na naman akong naglalakad sa dalampasigan ng may humarang sa daraanan ko. Matanda at puro bracelet ang hawak, tindera siguro dito ng mga souvenirs.

”Miss, gusto mo ba ng kwintas? Promise maganda ito” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin at may kinukuha na kung ano sa hawak hawak niya.

”Hay naku lola pero paumanhin po, hindi po ako bibili at wala akong pera” sabi ko naman with matching ‘no sign’ sa kanya.

”Ay hindi, hindi ko naman ibebenta sayo, ibibigay ko sayo ito ng libre” kumunot naman ang noo ko. Bakit niya naman ibibigay ng libre?

”Talaga po? Lola?”

”Ahahaha oo. Libre na ito sayo” inangat niya sa kabilang kamay niya ang bracelet. Para siyang pang sinaunang necklace, parang shape crescent yung pendant, at may tatlong brown na bilog sa may taas. Baka naman hindi ito mabenta kaya pinapamaigay niya na lang.

”Iha, alam mo bang dalawa ang ganyan kong bracelet, kaso nawala ang isa, at sigurado ako na nasa kamay yun ng isang lalaki. Kapag nahanap mo ang lalaking kabiyak ng kwintas na iyan, iyon na ang tunay mong pag-ibig na mananatili habang buhay. Sa ngayon, sigurado akong hindi ka maniniwala sa akin pero..” lumapit siya bigla sa akin at binulungan ako habang nakangiti siya.

”Mahahanap mo rin siya, magtiwala ka lang” saka bumalik sa dating pwesto, sa harapan ko. Wala akong masabi.

”Ha? Lola bakit naman po sa akin niyo ibinigay ‘to?”

”Dahil may mabuti kang puso, isa kang mabait na bata at sa nakikita ko, hindi mo pa nararanasang umibig iha, kaya ito na ang iyong kapalaran. Hindi ko naman sinabing maniwala ka talaga, pero ito ang nakikita ko sa ‘yo” kinuha niya ang kamay ko, binuksan ang palad ko at ibinigay niya yung kwintas. Nginitian niya ako at hindi ko namalayan na umalis na pala siya, natalula ako.

Tinitigan kong mabuti ang kwintas. Mga ilang minuto ko ring tinitigan. Hindi naman siguro siya manloloko, itatabi ko na lang to. Manghuhula rin pala siya. Nilagay ko na ang kwintas sa bulsa ko. Napatingin ako sa patuloy na paglubog ng araw. Oh! I almost forgot, lagi nga pala akong tumatambay dun sa may wooden bridge malapit sa may light house.

Dun kasi ako nakakapag relax at kadalasang dun ako nag-sa-sunset viewing. Dali dali naman akong tumakbo para makaakyat agad ako sa wooden bridge. Kung titignan mo mataas itong wooden bridge, kaya kung matatakutin ka sa matataas, huwag ka na lang umakyat.

Ito kasing wooden bridge ng Huntington together with the light house ang nagpapa-special sa lugar na to. Buti nga wala masyadong tao ngayon dito sa bridge.

Naglalakad na ako papuntang kadulu-duluhan nang may mapansin ako sa light house. Hmm, hindi ko pa naman naakyat ang light house na to eh kahit nung bata pa ako. Pero baka pag nakita ako ng guard pagalitan pa ako, sige na nga wag na lang.

Pero umiling ako, parang may umuudyok sa akin na pumasok dun. Binuksan ko na ang maliit na pintuan. Waa! May sapot sapot pa kasi, it’s kinda creepy. Pero may biglang nanggulat at sa sobrang gulat ko, na-out of balance ako pero may biglang umalalay sa likod ko para hindi ako matumba.

Sa puntong ito, minulat ko ang mga mata ko at sa hindi inaasahan nakita ko na naman yung lalaking nakasabay ko sa bus. Yung mayabang. Nagkatinginan kami sa mata. Napansin kong ang gwapo niya. Lalo na yung kaunting balbas niya na siyang bumabalot sa mukha niya, sa may bandang labi ay nakakadagdag sa sex appeal niya.

Yung labi niya ang pula, samantalang yung akin ang putla at minsan dry pa. Yung mata niyang brown. Yung ilong niyang matangos, medyo nakakainggit. Teka! Hindi! No! No! No! Narealize ko na kanina pa pala ako nakatunganga sa kanya at siya naman tawa ng tawa.

”Ikaw na naman!” sabi niya tapos tawa pa rin ng tawa. As in, dahil nakahawak na siya sa tiyan na.
”Hahahaha! Na love at first sight ka siguro no? Yung itsura mo kanina! Hahahaha! Nginingitian mo pa ako!” ano bang sinasabi niya. Nakakainis pa rin siya hanggang ngayon, love at first sight niya mukha niya.

Hello? Nagwapuhan lang naman ako eh, kapag ba nagwapuhan ka sa isang tao, crush o inlove ka na agad sa kanya. I can’t stand this guy. Kumukulo lang yung dugo ko. Aba! Ano naman ang kinagwapo niya kung ganyan naman siya kayabang diba?

Nilapitan ko siya at pinalo palo sa dibdib.

”Aray! Ah! Aray! Oy tama na! Psst! Ano ba?” wagas ko na siyang pinagpapalo.

”Alam mo bang muntik na akong mahulog dito sa bridge ng dahil sayo? Paano pag nahulog ako? May pambayad kang pang-ospital ko? Ha? Ang yabang yabang mo!” dinuro duro ko pa ang ilong niya.

”Grabe ka naman! Sinalo naman kita ah! Dapat nga mag-thank you ka pa sa akin eh! Edi kung mahulog ka masaya! Hahahaha!” tumawa na naman siya ng tumawa. Kanina sa bus ang sungit sungit niya, tapos ngayon ang hyper ng kayabangan niya ah.

”Ewan ko sayo! Ang yabang mo! Thank you mo mukha mo!” tapos tinalikuran ko na siya at naglakad palayo para makapunta na sa pinaka dulo ng bridge.

May sinabi pa siya na kung ano kaso hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

Umupo na ako at nagsimula nang manuod ng sunset. Feel na feel ko naman ang simoy ng hangin presko. Sinasalubong ng hangin yung buhok ko kaya nagliliparan ang bawat hibla.

Napatingin ako sa mga lumalangoy sa ibaba. Isang pamilya siguro sila sa tingin ko. Ang saya saya nila. Kung sana may pamilya din ako, mas masaya siguro kami kesa sa kanila. Nakita ko may dalawang babae at may isang lalaki at siguro yung dalawang nasa dulo ay ang mama at papa nila.

Ano kaya ang pakiramdam na may magulang? Yung aalagaan ka palagi, nandiyan lagi sa tabi mo at nakatira kayo sa iisang bahay. Ano kaya ang pakiramdam na may nanay at patuloy na nakikinig sa mga problema mo at isang tatay na ipagtatanggol ka sa kahit na sinong nang-aapi sayo. Hay, sana nandito sila sa tabi ko ngayon. Gusto kong makita ang mukha nila. Gusto ko sila hanapin kong buhay pa ba sila?

Tumingin ako sa itaas, sa kalangitan at sinabing…

”Tutulungan niyo po ba ako?”

Unti unti nang dumidilim sa paligid. Tumayo na ako para umalis na. Kakain muna ako sa rest house tapos magpapahinga na rin.

Pagkarating na pagkarating ko sa rest house namin ay pumunta agad ako ng kusina. Kumuha ako ng tubig sa mini ref ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko. Teka, nadaanan ko kasi ang kabilang kwarto. Dalawa kasi ang kwarto dito sa rest house. Eh hindi ko pa kasi to nabubuksan yung isa kong kwarto.
Binuksan ko ang door knob ng biglang kusa itong bumukas at sa di inaasahang pangyayari bigla akong napasigaw ng malakas.

”Ahhhhhhhhh! Anong ginagawa mo dito?”

TO BE CONTINUED ON PAGE 2

1 Comment on Fiction: ‘Her One Month Love Story’

  1. Rhodora X // March 14, 2014 at 5:34 pm //

    Gusto ko sanang basahin, pero parang typical love story lang na gawang ‘Star Cinema!’ Yung tipong pare-parehas ung plot, iniiba lng ung title, hahahaha!

    Besides, I’m still reading this book by ‘Alex Garland,’ author of the books ‘The Coma,’ & ‘The Beach.’ Di ko type mag read ng mga love stories. Sa movies ok lng like ‘5 Centimeters Per Second’ etc.

    Nwayz, gudluck sa magbasa nyan, bgyan nyo nlng ng review, haha.

Leave a comment

Your email address will not be published.