Breaking

‘Annaliza’ Registers New All-Time High Rating of 25.4%

Makiki-piyesta sa mga Davaoeno ang teleserye princess na si Andrea Brillantes, blockbuster actor na si Zanjoe Marudo pati na rin ang mahuhusay na character actors na sina Patrick Garcia at Carlo Aquino ngayong weekend sa paglahok ng cast ng top-rating primetime family drama na “Annaliza” sa Kapamilya Karavan ng ABS-CBN sa Kadayawan Festival.

Pat Z Andrea Carlo

Sumugod na sa SM City Davao sa ganap na 4 PM ngayong Sabado (Aug 17) at maki-bonding sa mga pabirito niyong “Annaliza” stars.

Kasabay ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa masaganang ani at magandang kabuhayan na nakamit ng lungsod para sa taong ito, ipinagdiriwang din ng “Annaliza” ang patuloy na magtaas pa ng ratings nito linggo linggo.

Noong Lunes (Aug 12) nakamit ng programa ang panibagong all-time high national TV rating nito na 25.4% kumpara sa kalaban na mayroon lang 15.4%. Patunay ito na mas tinatangkilik pa ng maraming Pilipino ang mas gumaganda pang kuwento ng batang busilak kung magmahal.

Tiyak mas kakapit kayo ngayong linggo dahil mas titindi pa ang tensyon sa pagkakabunyag ng tunay na pagkatao ni Arlene bilang anak ni Lazaro (Patrick Garcia) kay Stella (Kaye Abad). Sasama naman ang loob ni Isabel (Denise Laurel) sa ginawang paglilihim ni Lazaro at maalagay sa alanganin ang kanilang pagsasama.

Samantala, magkakamalay naman si Makoy (Carlo Aquino) ngunit patuloy na ikukubli ang katotohanan sa tunay na pagkatao ni Annaliza sa pamamagitan ng pagpapanggap na may amnesia.

Tuluyan na bang maghihiwalay si Lazaro at Isabel? Paano ipaglalaban ni Lazaro ang karapatan sa anak na si Arlene? Paano tatanggapin ni Guido (Zanjoe Marudo) ang pagkakaugnay ni Stella kay Lazaro?

Huwag palalampasin ang mas umiinit pang kuwento ng “Annaliza” gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit anghashtag na #Annaliza.

3 Comments on ‘Annaliza’ Registers New All-Time High Rating of 25.4%

  1. dolores_432 // August 16, 2013 at 12:11 pm //

    iba talaga ang abs cbn…mga sikat nasa chanel 2.

  2. Kim deguzman // August 15, 2013 at 7:00 am //

    I think. I love annaliza

  3. Kim deguzman // August 15, 2013 at 6:59 am //

    I want to watc August. 15 2013

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: