Vice Ganda Says Sorry to Jessica Soho on ‘It’s Showtime’
ABS-CBN noontime show “It’s Showtime” started again on a not-so-happy note earlier today (Wednesday) as Vice Ganda finally addressed the controversy regarding his “rape joke” about Kapuso journalist Jessica Soho (CLICK HERE FOR RELATED ARTICLE).
“Hindi ko naman po kinakailangang i-justify ang joke ko o bigyan ko ng magandang katwiran ang joke ko. Ang joke ay depende sa tao kung paano mo tatanggapin ang joke. Hindi lahat ng joke ay matatanggap lahat ng tao. At walang isang joke na pinagtawanan ng lahat. Lahat ng joke, may taong tatawa, at lahat ng joke, may taong hindi magiging pabor sa joke na ito,” started Vice.
Vice Ganda acknowledged the fact that he offended Jessica Soho.
“Ngayon sinasabi ko na po, sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao. Alam ko sa sarili ko ‘yun at tinatanggap ko ‘yun. Maaaring na-offend ko nga si Ms. Jessica Soho. Bukod kay Ms. Jessica Soho, marami pa akong naging karakter sa mga jokes ko. Nabanggit ko rin po ang pangalan ni Ms. Kris Aquino, Mr. Boy Abunda, Mr. Kim Atienza, Mr. Gus Abelgas, Ms. Pia Hontiveros, Ms. Nancy Binay, Ms. Grace Poe at marami pang iba. Pero sa pagkakataong ito sigurado ako na na-offend si Ms. Jessica Soho at sinabi niya na na-offend siya,”
“So sabi ko, tatanggapin ko ‘yun na naka-offend ako ng tao. At kung nakaoffend ka ng tao, tanggapin mo ang pagkakamali mo…Hindi ko makakalimutan ang isang naituro sa akin ng mga magulang ko, sinasadya mo man o hindi sinasadya, pag nakasakit ka, humingi ka ng patawad,” he said.
Vice Ganda said he attempted to call Jessica Soho personally this morning but the latter said she’s not yet ready to talk to him that’s why the comedian decided to air his public apology on his noontime show “It’s Showtime” earlier today.
“Ako po talaga’y humihingi ng paumanhin. Opo ‘yun po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi magandang biro. At kung hindi magandang biro ‘yun at nasaktan ko po kayo talaga, humihingi ako ng paumanhin, patawad po. At ipinapangako ko po sa inyo, hindi na kayo magiging kasama magpakailanman sa anumang tema ng pagtatanghal ko.”
“‘Yun lang po ang nararamdaman ko at naiisip kong tama kong gawin para makabawi ako kung nasaktan ko po kayo. Humihingi po ako ng kapatawaran. Kung hindi nyo po ako kayang patawarin sa ngayon sana po balang araw mapatawad ninyo ako at inuulit ko po, ‘yun po ay isang biro lamang. Katulad po ng sinabi ko bago pa magsimula ang konsyerto ko na lahat ng mangyayari ay biro po lamang.”
“Tungkol naman po sa isyu ng rape, na ginawa ko raw katatawanan ang rape, lahat po ng nakapanoong noong gabi na yun sa konsyerto ay umuwi ng bahay nila na walang naalalang ginawa kong katatawanan ang rape, pero hindi ko na ulit iju-justify kung anong ginawa kong tama at kung ano ang ginawa kong mali, hindi ko na po iju-justify,” he said.
Vice Ganda also made a clarification about his “rape joke.”
“Gusto ko lang pong klaruhin sa lahat na hindi ko po kailanman gustong kutyain ang sinomang rape victim. Wala ako pong intensyong masama na pagtawanan ang mga rape victims, alam ko pong seryoso ang isyu tungkol sa rape kaya hindi ko po ginawang seryosong pagtawanan ang rape victims, wala po akong intensyon na masama.”
“Gayunpaman, kung meron pong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin. At sa lahat po ng mga nakisali na sa maliit na isyu na ito na pinalaki ng pinalaki na nagmukhang national issue, na nagsimula sa isang simpleng biro, kung hindi nyo po nagugustuhan ang pagpapatawa ko, paumanhin po sa inyo. Kung hindi nyo po ako nauunawaan, paumanhin po sa inyo.”
“Ako po ay tao, mukha lang akong kabayo. Hindi ako perpektong komedyante at alam ko sa sarili ko na hindi lahat ng joke ko ay nakakatawa. Mayroong isang tao na magsasabing hindi ako natawa, depende ‘yan kung paano mo tatanggapin. Gayon pa man, mula sa puso ko humihingi ako ng paumanhin.”
“Sana tapusin na natin ang isyu na ito at pinapanalangin ko na mapatawad ako. Sa lahat ng mga nagsalita sa akin ng masama, lalo na ‘yung hindi nakapanood at nakaparinig lang, okay lang. Kung hindi niyo ako naunawaan, ako ang uunaw sa inyo,” he said.
Watch the video here: