Breaking

James Yap on Kris Aquino – Bandila Interview (Video)

Check out the transcript of Bandila’s interview with James Yap regarding his ex-wife Kris Aquino and his decision to fight for his son Bimby.

James Bandila

James Yap on Kris aquino: “Never ko siyang sinaktan.”

“Nasasaktan ako kasi ‘yung anak ko sobrang sama na ng tingin sa akin. As a father, sobrang nasasaktan ako, sinasabihan akong ‘I don’t like you, you’re a liar. Iniisip ko ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa. Tinanong ko, ‘Sinong natuturo sa ’yo niyan?’ ‘Mama, mama.’ Ang ginagawa ko na lang kapag sinasabihan ako ng masama, sinasabi ko na lang, ‘Bimb tingin ka sa mata ni papa. Love na love ka ni papa.”

“Magpapaalam na sana akong umalis. Sabi ko ‘Bimb kiss mo na si Papa kasi aalis na.’ Nandoon si Kris, nandoon ang bata. Sabi ni Bimb ‘I don’t like.’ Ako naman, ‘Bimb kapag hindi mo i-kiss si Papa, iki-kiss ko si Mama.’ Tapos ang reaction ni Kris, ‘Yuck, yuck, yuck.”

“Ako naman, ayaw talaga ako i-kiss ni Bimby so lumapit ako kay Kris, hinawakan ko siya sa braso (sabay sample sa braso niya). Paghawak ko, sabi ko ‘Bimb look o, iki-kiss ko na si Mama mo.’ Tapos biglang si Kris nagsabi na ‘Sinasaktan mo ako, you’re hurting me.’ Parang sinasabi niya kay Bimb ‘Sinaktan ako ng Papa mo.’ Tapos siyempre ‘yung bata akala talaga sinasaktan siya.”

“Nag-react ang bata gumitna sa amin tapos hinug siya. Pag-hug niya sabi ‘No no I don’t like you. Ang mukha ni Kris nang-aasar pa. Kaya sabi ko, ‘Ikaw talaga!’ Sinusumbong ko kay Bimb. ‘Bimb look at your mama’s face oh, she’s smiling.’ Tapos pagtingin ni Bimby, galit-galitan na naman siya.”

“Never ko siyang sinaktan, never ko siyang ginamitan ng kung ano man. Takot ko lang kasi siyempre alam ko naman kung nasaan sila ngayon, nasa power sila. Hindi naman ako tanga na gagawin ko iyon.”

“The next day, tinawagan niya ako. ‘Binabastos mo yata ako’. Sabi ko, ‘Anong binabastos? Hina­wakan ka lang, binibiro ko lang para i-kiss ako ng anak ko tapos binabastos?’ Doon ko na binuhos sa kanya lahat ng hinanakit ko.”

“Sabi ko ‘Hindi mo ba alam na tuwing sinasabihan mo si Bimby ng masama about sa akin, sinasabi sa akin ni Bimby? Kapag tinatanong ko sinong nagsasabi, ikaw ang tinuturo. Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo? Tatay ako ng anak mo. Baka nakakalimutan mo, gusto lang kita i-remind.’”

“Tapos hindi siya nakapagsa­lita, binabaan ako. Tumawag ako ulit tapos sabi niya sa akin ‘Baka nakalimutan mo, may three years pa ang brother ko.’ Sabi ko, ‘Grabe ka naman ang yabang mo naman. Ang yabang yabang mo naman.”

“Wala naman na akong pakialam kay Kris eh. Ang gusto ko lang makasama ang anak ko. Bakit ako sinisiraan sa anak ko? Para ano? Ano bang gusto niya? Tapos ngayon ina-accuse niya ako na rapist ako? Grabe naman iyon. Itong lumalabas ngayon sinasabi ni Kris rapist ako or kung ano man ang nakalagay diyan, walang katotohanan iyan.”

Watch the interview here:

1 Comment on James Yap on Kris Aquino – Bandila Interview (Video)

  1. Culas pero // June 17, 2013 at 10:18 pm //

    tama na yan walng kwenta yang pinag sasabi nyo puro kayo plastic

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: