Breaking

Reel Time Presents ‘Mga Ebang Mandaragat’ on GMA News TV

This Sunday, June 10, "Reel Time" presents a telemovie based on the true story of female divers.

Apat na dalagitang may mataas ang parangarap. Sumisisid sa malalim na karagatan para makapasok sa paaralan.

Sinasalamin ng mga baku-bakong kalsada at mga mahihinang pundasyon ng bahay ang kahirapan ng isang komunidad sa Lungsod ng Batangas. Sinasabing ipinapanganak na mahirap ang karamihan sa kanila, at namamatay na walang-wala. Karamihan kasi sa kanila, lalo na ang mga kababaihan, nag-aasawa kahit dalagita pa lang. Hindi na nagagawang makapag-aral, at sa katunayan, wala pa raw kahit isa sa kanilang komunidad ang nakapagtapos na ng kolehiyo.

Ang kalagayang ito ang nais baguhin ng apat na ebang mandaragat – si Gina, ang magkapatid na sina Elizabeth at Abigail, Jolina at Sandara. Naniniwala silang edukasyon ang susi nila para maitawid ang pamilya sa lugmok na pamumuhay. Iyon nga lang, mistulang dinadala sila ng ahon pabalik sa pampang ng kahirapan.

Animo’y hindi na raw nila naranasan pang maging bata. Dahil ang laot na ang kanilang naging malawak na palaruan. At ang bangka ang kanilang naging bahay-bahayan.

Kilala nila ang kilos ng dagat. Pati ang awit ng habagat. Saksi ang mga alon sa kanilang mga pangarap. Sila ang Mga Ebang Mandaragat.

Mapapanood ang kanilang pelikula ng totoong buhay ngayong Hunyo 10, Linggo, 8:40 ng gabi sa Reel Time, pagkatapos ng Good News kasama si Vicky Morales sa GMA NewsTV Channel 11.

3 Comments on Reel Time Presents ‘Mga Ebang Mandaragat’ on GMA News TV

  1. Ariel Garcia // June 6, 2012 at 2:22 pm //

    Its GMA News & Public Affairs that’s why worth wacthing!

  2. This is the kind of program that Filipinos should watch

  3. Worth watching … sana ok sa schedule ko.

Leave a comment

Your email address will not be published.