Breaking

UNTV Got 20 Anak TV Seal

20 UNTV shows were recognized by Anak TV as "child friendly" this 2011.

Mula sa labingtatlong programang ginawaran ng Anak TV seal noong nakaraang taon, ngayong taon naman ay dalawampung programa ng UNTV ang pinagkalooban nito.

Pasado muli bilang child-friendly show ang mga programang Bread N’ Butter, Doc On TV, Estranghero, Istorya, Kilalanin Natin, KNC Show, Munting Pangarap, Sports 37 at Law Profile.

“Wow ang galling! Alam mo last year kasi una naming natanggap ito. 1st year namin yun kaya nung natanggap naming ito sabi namin, ‘Wow! Napakahirap sundan ito, ano?’ Kailangan tayong magpursige upang ang ating mga kabataan ay ipagpatuloy na magbigay tayo ang ehemplo. Kaya kapag bumati ako sa Law Profile, eh ‘Bayang minamahal’, eh dito ang bati ko ‘Mga batang minamahal, ” ani Atty. Boogie Rodrigo, isa sa mga host ng Law Profile.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman, binigyan ng naturang seal ang mga programang Ating Alamin, Easy Lang ‘Yan, Candidly Speaking with Willy, Climate Change, D-X’Man, Kaagapay, Manibela, Mapalad ang Bumabasa, Poitical Watch, Rotary In Action at ang Make My Day.

Labis na ikinatuwa ng nina Rotary In Action host Efren Capa at Make My Day host Larry Henares ang naturang paggawad sa kani-kanilang programa.
“I feel so flattered, after all, I’m already 87 years of age, to think that at my age I would be recognized by the new generation who practically 80 years away from my age. So, I thank again Anak TV and, of course, the UNTV which is handled by Kuya Daniel and Ka (Bro. Eli) Soriano for having given me the opportunity to serve,” pahayag ni Larry Henares ang host ng Make My Day.

“Unang una, nagpapasalamat ang Rotary In Action sa Anak TV Foundation for this award. Ang Rotary In Action ay tamang tama sa pagse-celebrate ng 3rd year na anniversary, ito’y napakagandang regalo na napabilang agad at nabigyan ng award ng Anak TV,” anang isa sa mga host ng Rotary In Action na si Mr. Efren Capa.

Ang mga ginawaran ng Anak TV seal ay dumaan sa 46 assesment screenings mula sa 2,875 judges na kabilang sa iba’t-ibang sektor ng lipunan mula marso hanggang nobyembre ngayong taon.

Kaya’t lubos ang pasasalamat ng Vice-President for Administration ng UNTV na si Sir Gerry Panghulan na patuloy na nadaragdagan ang nabibigyan ng Anak TV seal mula sa UNTV.

“Syempre, natutuwa tayo at nagpapasalamat sa Anak TV Foundation sa muli na naman nilang pagkilala sa ating mga programa. Kaya umasa po sila, umasa po tayong lahat, sa ating mga kasangbahay, na pagbubutihin natin ang pag-create ng mga programang makabuluhan at maka-pambata, iyan naman ang trademark ng ating Kuya Daniel Razon sa UNTV.”

Naging panauhin pandangal sa Anak TV award sina dating Pangulong Joseph Estrada, ang premyadang aktres na si Ginang Susan Roces at ang kasalukuyang MTRCB Chair na si Grace Poe-Llamanzares.

Leave a comment

Your email address will not be published.