Breaking

Alex Gonzaga Shares About Mo Twister

Alex Gonzaga talks about Mo Twister, Kean Cipriano and being one of the most beautiful women in the country.

Hindi naiwasan na tanungin ng mga reporter si Alex Gonzaga tungkol sa viral video ni Mo Twister dahil kasamahan niya ito sa programang Juicy ng TV5.

Ayon kay Alex mabait na kaibigan si Mo at nalulungkot ang dalaga sa pagalis nito.

“Namimis-interpret lang ng mga tao si Mo kasi offcam mabait talaga siya. He’s very sweet…kung ano man ang iniisip ng mga tao, you really have to know the person first” kuwento nya sa amin.

Meanwhile, after her successful stint in Babaeng Hampslupa, may bagong teleserye si Alex sa TV5, ang PS I Love You.

Si Alex ang tinaguriang “drama princess” ng TV5 at dito na halos nagsimula ang kanyang career. Mula naman ng una siyang gumawa ng project sa istasyon ay nagsunod sunod na ang kanyang mga blessings at ganda ng takbo ng kanyang career.

Pampaganda at pampakinis ng kutis ang ine-endorse na bagong produkto ni Alex, ang YSA Botanica. Napakaganda ni Alex, pwede siyang beauty queen kung tutuusin.

“Wala pa sa plano yan sa ngayon pero kung may chance why not?” sabi niya.

Napansin ang kagandahan ni Alex nang mapabilang siya sa annual poll na “100 Most Beautiful Women in the Philippines” ng Starmometer at sa taong ito ay pang no. 19 siya (CLICK HERE FOR RELATED ARTICLE).

“Kaya ako number 19 sa Most Beautiful Women ay dahil sa YSA Botanica 2-in-1 Kogic Soap” masayang pasasalamat ni Alex sa mga bomoto.

Hindi rin maiwasang pag-usapan ang tungkol sa kaniyang ka-loveteam na si Kean Cipriano. Ayon kay Alex nasa getting to know each other pa lang daw sila.

MORE PHOTOS HERE

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares