Breaking

KC Concepcion Reveals Her Relationship with Piolo Pascual is Over

Piolo Pascual and KC Concepcion, one of local showbiz' power couples this 2011, have officially broken up.

The break-up was finally confirmed by KC Concepcion herself in an exclusive interview by Boy Abunda on ABS-CBN’s showbiz talk show “The Buzz” Sunday afternoon.

Boy Abunda asked a direct question to KC: “Hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual o hindi?”

KC nodded.

Here’s an excerpt of the interview (transcript):

Boy: “Bakit kayo naghiwalay para lang maunawaan namin?”

KC: “May mga hinahanap ako na napaka-basic lang na hanapin ng isang babae sa isang boyfriend, isang lalake. Ayoko na siguro pumunta sa details kuya Boy kasi parang ayokong siraan siya.”

“Pero…let’s just say na lahat talaga kaya ko. Lahat, lahat ng…kung may anak siya tinanggap ko ‘yun. Tinanggap ko ‘yung anak niya.”

“Kahit may mga times na di ko siya maintindihan, tinatanggap ko kasi sabi sa akin ng mga kaibigan namin personality niya ‘yun.”

“Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na dapat ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala ako na mabait siyang tao.”

“May mga bagay na parang di ko na kayang lunukin, hindi ko na kayang tanggapin.”

Boy: “May third party ba?”

KC: “Ayoko po siyang sagutin Tito Boy.”

Boy: “Galit ka?”

KC: “Ngayon ko lang po na-realize na, opo.”

Boy: “Galit ka dahil? Anong nagawa sa ‘yo? Ano ang hindi mo kinaya at bakit ka galit?”

KC: “Ewan ko kung paano nangyari ‘yung sama ng loob, naging galit, na talagang nagugulat na lang ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako. Parang hindi naman ako ganun.”

“And bigla na lang ako maiiyak kasi hindi pala ako ok. And then siya, parang natatawa na lang siya, kapag nakikita kong ini-interview siya, dinadaan na lang niya sa joke. Na parang ako, bakit ikaw ganyan tapos ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli parang mag-isa lang ako dito?”

“Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay Mama na tanong ng tanong kung kami pa ba o hindi na? Anong isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko talaga masabi Kuya Boy sa kahit sinong tao kung anong nangyari, dahil hindi pwede sabihin.”

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares