Kim Chiu Denies Nose Job Rumors
Itinanggi ni Kim Chiu ang mga rumors na nagparetoke siya diumano ng kanyang ilong at pati na rin ng dibdib.
Sa interview sa kanya ng Showbiz News Ngayon, sinabi ng young actress na willing siya na i-prove na hindi totoo ang mga balita.
“Kung gusto talaga nila, i-prove ko sa kanila kasi wala po talaga [retoke]… Lalo na sa ilong ko, gawa-gawa [daw] ilong ko hindi naman talaga, kahit silipin ninyo pa ang mga sides,” ang wika ng dalaga.
Ipinaliwanag ni Kim na required daw siya ng magdagdag ng timbang para sa nalalapit niyang teleserye na “Binondo Girl.”
“Kailangan sa serye, e. Kailangang magka-muscle. Kailangang 115 pounds hanggang 120 pounds,” paliwanag ni Kim.