Breaking

Ford Supermodel Winner Danica Magpantay Graces ‘The Bottomline’ this Saturday

Matapos tanghaling Grand Winner sa Ford Supermodel of the World competition, kabi-kabila ang mga papuri at modelling offers na dumagsa kay Danica Magpantay. Samahang rumampa at magbalik-tanaw kasama ang morenang nagbigay karangalan sa bansa. Sasagutin niya din ang mga natatanging katanungan ng Bottomliners at ng taong-bayan kasama ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda ngayong Sabado sa “The Bottomline.”

Kamusta ang pagpapalaki ng kanyang supermodel mom? Napressure ba siya na higitan ang achievement ng kanyang ina? Naing advantage ba o disadvantage ang kanyang height? Dati na ba siyang skinny? Mayroon din ba silang sibling rivalry ng kanyang kapatid? Kamusta ang relasyon niya sa kanyang mga magulang?

Bago siya lumaban sa Ford Supermodel competition, ano-anong preparasyon ang kanyang ginawa? Mayroon ba siyang mga ritual sa pag-aalaga ng kanyang kutis? Ano nga ba ang maituturing niyang signature pose? Paano rumampa ang isang Supermodel? Kamusta ang buhay niya sa New York bilang modelo at ang kanyang pakikitungo sa mga foreign models? Ilang oras ang kailangan niyang gugulin sa international catwalk? Gaano kataas ang standard ng mga clients niya abroad? Mayroon bang katotohanan na bawal hawakan ang anumang parte ng kanyang katawan at diumano’y insured ito? Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki? Saan at papaano niya gugugulin ang napanalunang premyo na nagkakahalaga ng $250,000? Ano ang reaksyon niya sa komentaryo ng Executive Producer ng Ford Supermodel of the World-Philippines na si Joey Espino na “Half of her face is hard, and the other half is soft. You can’t figure out her face.”

Wag palalampasin ang “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.