Goin’ Bulilit Kids Magra-rally Ngayong Linggo
Ang Labor Day ay isa sa mga pinaka-aabangang araw ng mga manggagawa. Ito rin ay pagkakataon upang maipahayag ang kanilang mga saloobin at buksan ang maraming oportunidad sa trabaho. Kaya naman buong-pagmamalaking inihahandog ng mga Bulilits sa mga masisipag na manggagawang Pilipino ang kanilang episode ngayong Linggo.
Walang-humpay na katatawanan ang ihahatid ng mga Goin’ Bulilit kids sa kanilang Labor Day gags, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN. Purong katatawanan ang handog ng Bulilits sa kanilang spoof segment na “Nagbabalibagang Balita” at “Lucky Me Itnok.”
Siguradong purong ka-cute-an at kakwelahan din ang hatid ng mga Bulilits sa kanilang mga rally ng mga manggagawang gags at “Welga ng mga ander de Saya” segment. Kapana-panabik na games and activities ang kanilang handog.
Sasakit rin ang inyong panga sa kakatawa sa kanilang sariling bersyon ng “Nang Dahil sa Pag-ibig.”
Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit. Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.