Breaking

NEWS5 Will Cover the Beatification of Pope John Paul II at the Vatican

NEWS5 will go to the Holy See to witness the beatification of the most beloved pope, John Paul II.

NEWS5 makikiisa sa pagtahak ni Pope John Paul II sa daan patungo sa pagiging santo

Mula mismo sa Vatican City, kaisa ang NEWS5 sa paghahatid ng mga kaganapan sa beatification ni Pope John Paull II o ang proseso tungo sa paggagawad ng paka-santo sa isang indibidwal na napatunayang nagdulot ng himala. Sa misang gaganapin sa Holy See sa Mayo 1, hihirangin ang Santo Papang pinaka-minahal ng buong mundo bilang “Blessed Pope John Paul II” matapos ideklara ni Pope Benedict XVI na isang milagro ang paggaling ng isang madreng Pranses mula sa sakit na Parkinson’s.

Naatasan ang batikang reporter ng NEWS5 na si Joey Villarama upang mag-ulat ng mga pangyayari mula sa Vatican. Tinatayang daan-daang libong debotong Katoliko ang sasaksi sa beatification anim na taon makaraang mamaalam ang Santo Papa noong Abril 2, 2005.

Ihahatid ng NEWS5 sa pamamagitan ng Aksyon TV Channel 41 ang misang pangungunahan ni Pope Benedict XVI sa Mayo a-Uno mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-sais y medya ng gabi oras dito sa Pilipinas.

Patuloy na minamahal ng mga Pilipino ang namayapang Santo Papa dahil sa ipinamalas nitong pagkalinga sa mga Asyano partikular na sa mga Pilipino. Dalawang beses na bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas—noong 1981 at noong 1995 kung saan ipinagdiwang dito ang World Youth Day na dinaluhan ng mahigit pitong milyong Katoliko. Dahil sa umaapaw na suporta ng mga Pilipino sa Santo Papa, ang Catholic festival na ito ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa kasaysayan ng Kristyanismo.

Mag-uulat naman sa lahat ng newscast ng TV5 at Aksyon TV Channel 41 si Joey Villarama para personal na ikwento ang mga pangyayari sa beatification.

Antabayanan ang daan tungo sa pagka-santo ni Pope John Paul II sa NEWS5.

Photo courtesy of InterAksyon

10 Comments on NEWS5 Will Cover the Beatification of Pope John Paul II at the Vatican

  1. santo santohan // April 30, 2011 at 3:32 pm //

    kahit gawin pang santo si santo papa…patay na cia at tao lang din cia…wag nating bigyan ng malaking importansya ang katulad niyang tao…dahil no body’s perfect…dapat ituon natin ang life natin kay God dahil Siya ang naglalang sa atin…nakakalungkot ang daming tao sa buong mundo ang nabubulagan…

  2. AYAW KO NA SA ABSCBN // April 30, 2011 at 9:29 am //

    BAKIT NILA IKO-COVER ANG BEATIFICATION NI POPE JP II-DI BA ISINUSULONG NG ABSCBN ANG RH BILL? MALINAW NA IKINONDENA NI PO JP II ANG ANUMANG URI NG CONTRACEPTIBO.

  3. AYAW KO NA SA ABSCBN // April 30, 2011 at 9:27 am //

    ANG ABSCBN-HAYOK SA RATINGS.NAMATAY NA NGA SI AJ, PINAGSASAYAW PA ANG MGA ARTISTA NILA.

  4. business daily // April 30, 2011 at 1:54 am //

    The book of the Gospel was placed on the coffin and the breeze fluttered its pages…After the Mass ended bells tolled and 12 pallbearers with white gloves white ties and tails presented the coffin to the crowd one last time and then carried it on their shoulders back inside the basilica for burial again to sustained applause from the hundreds of thousands in the square including dignitaries from 138 countries…Chants of Santo! Santo! urging John Paul to be elevated to sainthood immediately echoed in the square…The first non-Italian pope in 455 years was buried at 2 20 p.m. ……Cardinal Joseph Ratzinger dean of the College of Cardinals a close confidant of John Paul and a possible successor presided at the Mass and referred to him as our late beloved pope in a homily that traced the pontiff s life from his days as a factory worker in Nazi-occupied Poland to his final days as the head of the world s 1 billion Catholics…Drowned out by applause..Interrupted by applause at least 10 times the usually unflappable German-born Ratzinger choked up as he recalled one of John Paul s last public appearances when he blessed the faithful from his studio window on Easter… We can be sure that our beloved pope is standing today at the window of the father s house that he sees us and blesses us he said to applause even among the prelates as he pointed up to the third-floor window above the square… Today we bury his remains in the earth as a seed of immortality our hearts are full of sadness yet at the same time of joyful hope and profound gratitude Ratzinger said in heavily accented Italian…He said John Paul was a priest to the last and said he had offered his life for God and his flock especially amid the sufferings of his final months. ..Ratzinger was interrupted again toward the end of the Mass by several minutes of cheers rhythmic applause and shouts of Giovanni Paolo Santo or Saint John Paul from the crowd.

  5. SARDINAS, NOODLES GALING KAY GOZON // April 30, 2011 at 12:59 am //

    ayaw nga i post eh…. i think the devil is in your side…. JOKE….

  6. bakit, ano ba sinabi mo? But take note, don’t argue with me kasi nabasa ko lang din yan sa testimony. Hindi ko po gawa ang issue po na yan. thanks. post mo po ulit baka mapost na.

  7. SARDINAS, NOODLES GALING KAY GOZON // April 29, 2011 at 11:45 pm //

    ayaw talaga…. ano ba ang meron..?? sinasagot ko lang naman ang sinasabi ni shane…. bat ayaw i post..??

  8. SARDINAS, NOODLES GALING KAY GOZON // April 29, 2011 at 11:40 pm //

    ano ba naman yan ayaw i post ang mga sinasabi ko….

  9. Not intended to cause dismay but in truth, Pope John Paul II is seen in hell by Angelica Zambrano. He is among with other famous people like Michael Jackson and John Lennon.

    Hell is real and this pope is in it.

  10. so what kahit anong klaseng pag cover ang gawin di kayang sabayan ang sa abs…the best sa lahat ng coverage

Leave a comment

Your email address will not be published.