Breaking

Summer Getaway Special on ‘Goin’ Bulilit’

Ang pagsapit ng tag-init ay isa sa mga pinaka-aabangang panahon kung saan walang sawa at walang kapaguran sa paglalaro ang mga bata. Kaya naman sobrang excited na ang mga Goin’ Bulilit kids na mag-participate sa iba’t ibang mga summer activities at games.

“Nakakatuwa po talaga kapag summer kasi wala na pong pasok at pwedeng-pwede na po maglaro,” pahayag ng pinakabagong Bulilit at SCQ Grand Questor na si Brenna Peñaflor

Si Clarence Delgado naman, tropical fruits na in na in ngayong summer season ang gustong lantakan. Aniya, paborito niya ang manggang hinog, saging, pinya at iba pang matatamis na prutas.

“Sabi po kasi ng mommy ko mas ok na kumain ng fruits kaysa junk food. Eh paborito ko naman po talaga ang mga fruits. Favorite ko din po ang halo-halo at fruit shakes,” ani Clarence.

Samantala, walang-humpay na katatawanan ang ihahatid ng mga Goin’ Bulilit kids sa kanilang summer getaway special sa Amana Water Park Resort ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN. Opening pa lang ay siguradong purong katatawanan sa kanilang sariling bersyon ng Happy Yipee Yehey! theme song.

Siguradong purong ka-cute-an at kakwelahan din ang hatid ng mga Bulilits kanilang mga gag jokes at spoof segment na “Check, Chek, Chek”. Kapana-panabik na games and activities ang kanilang handog.

Umaapaw na summer sorpresa ang hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit kaya huwag palampasin ang ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

5 Comments on Summer Getaway Special on ‘Goin’ Bulilit’

  1. Anonymous // April 4, 2011 at 10:31 am //

    mas flop nag ung sa gma na kiddie shows nyo.!

  2. Itong si Flo, puro flop lang ang alam na word. Dapat dinagdagan mo na lang ng “p” ang pangalan mo eh. Hindi niya alam na ang ibig sabihin ng flop ay yung mga shows nila sa GMEEEW.

  3. saraharchuleta // April 3, 2011 at 3:52 pm //

    @flo….basis na flop…ipakita mo flo..

    baka yung bubble gang junior ang ibig mong sabihin my dear.. 😛

  4. walng magawa sa buhay

  5. flop tsugihin na yan

Leave a comment

Your email address will not be published.