Kaso Nina Ligot at Garcia, Bubusisiin ni Ted Failon
Nagkakahalaga lamang ng P500 ang nanakawin sana ni Exie Comendo sa isang grocery store nang agad siyang nasakote ng security guard at naparusahan ng apat na buwan na pagkabilanggo.
Sa kabilang dako, P740 million cash naman ang sinasabing ninakaw ni Ret. Lt. Gen. Jacinto Ligot at P430 million naman kay Ret. Maj. Gen. Carlos Garcia at hanggang ngayon hindi pa rin sila napagbabayad kung mayroon mang katotohanan ang mga alegasyon sa kanila.
Maging kasong plunder ay hindi naisampa kay Ligot at si Garcia naman binigyan pa ng plea bargain agreement at umaming guilty.
Sa mga ganitong sitwasyon, masasabi pa rin nga ba nating “no one is above the law”?
Bubusisiin ni Ted Failon ang buong kuwento ngayong Sabado (Mar 5) sa “Failon Ngayon,” 5:30 PM, pagkatapos ng “Kapamilya Cinema Blockbusters” sa ABS-CBN.