Breaking

Star Power 12 Face Versatility Challenge this Sunday

The versatility of the remaining 12 contestants of Star Power: Sharon's Search for the Next Female Superstar will be put to test this Sunday night.

Walang mapagsidlan ng tuwa ang Star Power 12, matapos ang mainit na pagtanggap sa kanila ng entertainment press sa isang presscon na ginanap sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 24.

“Hindi po ako makapaniwala na naghanda po sila ng presscon para sa aming Star Power girls. Siyempre, kinakabahan kami sumagot sa umpisa. Pero nung tumagal, sobrang nag-enjoy na din kami na kausap sila,” ani Krissel, ang Versatile Vocalista ng Davao.

Ang pagharap sa press ay isa lamang sa mga hamong dapat harapin ng Star Power 12 upang maging ganap na mga bituin. At ngayong linggo, versatililty o pagiging handa sa iba’t ibang klaseng challenges ang dapat malampasan ng mga contenders. “The girls must get out of their comfort zones,” ani Mega.

Lahat sila ay kailangang mag-perform sa kanilang hindi nakasanayang paraan o uri ng musika. Paano kaya nila malalampasan ang matinding hamon na ito?

Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), Macy delos Reyes (Cebu), K-La Rivera (Canada), Natasia Cunanan (Bulacan), Rose Ann Francisco (Batangas), Laurice Bermillo (Bataan), Angeline Quinto (City of Manila), Sam Hernandez (Taguig City), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte), sino kaya sa kanila ang magniningning ng husto at tatanghaling Sharon’s Next Female Pop Superstar.

Sino kaya sa nalalabing Star Power contenders ang karapat-dapat ng magpaalam ngayong Linggo? Sino ang dapat manatili at hiranging Sharon’s Next Female Pop Superstar?

Ito na ang pagkakataon para isalba ang iyong paboritong kandidato. Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER at i-send to 2331 para Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and Sun Cellular—sa 2366.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

VIEW THE FASHION PHOTOS OF STAR POWER 12

16 Comments on Star Power 12 Face Versatility Challenge this Sunday

  1. angeline, laurice and krisell

  2. I want Angeline may timbre-ng kakaiba ang bose niya.

  3. Based on their performance last night, here is my ranking and my Fab 5:

    1. Laurice – bet ni Jovit Baldovino
    2. K-La
    3. Angeline
    4. Akiko
    5. Krissel

  4. angeline for the win!
    she is the one to beat…
    andaming supporters!
    we hope na makarating ka til the end…gogogo angeline!

  5. ANGELINE AHVE A GREAT VOICE

  6. c k-la at angeline ang d best!!wlang makakatalo sa kanila!

  7. dominic ibanez // November 28, 2010 at 7:17 pm //

    kung sa face ang gaganda na nila ngun hindi ko tuloy alam kung cnu piliin ko hehehe, i like akiko pero gusto ko ninay of corz same batangueno

  8. go kaye!!

  9. bkit ntanggal si joy? kabwisit….

  10. james gwapo. // November 27, 2010 at 11:03 pm //

    go Ninay and Natasia. 🙂

  11. para saakin ang my STAR POWER

    1. Laurice
    2. K-La
    3. Angeline
    4. Krissel
    5. Akiko

    clang 5 ang bet q pero pinaka bet q c laurice!!! magagaling cla at my star power tlga!

  12. ingit lang kayo mga chakadoll

  13. not so impressive…

  14. Sina K-La at Krissel ang maglalabanlaban sa finals. Sila lang ang standouts sa voice, performance at face. In the end mananalo ang Visayan talent dahil sa texting power. In fairness, kahit walang text, panalo pa rin si Krissel.

  15. kapamilya ruled // November 27, 2010 at 12:52 pm //

    ang gagalng nilang lahat…

  16. sad to say kulang sa powers ang mga contestant dito..pagdating sa kalidad ng boses at x-factor.. nakaka disappoint.. every week palaging sablay ang mga perfromance nila.. sablay sa song selection at sa pagkanta.. sana binalik na lang nila yun pinoy dream academy..

Leave a comment

Your email address will not be published.