Breaking

Robin Padilla on the Biggest Mistake He Made in His Life: ‘Yun po sigurong panahon na nag-droga ako’

Robin Padilla is an example of a person who made a major mistake in life but did something to make it right. This is the reason why people call him "Idol."

In an interview during the launching of his StarStudio Plus magazine titled “Idol: Robin Padilla’s Journey” Friday afternoon, Starmometer asked Robin Padilla the ever difficult question: What do you consider the biggest mistake you made in your life? At paano ka nakaahon sa pagkakamali na ‘yun?

“Ang pwede ko pong sabihin na pinagsisisihan ko, siguro ‘yung droga. Hanggang sa mg panahon na ‘to, kapag ako’y nag-iisa, sinasabi ko sa sarili ko, mali dapat hindi ko dapat ginawa ‘yun. Hindi ko dapat dinaanan ‘yun,” Robin said.

“Pero paano mo gagawing positibo ‘yun? Nagpapasalamat ako sa StarStudio. Sa panahon kasi ngayon ay maraming kabataan ang naliligaw at ‘yan ang isyu. Siguro ang pinaka-papel ko na lang dahil ako ay dumaan ‘dun, medyo credible ako magsalita sa kanila kung ano ang epekto niyan, kung ano ang masamang ibibigay sa inyo n’yan. ‘Yun na lang ang tinitignan kong positibo.” he added.

Here are the excerpts of the questions from the entertainment press and the answers of Robin Padilla during the launching of Idol’s StarStudio Plus magazine and mini-album titled “Harana”:

On StarStudio Plus IDOL:

“Galing po ang concept kay Mr. Lopez (Gabby Lopez, ABS-CBN Chairman and CEO). Nag-meet po kami sa isang coffee shop sa isang lugar malapit sa condo ko. Dito po mababasa ninyo at makikita ang mga pinagdaaanan ko sa buhay ko. Malalaman nyo din na hindi dahil anak ako ng dating Gobernador eh lumaki ako sa luho. Makikita po ninyo dito ang pinagdaanan ng isang Robin Padilla. Hangad ko lang na may mapulot kayong aral sa buhay ko.”

On being tagged as Idol:

“Yung tawagin ka pong Idol ay talaga namang nakakakilabot. Nagpapasalamat po ako sa mga taong hanggang ngayon ay nagtitiwala pa din sa akin.”

On his 15 serious relationships:

“Sira ulo kasi ako kapag naiin-love. Wala naman akong pinagsisisihan dun. Lahat naman sila minahal ko ng totoo. Sobra lang talaga akong naniniwala sa pag-ibig. Pero ngayon masasabi kong masayang masaya ako sa aking bagong pag-ibig.”

On his latest trip to India with wife Mariel Rodriguez:

“Marami po kaming mga magagandang lugar na pinuntahan ngayon. Syempre mas mahal ko po ang ating bayang Pilipinas, pero napakaganda din po ng India. Binigyan po nila kami ng permit na makapag-shoot ng pelikula kahit sa mga lugar na bawal ang camera.”

On his relationship with Mariel:

“Ako po kasi ay napaka-selosong tao. Ibig pong sabihin nun, hanggang mayroong selos, umiigting pa po ang pagmamahal. Matuwa siya kapag nagseselos ako, ibig sabihin ay namumukadkad pa ang pag-ibig. At si Mariel po ay talaga namang pinipilit maging mabuting maybahay. Pinagtitimpla nya ako ng kape kahit minsan eh sobrang tamis sa asukal. Kahit antok na antok na yun, pinipilit pa rin nyang gumising at makinig sa mga sinasabi ko. Minsan sinasampal pa niya ang sarili niya wag lang akong tulugan. Talaga namang napaka-mapagmahal na asawa at nagpapakumbaba.”

On their plan to have a child:

“Lahat naman po ng nag-aasawa eh gustong magkaanak. Pero suwerte nga ni Mariel instant mommy agad sya sa apat na bata.”

On their church wedding:

“Dapat nga po ngayong December na yun pero dahil nga po sa maraming pangayayari, ‘di na umabot. So plano po naming gawin yung early next year. Baka po January.”

On his daughters Queenie and Kylie:

“Kasama po nila ako magmula nung dumating ako last November 20. Sinorpresa pa nila ako nung isang araw. Ngayon ang tanging gusto kong gawin eh makasama at mapasaya ko yung mga anak ko.”

On Queenie and her rumored-boyfriend Ejay Falcon:

“Nagugulat nga po ako ‘nung nagshoo-shooting kami ng pelikula. Ang hirap pala at nakakaasiwa ‘pag ‘yung anak mong babae eh nakita mong nakakandong sa lalake habang nakaharap at kausap mo sila. Sabi ko nga huwag kayong maghalikan sa harap ko, hintayin n’yo muna akong tumalikod. Pero hindi naman sila pa. Sana naman hindi, mga bata pa sila. Gusto kong pag-butihin muna nila ang mga career nila.”

On her latest movie with Mariel:

“Nung naglabas ang Star Studio ng magazine nila na nag-feature sa mga litrato namin ni Mariel sa India, pinatawag kame ng konsulado ng India dito sa Maynila at natuwa naman sila na marami akong alam sa kultura nila kaya binigyan kami ng permit na mag-shooting kahit saang lugay sa India. Nag-shoot kami sa India kasama si Mariel at yung ibang staff. Bale kami ni Mariel ang senior loveteam dito at si Queenie at Ejay naman ‘yung junior loveteam. Sa sobrang dami ng magagandang lugar sa India medyo sumobra kami sa mga nakuhanan. Problema ngayon ng editor kung paano pagkakasyahin yung lahat ng na-shoot namin sa isang oras at kalahati. Baka nga hindi na kame umabot sa January playdate dahil nga ang hirap i-edit ng pelikula. Baka po pang-Valentines na ito.”

On Willie Revillame and Mariel’s rumored transfer to TV5’s Willing Willie:

“Wala po kaming tampuhan ni Willie. Lalake po kame at ‘di naman bagay sa amin ang magtampuhan. Kung lilipat po si Mariel eh depende po sa kanya yan. Pero ayokong magkaproblema si Mariel sa ABS-CBN. Any decision should be consulted at dapat may basbas ng ABS-CBN.”

On his stand about reproductive health and use of condom:

“Sa mga oras na ito, niyayakap ko na lang ang sinabi ng mahal na Papa na makakatulong ang condom sa AIDS, hindi ba po? Sa usapin ng isa sa pinaglalaban namin ng TRUST ay ‘yong sakit. Nandoon po sa libro, nagpapatunay na dati Thailand ang pinakamarami. Sa ngayon sa Asia sino ang may pinakaraming pagtaas ng AIDS? Pilipinas. Huwag na nating lokohin ang sarili natin, Pilipinas. Ang taas ng porsyentong nagkaroon ng HIV sa Pilipinas. At isang bagay ‘yan na kailangan nating harapin at huwag itago. Kasi kung itatago natin ‘yan nang itatago biglang sasabog ‘yan sa mukha natin isang araw. Sa aking palagay ibigay natin ang desisyon sa mga tao, huwag natin silang diktihan. Magbigay tayo ng kanya-kanyang opinion dahil tayo ay may demokrasya.”

On political tandem with Manny Pacquiao:

“Malaki ang paghanga ko kay Manny Pacquiao. Alam kong hinde sya mangungurakot dahil nga sa masyado na syang maraming pera. Pero yung pulitika po eh hinde para sa akin. Puwede naman po akong mag public service pero hinde ang pasukin ang pulitika.”

19 Comments on Robin Padilla on the Biggest Mistake He Made in His Life: ‘Yun po sigurong panahon na nag-droga ako’

  1. Robin and Mariel——-
    Just follow what ur heart sez up to now tama lahat ang inyong decisions especially
    Robin talaga naman u show na totoo talaga
    ikaw kay Mariel.Wish u guys the best of
    luck.I wish lahat na tao ay true kagaya ni Robin not like plastic pareho ng iba- u
    r showing a responsible husband to ur wife u make decisions for her and very protective yan ang tunay……..

  2. redbandola // December 6, 2010 at 9:23 am //

    idol ko yan

  3. corazon bantegui // December 6, 2010 at 4:13 am //

    mariel -robin is right be sure b4 u transfer get the blessing of abs-cbn and
    especially your manager Boy . u will never find another one like ur father ang iba
    they r users para lang sa opera si Boy
    very fatherly sa iyo and best of all u
    r so lucky u got the most protective husband. A VERY LUCKY GIRL… u r very
    right to say that u must have done something right for u to receive a gift
    from GOD like Robin. Pls get married very soon para yung maninira na sira ulo na
    mga tao walang may masabi.

  4. rockergonebad // December 1, 2010 at 1:25 am //

    well! nakabili na ako nito kahapon. 120 pesos lang nman!
    inumpisahan kung basahin ng tuloy tuloy
    actually dina ako naghapunan.
    mula 8:pm hangang 1:am ASTIG! TALAGA!
    dami nyo malamang bago tungkol kay idol.
    tulad nalang ng. criminology graduate pala c idol. hehe pareho kami. taz ito pa isa! nung lumabas ang warrant of arrest nya. namundok cya at sumali sa NPA. bili nalang kau! d kayo magsisi. PEACE OUT!

  5. _d best ka tlaga idol
    mula noon hanggang ngyon
    wla ka pa dn kupas…
    idol ka tlaga ng bayan
    lalo na d2 sa mindanao…

  6. sarah basco // November 29, 2010 at 5:45 am //

    pare-pareho ang tao d2 puro siga gaya ng idol nila na c robin at plastik na c mariel,iyan ang pinakang ayaw kong artista c mariel maninira ng mga kaibigan…super arte pa ndi naman maganda!!!mukhang pokpok

  7. sarah basco // November 29, 2010 at 5:40 am //

    naku poh!!!mariel dyan ka na lang sa kapamilya kc lagi akong nanonood sa tv5 at kung puede wag sa willing willie ayaw ng tao doon ang dalawa ang mukha c robin dyan na rin sa kapamilya total adik na gun runner pa bagay cla ni mariel parehong nakakainis at wlang kuwentang tao kapamilya rin ako lahat ng telesere pinapanood ko at cyempre sa kapatid lalo na ang willing willie,everybodi happy,lokomoko u. juicy at opaparazzi pakiusap tama iyong gnagwa ninyo wag na lumipat c mariel dyan na lang cla…..kya nga ndi ko na pinanood iyong luz na luz ay win na win pala puro kabaduyan atkaartehan at kabaklaan nakakhiya yukkkiiieee!!!!

  8. Kapamilya ak0 // November 28, 2010 at 9:02 pm //

    Sweet ni mariel ke r0bin,mariel wag ka lumipat sa tv5.,. Ma l0l0st ka dun- at kwawa ka ke cf. Na nuknukan ng plastik at mukhang pera’ stay ka nalang sa kapamilya’ pls

  9. adik to

  10. Lettie Llorente Tadeo // November 28, 2010 at 3:43 pm //

    Mabuhay ka Robin. I hope kids will listen to you . You’ve been there, done that and you realized the consequences of a drug user. You are a good person. Congratulations to both of you and Mariel. She was my husband’s fav.on Wowowee esp. when she sang–nakaktawa and nakakatuwa! Love you both!

  11. I love rOBin. haha..

  12. idol is really something.

  13. I like him…his so true to himself as well as to others…open minded pa. cool dude!!..Idol

  14. mga adik pumulot na kayo ng aral…..

  15. BETINA, CEBU CITY // November 27, 2010 at 10:12 pm //

    Robin is my crush since i was in college, cuz of his personality……the way he dressed up!wow, wow, wow………….all i can say is : MARIEL is very lucky cuz he is idol talaga….

  16. mariel,

    we want you to stay in abs cbn with your manager.

  17. Idol talaga

  18. good job!!! mariel wag kang lilipat kasi walang pag asa career mo sa tv 5…

  19. kapamilya ruled // November 27, 2010 at 4:10 pm //

    nag-iisa lang c binoy…

Leave a comment

Your email address will not be published.