Breaking

New DJs to be Introduced in Tambayan 101.9’s Anniversary

Meet Ronald Duck, Carlo Santino, Raki and Bea, the new DJs of Tambayan 101.9.

Bago ipagdiwang ang Pasko ay ipagdiwang muna ang unang kaarawan ng paborito mong tambayan sa radyo— ang Tambayan 101.9— at maki-sayaw sa isang dance party kasama ang inyong mga paboritong DJs na sina Cha-cha, Arnold Rei, Martin D, China Heart, Jack Melo, Charlie, Jasmin, Toni, at Billie.

Kasama rin sa event para pormal na ipakilala ng istasyon ang apat nitong bagong DJs na kinabibilangan ng ‘duckilang’ tagapagdagdag ng ganda sa inyong umaga na si Ronald Duck; ang napaka-‘guwapow’ na si Carlo Santino; ang ‘kikay’ na may kindat na makatulo laway na si Raki; at ang nakakagigil sa ganda na si Bea.

Inaasahang mas madami pang pasabog sa darating na mga taon ang Tambayan 101.9 lalo pat patuloy itong tinatangkilik ng sambayanan.

“Unang taon pa lang ito, and we will continue to give our audience the entertainment they look for, hindi lang sa radyo, kundi pati na rin sa internet at sa telebisyon. Marami pang aabangan mula sa Tambayan ng mga Pinoy, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” sabi ni Eli Bruce Capuyan, station manager ng Tambayan 101.9.

Patuloy ng tumambay sa radyo sa siksik na line up ng mga programa nito on-air na sisimulan ng kwelang si Ronald Duck ng 5AM hanggang 8AM at susundan ng gigilicious tandem nina Arnold Rei at Bea mula naman 8AM hanggang 11AM.

Pagsapit ng 11AM, makakasama niyo naman si Raki kasabay ang kanyang tips sa pagpapaganda ng sarili at pag-uugali na agad naman susundan ni Charlie sa ganap na 1PM na patuloy ang pag-matchmaking sa mga tambayer. Si Carlo Santino naman ay magbibigay payo paano manatiling ‘guwapow’ sa ganap na 3PM.

Aariba din ang inyong gabi sa Tambayan 101.9 pagpatak ng 6PM kasama si Martin D at China Heart habang paiinitin ito ni Cha-Cha pagpasok pa lang ng 9PM kasama ng kanyang mga caller na makikipag-“chup-chup” session sa kanya. Kadamay naman ng mga mahilig magpuyat sina Jack Melo at Jasmin mula 1AM hanggang 5AM.

At para i-celebrate ang first anniversary ng Tambayan 101.9, maki-party na sa “ISA-YAW-MO! The Tambayan 101.9 Birthday Party” ngayong Biyernes (Nov 26), 6PM, sa Quezon City Memorial Circle covered basketball courts. Sumama na sa malawakang eyeball ng mga tambayers kasama sina Laarni Lozada, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Miguel Mendoza, Mark Bautista, Mickey Perz, Saicy Aguila, Marvin Ong at marami pang iba.

Manatiling nakatutok sa Tambayan 101.9 para sa karagdagang detalye o mag-log on sa www.tambayan101.9.com

5 Comments on New DJs to be Introduced in Tambayan 101.9’s Anniversary

  1. bkit po nawala c dj laila chickadora?

  2. showbiz-spotlight.blogspot.com // November 26, 2010 at 3:35 pm //

    showbiz-spotlight.blogspot.com

    pls support

    tnx starmo

  3. 100 million times ng nagreformat di pa rin na #1 // November 25, 2010 at 8:08 pm //

    hahaha welcome back KAPAMILYA RULED. PAST TENSE TALAGA. TAPOS NG MAG RULED ANG EBS hahaha

  4. kapamilya ruled // November 25, 2010 at 5:50 pm //

    good luck…

  5. showbiz-spotlight.blogspot.com // November 25, 2010 at 1:53 pm //

    showbiz-spotlight.blogspot.com

    pls support
    tnx starmometer

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: