Breaking

Aga Muhlach Shares His Testimony on How He Met God

Aga Muhlach narrates how he turns to God in times of trouble.

Kagulat-gulat na isang seryoso ngunit inspired na inspired na Aga Muhlach ang humarap sa amin kamakailan sa isang exclusive interview. Malimit mang magkuwento ang award winning actor sa tungkol sa kanyang personal na buhay, buong puso pa rin niyang inilahad kung paano niya ginagawang sandigan ang Panginoon sa oras na siyay humaharap sa mga problema at pagsubok.

“When you’re troubled, don’t dwell on it. You just have to turn to God at sasabihin lang niya sayo ‘it’s ok.’ So kapag may problema ako, ok lang. Kapag tinanong ako kung may problema ako, sagot ko wala,” ani Aga.

Dagdag pa ni Aga na bagaman hindi maiiwasan ang mga suliranin at pagkakasala sa buhay, magandang sikapin ng bawat isa na sa tuwid na landas lang tumahak.

“I met my God a very long time ago. So, hindi ko na binitawan ang Bibliya since then. Pero quiet lang ako about it, hindi ko na sinasabi pa sa mga tao. Pero minsan mawawala ka kasi tao ka, pero babalik ka din. As you get older kasi, you get tired of making mistakes. It’s tiring to make mistakes. Ang sakit sa ulo na ang dami mong sabit. Next thing you know, humahagulgol ka na, nagbre-breakdown ka na. So dun ka na sa tamang landas. At least kapag tinatama mo talaga ang buhay mo, hindi masakit ang bagsak mo. Kaunting sakit lang. Kapag nalilihis ka ng unti lang, imbis na binubogbog ka ng kasalanan mo, parang tinatapik ka lang. Eh di wala kang stress sa buhay,” pahayag ni Aga

Kumpiyansa din ang aktor na kahit ano pa mang krisis ang kanyang kaharapin sa pamilya man o sa showbiz career, tiyak na malalampasan niya ito.

Sa darating na Sabado, sa M3, haharap si JM (Aga) sa isang malaking pagsubok. Hindi kasi patitinag ang obsessed na obsessed na si Megs (Niña Jose) sa pangbla-black mail kay JM. Banta ni Megs na kapag hindi siya ang piniling mahalin ni JM, ay ikakalat niya ang kanilang di umano’y sex photos and videos. Bagaman alam niyang wala siyang ginawang pagtataksil, guilty pa rin si JM sa pagsisinungaling kay Bea. Natatakot si JM na baka hindi paniwalaan ni Bea (Megan Young) ang kanyang paliwanag at tuluyan ng hindi matuloy ang kanilang nalalapit na pagpapakasal. Manaig kaya ang pagka-desperada ni Megs?

Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, at Ms. Aiai delas Alas ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jeffrey Jeturian at Direk Frasco Mortiz.

Abangan at huwag palampasin ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 9:45 pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

4 Comments on Aga Muhlach Shares His Testimony on How He Met God

  1. glory to God! Yes Aga is right.. why stress your self. Jesus will never leave you nor forsake you.

  2. To God be the glory and honor! 😀

  3. Anonymous // October 14, 2010 at 3:15 pm //

    this is inspiring. and other people who are so mean, better tago nyo na lang ang inyong mga mean words.

  4. oh my god,,,,,every week may article about this show…..ano ba- gumawa nga kayo ng ibang article…..kahit anong gawin niyo flop parin it

1 Trackbacks & Pingbacks

  1. Celebrity BuzZ » Aga Muhlach Shares His Testimony on How He Met God

Leave a comment

Your email address will not be published.