Breaking

‘Midnight Phantom’ is Director Cathy Molina’s Most Passionate Project

Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom is getting positive feedbacks nationwide.

Nakabibilib na sa gitna ng bagyo at brownout, wagi ang pagsisimula ng pinakabagong Precious Hearts Romances (PHR) presents Martha Cecilia‘s Midnight Phantom! Ayon sa Kantar Media (dating TNS), humataw ang pilot episode nito ng 12.9%% laban sa 10.9% ng katapat nitong programa. At noong July 14 nga kung kailan may malawakang brownout sa Luzon, pinataob ng Midnight Phantom ang katapat nito sa ratings na 12.0% laban sa 7.9% at namayagpag maging sa overall programs ranking bilang top 10!

Tampok ang kauna-unahang pagtatambal nina hunk actor-model Rafael Rosell at actress-singer Denise Laurel, ang Midnight Phantom ay halaw sa obra ng batikang pocketbook writer na si Martha Cecilia at sa ilalim ng direksyon ng multi-awarded box office director na si Cathy Garcia-Molina. Si Direk Cathy rin ang director ng highly-successful PHR series na Bud Brothers, kung saan kapwa bahagi ng cast sina Raf at Denise.

Sa isang interview kay Direk Cathy, ibinahagi niya ang pagkasabik sa bagong PHR project. “I really like the story of Midnight Phantom kasi it’s something different. It’s not your typical love story kasi ang lalim niya. It’s really very different from all the PHR that we showed already. Ang Midnight Phantom ay mas mainit, mas matapang, mas mabigat, mas dramatic, mas dark, mas passionate.”

Nang tanungin ang blockbuster director kung gaano ka-passionate ang Midnight Phantom kumpara sa ibang mga nagawa na niya, isang nakaiintrigang sagot ang binitawan niya. “Sabi ko nga, lahat ng “mas” nandito. Actually sa dami ng love scenes na nagawa ko sa Bud Brothers, ito yung pinaka-passionate. Umabot na ako sa napapagalitan na ako ng producer ko kaya langgam na lang sa puno ang kinunan ko. Seryoso yun! May langgam na lang sa puno akong kinunan kasi nagagalit ‘yung producer ko na hindi mapapalabas ‘yung ginagawa naming eksena.”

Tungkol sa loveteam nina Denise at Raf, naging madali para sa direktor ang bigyang buhay ang mga karakter nina Brandon at Nadja. “Hindi mahirap gumawa ng chemistry between two people if the willingness is there. Nakita ko ‘yung efforts nila, lalo na nung ginagawa namin ’yung love scene. Kasi kilala naman nila ako at alam nilang hindi sila pwedeng magsinungaling sa akin. I can read their body language sa mga eksena. At talagang natuto silang mag let go.”

Bagama’t close na ngayon, inamin ni Direk Cathy na hindi niya gusto si Rafael noong ginagawa nila ang Bud Brothers. “I used to dislike him. As in hindi ko po siya ipinasasama sa Bud Brothers. That time, hindi ako nagagalingan at napopogian sa kanya. Then I met him sa first day ng shoot ng episode nila ni Mariel. Late siya ng isang oras. Napagalitan ko agad. ‘Yun pala made up na. So binawi ko naman ‘yung paggalit ko. And after that, no looking back na po. Rafael has proven himself to me and I think to the audience that he’s an actor and I believe in his capacity and ability and ang gwapo niya pala!”

At tulad ni Rafael na may pinatunayan kay Direk Cathy, nagawa ring patunayan ng kanilang drama series ang pagiging wagi ng kwento nito. Marami kaagad ang kumapit sa misteryosong pagkatao ng “Midnight Phantom” na si Brandon (Rafael) at ng mga babaeng may kaugnayan sa kanya—ang babaeng kung kanino unang nahulog ang kanyang loob na si Anya (Ina Raymundo) at ang loyal listener niyang si Nadja (Denise), Unang linggo pa lang ng Midnight Phantom, nagbabadya na ang pagkakabuhol-buhol ng mga problema ng magkakaugnay na buhay ng tatlong bida.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng Midnight Phantom, natagpuan na ni Brandon si Anya at natuklasang si Nadja ay stepdaughter nito. Dahil dito, magsisimula ang mga balak ni Brandon na maghiganti sa mga taong nagwasak sa puso niya sampung taon na ang nakararaan. Magtagumpay kaya siya sa kanyang maitim niyang balak o maging biktima lamang ng sariling patibong? Maisakatuparan kaya ni Brandon na paibigin at angkinin si Nadja?

Kasama sina Charee Pineda, Jommy Teotico at Hansen Nichols, tampok rin sa Midnight Phantom ang mga batikang artistang sina Spanky Manikan, Beverly Salviejo, at Cris Villanueva. Ipinakikilala din ang critically-acclaimed indie actor na si JM de Guzman at sa isang espesyal na pagganap, ang nagbabalik-telebisyong si Ms. Ina Raymundo bilang Anya. Tuklasin ang sikreto at misteryo ng Midnight Phantom sa well-loved pocketbook novel-turned-TV series, ang PHR presents Martha Cecilia’s Midnight Phantom, araw-araw sa ABS-CBN Hapontastic, tuwing 5:30 ng hapon, pagkatapos ng Panahon ‘Ko ‘To.

Leave a comment

Your email address will not be published.