Breaking

Rico J. Puno Hosts Wowowee

Willie Revillame's friend, Rico J. Puno, graced Wowowee yesterday to be a special guest host.

Naging special guest host ng top-rating noontime variety show na Wowowee ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Willie Revillame na si Rico J. Puno.

Sa pagbubukas ng show, naghiyawan ang lahat ng sabihin nila Mariel Rodriguez na si John Lloyd Cruz ang makakasama nila. Laking gulat at naghalakhakan ang live studio audience nang ang lumabas sa backstage ay ang “Macho Gwapito” ng dekada ’70.

Nang tanungin si Rico J. kung anong klaseng Wowowee ang ihahatid niya sa televiewers, simple lang ang sinabi nito. “Ako’y 35 years na rin sa industriya at hindi ko pinaplano ang kahit anong gagawin ko. Galing lang sa puso lagi. Spontaneous! I play with the crowd of course with the guidance of the script.”

Sa kanyang kauna-unahang pagho-host sa Wowowee, binati ni Rico J. ang kaibigang Willie at nabanggit pang ang suot niyang T-shirt nang hapong iyon ay sa kaibigan. Nag-text din daw siya kay Willie para sabihing manood ng episode niya.

Lalong nagpiyesta sa studio nang naging galante si Rico J. sa pagbibigay papremyo sa contestants at maging sa live audience. Sa katunayan, pinagkatuwaan pang hanapin ni Rico J. ang taga-Makati na bumoto sa kanya. matatandaang tumakbo bilang vice-mayor ng Makati si Rico J ngunit hindi pinalad na nanalo. Kaya pabirong nagkomento ang singer na, “Ang dami niyo, bakit hindi ako nanalo?”

Samantala, sa mga gustong manood ng Wowowee sa studio nang live, patuloy pa rin ang “Wowowee Text Promo.” Para sumali, manood lamang ng Wowowee araw-araw at hintayin ang sagot sa ibibigay ng mga hosts. Tumutok sa commercial break at abangan ang tanong. Araw-araw, dalawang tanong ang lalabas kaya dalawang winners ang ia-announce sa dulo ng show. Mananalo ng tig-P5,000 cash at dalawang Wowowee tickets ang mga unang mabubunot na may tamang sagot. Kaya load at text na!

Para sa karagdagang updates, patuloy ang programa ng bawat Pilipino sa buong mundo, Wowowee, tuwing tanghali, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.