Breaking

Sharon Cuneta & Gabby Concepcion Reunite on ‘Sharon’ this Sunday

For the first time in a long time, a mega-family reunion will be made possible this Sunday on "Sharon."

Isang espesyal na ‘mega family reunion’ ang tiyak na aabangan ngayong linggo, June 13, sa top-rating musical variety show na Sharon. Matapos ang mahigit isang dekada, muling magsasama sa iisang show sina KC Concepcion, Gabby Concepcion at si Megastar Sharon Cuneta!

Kasama ang bestfriend ni Mega na si Zsa-Zsa Padilla bilang co-host, tampok sa two-part special ng Sharon ang mga exclusive photos, never-before-heard stories at must-see production numbers na pagsasamahan nina KC, Gabby at Sharon.

Kwento ni KC, hinding-hindi niya malilimutan ang gabing nakasama niyang muli ang kanyang Mama at Papa. “This moment is really inspiring. Hindi naman araw-araw nagkakaroon ng chance na magkita-kita ulit kaming tatlo, to be on my Mom’s show and makita silang dalawang nag-uusap.”

Dagdag pa niya, “Meron talagang purpose kung bakit kami pinagtagpo ulit. May rason kung bakit kami nagpunta sa show ni Mama and nakagawa kami ng movie together ni Papa. Hindi lang ‘to para sa show. Parang I waited all my life for this moment.”

Abangan ang kabuuang kwento ni KC at ang nakakikilig na pag-uusap nina Sharon at Gabby sa first part ng special episode na ito ngayong Linggo sa nag-iisang musical variety show “kung saan lagi kang kasama,” ang Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

1 Comment on Sharon Cuneta & Gabby Concepcion Reunite on ‘Sharon’ this Sunday

  1. ELIZABETH L. BURK // October 15, 2010 at 3:23 am //

    I am one of Sharon”s fan. I have seeing all her movies back in Tagum, Davao del Norte until now.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares