Breaking

Sam Teaches Maja How to Swim in PHR ‘Impostor’

This week, witness the "swimming pool" scene of Maja Salvador and Sam Milby on Precious Hearts Romances Presents "Impostor."

Sa nangungunang afternoon teleseryeng Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, kitang-kita ang chemistry nina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador. Pero ang hindi alam ng karamihan, mas nakaaaliw panoorin ang kulitan ng dalawa kapag wala nang kamera.

Aminado sina Sam at Maja na bagama’t nagkailangan sa umpisa, mabilis naman silang nagkapalagayan ng loob. Ayon kay Sam, “Very comfortable na kami ngayon with each other. Sobrang saya sa set kasi we really get along well. Maja and I are both having fun. Nakakatuwa ang kakulitan ni Maja!”

Nagkasama man sa ibang TV projects kabilang na ang ASAP, aminado sina Maja at Sam na ang PHR presents Impostor ang nagbigay-daan para mas magkakakilala silang dalawa. Kwento ni Maja, “Komportable na kami ni Sam sa isa’t-isa, kaya naman komportable na rin kami sa mga scenes namin bilang mag-asawa sa Impostor. Wala nang ilangan.”

Maging ang mga ka-trabaho sa teleserye nina Sam at Maja pansin kakaibang pag-aalagaan nila sa isa’t-isa. Sa katunayan, isang staff ang kinikilig na na nag-kuwento na hinahatid pa ni Sam si Maja mula sa waiting area papuntang set kapag kukunan na ang eksena nito. At nang minsang masira naman daw ang reclining chair ni Sam, ipinagamit ni Maja ang kanyang tulugan para makapagpahinga ang aktor in-between takes.

Hindi tulad ng ibang magkaka-loveteams, ang pag-aalaga at kulitan nina Sam at Maja bilang magkaibigan ay hindi natatapos kapag nag-pack-up na ang taping. Dahil hanggang sa labas ng set, nadadala ng Prince of Romance at Drama Sweetheart ang kanilang kulitan at bonding moments.

Isa pang staff ng PHR presents Impostor ang nagkuwento na minsa’y niyaya ni Maja ang ibang miyembro ng cast at staff ng programa para kumain sa isang mamahaling hotel. Libre daw ito ni Maja sa mga kasama sa trabaho sa magandang pagtanggap ng mga manunuod sa kanilang serye. Pero ang hindi alam ni Maja, sa pagdating palang ni Sam ay agad na pala nitong binayaran ang bill. Kaya’t nang hinihingi na ni Maja ang bill, laking gulat niyang wala na pala siyang babayaran. Natapos ang gabi sa masayang pagtatalo ng dalawa kung sino ang dapat magbayad. Tuwang-tuwa ang ibang parokyano at staff ng hotel sa ipinakitang kulitan ng dalawa.

Kung gaano ka-komportable sa isa’t isa sina Sam at Maja ang siya namang paglalapit ng mga ginagampanan nilang tauhan sa PHR presents Impostor. Sa ika-apat nang linggo ng teleserye, napapalagay na ang loob ni Anthony (Sam) kay Devin (Maja) na humantong sa isang masayang bonding over swimming.

“Abangan nila ang swimming style ni Maja!,” pang-aasar ni Sam sa katambal. “Di siya marunong mag-swimming! Sinubukan kong turuan siya lumangoy, pero natatakot daw siya.”

Agad naman siyang sinagot ni Maja, “Turuan ba naman ako agad sa 7 feet!”

Abangan kung tuluyan na bang mahuhulog ang loob at mauuwi sa tunay na pag-iibigan sina Devin at Anthony. Paano kung malaman ni Anthony na ang kanyang babaeng minamahal ay isa palang Impostor?

Kasama sina Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo, ang PHR presents Impostor ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Chavez Pobocan.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares