Breaking

Asian Hits on Sharon this Sunday

Mula Korea hanggang Taiwan, bibigyang-pugay ng Megastar ang mga kanta ng iba’ t ibang Asian Superstars na sikat ngayon sa Sharon ngayong linggo (February 27).

Pakinggan ang mga pop music sensations sa himig ng up-and-coming group na Voizboys, ang komedyante/ dubber/ international champion magician Jeffrey Tam, ang mga bibo at cute na cute na Goin’ Bulilit Kids, hahataw din ang mga naggwagwapuhang Star Magic Boys na sina Rodjun Cruz, Aaron Villaflor, Charles Christianson, Enrique Gil at Mikee Lee at ang pinakabagong girl group na Viva Pop Girls sa isang gabing inspired ng mga kanta ng Asian Superstars.

Hindi dapat palampasin ngayong linggo ang Asian flavor na matitikman sa programang kung saan lagi kang kasama, ang Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.