Breaking

Nuno sa Punso, Makikipag-rakrakan sa ‘Super Inggo’

Isang nuno sa punso naman ang makakaharap ni Super Inggo sa darating na episode ng “Super Inggo at ang Super Tropa,” sa January 17, 10:30 ng umaga sa ABS-CBN Animazing.

Ang nasabing episode ay magpapakita kung paano ang trying hard na mag-banda na si Max Faustino ay nakipagkasundo kay Tophel, isang nuno sa punso, upang gawin ang nauna na isang magaling na rock star sa tulong ng isang mahiwagang gitara.

Pero paano kung ang kapalit nito ay ang magiging buhay ng kanyang panganay na anak? Makakaligtas pa kaya ito sa sumpang ito? Paano makakatulong sina Super Inggo at ang kanyang Super Tropa?

Panoorin kung ano ang mangyayari kay Max at kina Super Inggo sa pinaka-unang anime na ginawa ng mga Pinoy – ang “Super Inggo at ang Super Tropa” – ngayong Linggo.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: