Breaking

This Weekend on ‘Joey’s Quirky World’

Ngayong Sabado at Linggo (Oct. 24-25, 2009; Episodes 64-65), ipapakita sa atin ni Inspektor Talas at Vicky Bola ang mga sumusunod:

SATURDAY EPISODE

Pupuntahan natin ang sikat na Statue of Serclaes sa Belgium, hinahawakan ito ng mga tao sa paniniwalang magkakaroon sila ng swerte. Sa Macau naman ay naghuhulog sila ng pera sa isang lalagyan na may lamang pagong sa paniniwalang matutupad ang kanilang mga hinihiling. Bibisitahin din natin ang Glass factory sa Italy. Alamin natin kung paano ginagawa ang iba’t ibang glass figurines. Daanan din natin ang Italy at ang Vicvtoria Peak sa Hongkong pati na rin ang Siracha Tiger Zoo sa Thailand. Alamin din natin kung bakit ang mga piglets doon ay hindi inaatake ng mga tigers. Kilalanin din ang Scorpion Queen ng Thailand at ang mga street performers sa Belgium .

SUNDAY EPISODE

Sa China, silipin natin ang kandado sa malaking boulder at ang wish tree sa Hongkong.

Sa Germany, bibisitahin ang City of Hameln, kung saan ang lugar ng istorya ng Pied Piper.

Sa Thailand, ipapakita ang Crocodile Show.Aalamin din ang mga weird na trabaho sa Morocco at Indonesia.

%d bloggers like this: