Breaking

Angel Locsin and Claudine Barretto Settle Their Dispute

Angel Locsin and Claudine Barretto settled their reported rift together with the executives of ABS-CBN last July 23.

Here is the official statement issued by ABS-CBN regarding the misunderstanding between its two stars:

“Marami na ang nasabi tungkol sa pagkikita nina Ms. Claudine Barretto at Ms. Angel Locsin nung July 4, 2008.

“Dahil dito, nagkaroon na ng meeting noong Miyerkyules, July 23, sa pagitan nina Claudine at Angel kasama ang ilang ABS-CBN executives na sina Ms. Malou Santos, Ms. Cory Vidanes, Mr. Roxy Liquigan, Ms. Mariole Alberto ng Star Magic, ang manager ni Angel na si Ms. Becky Aguila, si Mr. Raymart Santiago [mister ni Claudine], at ilan pang malalapit sa kanila.

“Sa naganap na pagkikita noong July 4, nagkausap sina Claudine at Angel tungkol sa ilang mga isyu na sa kasamaang palad ay napalaki at naging eksaherado base sa kuwento ng ibang kampo.

“Sa naganap na meeting, nilinaw ang mga isyung ito, kinilala at naintindihan ang nararamdaman at emosyon ng bawat isa. Naging malinaw ang lahat at nagkaroon ng kapatwaran.

“Natapos ng maganda at positibo ang meeting at naniniwala ang mga nakasaksi na ito ang magiging simula ng pagkakaibigan ng dalawa. Naniniwala ang ABS-CBN sa maayos na dayalogo at paglilinaw ng mga issues sa mga talent ng kumpanya.”

Video Link: Angel Locsin and Claudine Barretto Settle Misunderstanding

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares