Breaking

Alessandra de Rossi is ‘Proud and Flattered’ to be Piolo Pascual’s Leading Lady

Alessandra de Rossi is proud to be dark-skinned and prouder to be Piolo Pascual’s newest leading lady.

With Alex in the interview seat, it is always freewheeling and on the fun side, ‘tulad ng contract signing with a new dermatological center Simply Perfect Face & Body sa The Block sa SM City North EDSA kahapon, June 10.

Late ng kalahating oras si Alex, but only because ito raw ang ibinigay na call time sa kanya ng handler niya sa DMV Entertainment. First endorsement ito ni Alex for a dermatological center and she’s happy na kahit daw gano’n ang kulay niya, siya pa rin ang napiling mag-endorse ng bagong tayong company ni Dr. Kelyn Sy.

“Aba, sino pang negra ang kilala mong nag-e-endorse ng mga ganitong clinic, di ba?” sagot ni Alex sa amin on why she finally accepted to do the endorsement.

“Kung gusto nila paputiin nila ako sa tamang halaga, charos!” sabay bawi at tawa.

Sa totoo lang kasi, proud si Alex sa kulay niya at ayaw na ayaw niyang magpaputi.

“Di sana matagal na akong lumaklak ng glutathione, ‘no!”

FIRST TIME WITH PIOLO. The same qualities din ang balitang naging basehan ng grupo ng producers na gagawa ng twinbill movie na Manila, kung saan isa si Piolo Pascual sa mga producer and will also be the lead in the two stories.

Personal choice pala ni Piolo si Alex na maging partner nito sa Lino Brocka’s Jaguar-inspired episode to be directed by Adolf Alix.

“Kasi ang kailangan daw, puwedeng gumanap na model, mataas, maganda, marunong umarte. Meron pa bang iba?” pagbibiro na naman ni Alex.

How does it feel to be Piolo’s next leading lady?

“Ay, very Angel [Locsin]!” sabay tawa ulit nang malakas. “Honestly, proud siyempre at flattered. Hindi naman kami puwedeng magsama sa TV dahil magkaiba kami ng station, so thankful ako kahit sa pelikula, maka-partner ko siya.

“Iba kasi si Piolo, total package. May iba, guwapo lang, yung iba marunong lang umarte, may iba charisma lang. Siya, lahat. Mas may karapatan siyang matawag na artista kesa naman sa iba diyan…”

Like?

“Magpa-name drop talaga?” sagot niya.

Bagamat nagkikita na sina Piolo at Alex in different showbiz occasions, hindi pa sila nagkakausap nang formal or at least properly introduced.

Bagamat nagkikita na sina Piolo at Alex in different showbiz occasions, hindi pa sila nagkakausap nang formal or at least properly introduced.

“Ano, sa mga parties… Sa isang award night, naaalala ko noon inalalayan niya ako pababa ng hagdanan. O, di ba, ang bait? Hindi pa kami magkakilala noon, pero inlalalayan niya ako. Piolo na siya noon, ako award-winning actress pa lang kasi ako ang nanalo that night!” tawa niya.

Alex is also confident that they will hit it off.

“Kasi pareho naman kaming Christian, so mayroon kaming mapapag-usapan. May saysay ang kuwentuhan namin,” aniya.

In Manila, Alex will play a model and girlfriend to businessman Jay Manalo na gina-guwardiyahan naman ni Piolo sa pelikula.

Wala raw silang bed scenes at sa pagkakatanda ni Alex, wala rin silang kissing scene ni Piolo.

“Pero sige, para sa inyo, magpapalagay ako sa script, charos!”
Dapat sana ay last Monday, June 9, ang first shooting day ng episode nila ni Piolo sa Manila, kung saan bukod kay Jay ay makakasama rin sina Ms. Anita Linda and Jiro Manio. Kaso, masyadong nahihirapan ang production na makahanap ng free time sa schedule ni Piolo.

Source: Philippine Entertainment Portal

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: