Breaking

Derek Ramsay on His Transfer to TV5: ‘It’s Not About the Money but My Passion for the Project’

After his 1 week vacation in Australia, Derek Ramsay returned to the country with a new project and new network to work with.

Hindi Daw Pera Pera ang Dahilan ng Paglipat ni Derek Ramsay sa TV5 Kundi Dahil Daw sa Passion Nya sa Trabahong Ibinigay sa Kanya ng Network

(Photography and Text Story by Allan Sancon for Starmometer)

Matapos ang mga issue sa paglipat nina Mariel Rodriguez, Aga Muhlach at Sharon Cuneta mula Abs-Cbn papunta ng TV5 ay muli na namang nag trending at pinag-usapan ang paglipat ni Derek Ramsay sa TV5. Naging usap-usapan at naging malaking katanungan sa mga tao ang issue na ito kung totoo nga bang tuluyan nang lumipat si Derek sa kabilang network. Sa katatapos na presscon ni Derek Ramsay noong nakaraang Abril 10, Martes na ginanap sa Edsa Shangri-la Hotel sa Mandaluyong ay ini announce na ni Derek Ramsay na certified “kapatid” na sya at pumirma na sya ng 3 years contract sa nasabing network. Nagkaroon nang pagkakataon ang mga press na matanong si Derek tungkol sa isyu at kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang paglipat at ito ang ilang pahayag ng magaling na aktor tungkol dito…

“Pinakita sa akin ng Abs-Cbn ang mga gagawin kong project for the next couple of years, pinakita rin ng TV5 ang mga projects na nakalaan para sa kin. Pinili ko ang ini offer ng TV5 kasi it is really close to my passion, alam nyo naman na hilig ko talaga ang sports, hilig ko talaga ang travelling and TV5 recognized that, and they trusted me with my first project with them and that is “The Amazing Race,” that is perfect with my personality. It was a long process but finally I’m excited and confident with the decision I made.”

Malalaos ka daw pag lumipat ka sa TV5?

“Kung ano accessment ko dun sa nagsasabi na malalaos ako after transfering to TV5, I open my twitter every chance that I have and people are just continue saying that they will support me, they asking me where they can watch the projects that I’ve been doing. You know, they give me the strength and confidence to believe that I made a right decision.”

Part of Decision si Angelica:

“That was also a part of why I made these decision, di na ako bumabata, masakit na yung mga joints ko. Angelica is part of the family, my dad is love her to death, gumagaling na nga yung inglis ni Angel. She is so comfortable na sa pamilya ko. Oo, a part of this also na maayos namin ni Angel ang next step (referring to wedding) of our relationship.”

Mas mataas ang offer ng TV5 sa Abs-Cbn?

“Yes, aminado ako na mas mataas ang offer ng TV5 pero tulad nang sinabi ko na hindi yun ang dahilan but my passion sa trabahong ibinigay nila sa kin which is sports and travel.”

Feeling after the decision to transfer:

“Nung ini-aannouce namin ay nasa Australia ko, a sense of relieve, yes that I didn’t have a a sleepless night thinking kung ano ba ang gagawin ko. Now, I’m in focus to my work and I’m excited to work. At malapit na kami mag simula para sa “Amazing Race.” So much relieve that it’s finally over, halos 6 months yata yun eh. Six months na hindi ko alam kung ano gagawin ko?”

Anong masasabi mo na naglabas ng statement ang Abs-Cbn sa paglipat mo sa TV5?

“Yung time na yun, I was sitting in the airport,I decided to open my tweet, sabi ko wow! There are lots of tweet about the transfer. Kasi wala pa akong binibigay na announcement, I asked my dad if he read the email of Mr. Gabby Lopez and he said yes,he sent it to me and I read it, you know, I was happy kasi napaka positive nung email and then an hour or 2 lumabas na nga sa TV Patrol and nakita ko rin sa twitter kung ano lumabas sa TV Patrol and for me it was good kasi I’m flying to Australia, malaking smile sa mukha ko that time. Tapos nung nasa Australia na ako, nabasa ko nga yung ibang “bushers” ko na mukha raw akong pera, may nagsabi pa na kung nasa isang bridge daw ako ng Australia ay malaglag na raw sana ako kasama yung buong pamilya ko, yung mga ganun talagang bina block ko na yun sa twitter kasi dinadamay na sila yung pamilya ko. Pero yung nagsasabi na malalaos daw ako, that’s their opinion. I tweeted them, I understand kung saan nanggaling yun, I apologized, at the end of the day in the middle of my trip, nag apologized din sila. I enjoyed my Easter Trip, It was a relieved.”

May na pending ka daw na pelikula sa Star Cinema with Bea Alonzo? Kamusta yun? Matutuloy pa ba yun?

“Nakailang shoot na kami, I don’t know yet, pero sana matuloy kasi I like the projects and I’m happy working again with Bea Alonzo and then with Direk Olive Lamazan pa. Sana matuloy talaga yun. It could be sad kung hindi matuloy, I’m thinking positive na matuloy, pero as of now wala pa namang sinsabi na hindi matutuloy yun eh, kaya I’m still hoping. I don’t have contract with Starcinema last year pa,but Channel 5 is very open for me to work with Starcinema and Viva Films also. Walang problema sa kanila yun.”

Anong masasabi mo nagkasama kayo ni Sharon before sa Biggest Loser, ngayon ay magkasama kayo sa iisang network? Nagkausap na ba kayo after transferring in TV5?

“Weird, not then. Late ko na rin nalaman na lilipat si Ate Sharon sa Channel 5 but after we spoke about it, I asked for advice. Di ba may lumabas pang balita na kinomfirm na ni Sir Willy (Revillame) na TV5 na raw ako. Nagkita kasi kami ni Sir Willy sa Midland Golf Course, patapos na sila mag golf, kami ni Dad mag start pa lang maglaro, tinanong nya ako kung Tv5 na ako, sabi ko sa kanya na “Hindi pa, hindi pa namin nalalagyan ng desisyon pero I’m thinking about it.”

MORE PHOTOS HERE

Derek Ramsay is in the Top 10 of this year’s “100 Sexiest Men in the Philippines” poll. To help Derek climb the chart and win the title, click HERE and “LIKE” his photo.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares